Di mapatahan
Bakit po kaya ganon yung baby ko 1 month old na sya nung 25 di ko po sya mapa tahan tuwing umiiyak sya, pag kinarga ko pa lalong umiiyak, masakit para sakin na di ko mapatahan sarili kong anak. Sa asawa ko naman at sister in law mabilis sya tumahan as in yung tipong pagka bigay ko tas marinig niya boses ng nagkakarga sa kanya automatic tumatahan sya sakin ayaw bakit po kaya ganun yung baby ko. Aside nalang kung dede gusto niya napapatahan ko sya pero kung hindi dede di ko sya magawang patahanin. Sana my makasagot at matulungan ako. FTM here