Mommies Dont Compare Ur Child To Others Because They Have Their Own Abilities
"Ang payat ng anak mo. Ka-edad niya si ganito di ba? Tingnan mo yun ang taba. Nakakatuwa." "Hindi pa din siya naglalakad? Buti pa si ganito, ang bilis nang malakad." "Yung anak ko ganiyang edad ang pagkadaldal na. Hindi pa siya nagsasalita?" "Ang galing ng anak ni ganito. Nakakapagbasa at nakakapagsulat na agad. Kabata pa nun eh. Kasabayan yun ng anak mo di ba?" Nanay, paalala lang. Hindi kailangan ang pagkukumpara. Hindi nagpapaligsahan ang mga anak natin. Lalong hindi tayo nagpapaligsahan kung sino ang mas magaling sa pagpapalaki at pagaalaga sa bata. May kani-kaniyang panahon ang ating mga anak. Hayaan natin silang matutunan at magawa ang iba't ibang bagay nang naaayon sa kakayahan nila at magawa ang mga ito sa tamang panahon-- panahon na sila lamang ang nakakaalam. Huwag natin silang madaliin. Magtiwala tayo sa kanila. Magtiwala rin tayo sa ating pagiging Nanay. May kaniya-kaniya tayong pamamaraan at paniniwala. Hangga't alam natin na ang bawat ginagawa natin ay makakatulong sa kanilang paglago, wala tayong dapat ikabahala #intentionalparenting #notocompetition #notocomparison #EveryChildIsUnique #EveryChildIsSpecial #nanayhood #nanayjane #trustyourchild