di ko mapatahan si baby
Nakakalungkot mga sis kasi ako mismo nanay niya bakit parang ayaw sakin ng baby ko di ko mapatahan minsan. Madalas ko naman siya mapatulog pero minsan oag umiiyak siya ayaw niya huminto Kahit ako gawin ko tapos pag kinarga siya ng biyenan ko tumatahan siya. Lalo ako nalulungkot kasi sabi daw pag di mo mapatahan baby mo lalayo loob sayo.. Posible po bang ganun yun? Thanks po
Masasanay ka din naman lagi mong kausapin si baby at lagi mong iparamdam na mahal mo..yung baby ko di ko mapatahan nung nilalaganat pero nagawan ko ng paraan kahit ako nagaadjust ginagawa ko. Minsan ayaw nya sa ganung posisyon o di kaya may hinahanap ni binibigay at tinetesting ko pag ayaw ibang strategy naman po..being a parent especially a first time mom is challenging kasi laht ng first mararanasan mo tyaga, patience and love
Đọc thêmGanyan din po ako nun. Mas napapatahan sya ng lolo nya. Mas gusto nya ng mas mainit. At minsan din kasi kinakabag pla si baby kaya sya iyak ng iyak. Si lolo nya nghihilot kaya nakasanayan nya na lolo nya. Kaya ang ginagawa ko ginagaya ko na lang ginagawa ng lolo nya sa kanya. Mahirap sa umpisa kasi pero makakasanayin ka rin ng baby mo kahit papano. Basta kalma lang momsh. FTM din here 😘
Đọc thêmMommy if ever na umiiyak sya wag ka mastress if di mo siya mapatahan kasi mapifeel niya un na nastress ka na sa iyak niya mas lalo mo siya di mapapatahan talaga ksi di niya mararamdaman ung eagerness mo na pahintuin siya sa pagtantrums. Ako gnyan din ang hirap lalo if ftm ka ksi di mo pa alam ggawin
Sometimes kasi naooverwhelmed ang mga babies sa paligid nila. And so they need someone else to calm them down. Nangyayari talaga un so wag panghinaan ng loob. Wag isipin na malayo or lalayo loob nila. Paglalaki laki pa nyan magiging clingy na yan sayo😊
heheh ganyan din si baby ko ang behave kay nanay niya sabe ko lang feel kasi niya n secure siya kay mama ko kisa sa akin 😅😅 masaya lang ako kasi na papasaya ko si mama sa apo niya😇 pero dmo talga maiwasan na mainsecure as a mom..
baka po d siya komportable sa karga mo momsh meron dn kasi ganyan, kasi hubby q d nia talaga mapatahan baby nmen kahit anung posisyon ng karga gawin nia, peru pag ako na ngkarga tumatahan nman.
Nung una ganyan baby ko papa lang niya kayang magpatahan sa kanya pero nung nawala ng 4days papa niya at kaming 2 lang naiwan napapatahan ko na siya
Same here. Pag umiiyak baby ko, pag kinakarga ko ayaw tumahan pero pag dating sa ate at tita ko tumitigil at napaatulog nila
Baka po stress ka o naiirita kapg pinapatahan mo si baby. . Nafifeel nya po kasi yun. . Ang tendency naistress din si baby. .
Same here. Yung MIL ko mas napapatahan niha si baby kaysa sakin. Pero now improving naa. Napapatahan ko na sya unlike before.