Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
BryleCacho❤
lip tie poba ito?
ask lang po lip tie po ba ito? nag research po kasi ako, dahil madalas ang palungad ni baby ko at madami e tila suka kada dede napapaburp ko naman sya pero mayat maya na lagi kami palit damit nya kasi basa. posible poba na dahil nga dito?pure bf po sya ano po ba pwede gawin🥺#pleasehelp
pag iinat ni baby
normal po ba mag 3 weeks po ang baby ko grabe kong mag inat ng katawan may sounds tapos namumula para syang sasabog kala mo naninigas may kasama pa minsang utot nakaka pag alala. kada madaling ganon sya. pero pag day time tulog na tulog naman.
Please po sana may makasagot.
Nahihirapan ako sa balakang, hita hanggang paa ko parang may naiipit na ugat? ang sakit simula nanganak ako ganto. bigla bigla sumasakit para akong biglang kinuryente sa sakit ganon? sino po same experience dito at ano po ginawa nyo. at normal poba yun kasi sa first baby ko diko naranasan yun. ang hirap lalo pag hawak ko si baby nakatayo biglang sasakit mapapaupo ako dahan dahan sa sakit.
6days old baby
baby ko di sya masyado malakas dumede diba po every 2hra dapat pero anak ko puro tulog lang halos buong araw tas dede saglit tulog ulit pero di every 2hrs ang dede nya. normal poba
SOBRANG PANANAKIT NG PUSON
hello po sino po dito yung nanakit ang puson na parang naglalabor? kasi sa panganay ko diko naranasan yun, kanina grabe yung sakit ng puson ko na tila susugod na sana ako sa hospital kaso ayoko at ayoko iwanan ang baby ko 4days old palang. normal po ba kaya ito? o tinatawag na binat at sumpit daw? iyak talaga ako sa sakit nya. ano po kaya iyon?
breastfeeding
Solid yung sakit ng dede ko pag gising, di pa masyado malakas dumede baby ko at 4days old palang super blessed sa milk kahit wala ako kahit iniinom or kinakain. di pako pwede magpump sabi kaso diko matiis nayung sakit nya.
breastmilk
sobrang lakas ng gatas ko, di masyado nadede ni baby dahil nabubusog agad super bless pero tanong ko lang po pwede kaya sa 3yrs old ko itong gatas ko? para di nasasayang hehe.
Labor Experience
Grabe pala pag induced labor noh. kung icompare sa normal na labor lang. halos 24hrs ako naglabor tinutusukan pampahilab tapos nilalagyan ng mga gamot sa pwerta na halos dina makahinga sa sakit at naka oxygen na, grabe dikosya makakalimutan na experience kasi halos nag agaw buhay ako dahil napabayaan din ako ng mga doctor at public lang ako nanganak. need induce at 37weeks dahil sa gdm ko at may posibility na titigil na heartbeat nya daw. kaya mga mommy dapat tiyagain nyo ang maglakad lakad na kung time na ninyo hirap ng force labor, danas ko ang normal lang na labor at induce pero pag nanay ka kakayanin natin lahat mailabas lang sila ng safe❤️
37weeks baby/3days old now
hello po nagwoworry ako dipa nagpopoops si baby, ano po kaya pwede gawin at baket dipa nagpopoop normal poba? dumedede naman sya sakin, until. now dito padin kami hospital pero sinabi ko sa nurse sabi lang padedehin lang ng padedehin, pero dipadin nag popoops.
37weeks baby out. via induce labor, 24hrs labor worst but worth it.
hello po mga mommy. ask lang po pano alagaan ang pusod po ni baby. not first time mom pero nalimutan ko na kasi yung ginawa ng mother kosa baby ko po.