nagseselos ba kayo sa in-laws pagkasama si baby

nageselos ba kayo sa mga in-laws niyo pag kasama nila ang baby niyo? Kasi sa akin pag kinakasama nila baby ko ayaw na magpahawak nang baby ko tsaka okay lang din sa hubby ko

26 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Ako oo. FTM here. Kulang nalang kasi kunin na nila anak ko. Yung karga ko na tapos ipapababa kasi sila daw kakarga? Konting iyak agad nakasugod sa kwarto namin at kukunin nila dadalhin nila sa room nila ng wala man pasabi? Feeling ko tuloy wala ako kwenta nanay 🥺 minsan sinasabihan pako kung kaya ko daw ba patahin anak ko kapag umiyak. One time nagpump ako tapos pinadede ko sa anak ko kinagabihan kinabag sya sinisi ako dahil daw sa pinadede ko na breastmilk kaya kinabag, sabi ko wala naman konek un, meron daw. Diba nakakainis?

Đọc thêm
5y trước

Bakit kaya ganon? Akala ko ako lang yung ganyan meron din pala iba, nung nga sinisi nila ung pinadede ko dikona napiligan umiyak talaga kawawa lang asawa ko kasi sya yung naiipit, gusto ko na nga sana umuwi samin e kaso ung work ko andito 😔 dapat bigyan nila tayo chance matuto, iparanas naman satin yung puyat sa pag aalaga. Baka lumaki pa anak ko na hindi ako kilala neto 😅

Hindi nman.. I treat my in-laws as my own family kya walang selosan. Kasi mommy, pg ba parents mo ang mgkakarga ng karga sa baby mo, mgseselos kba sa sarili mong parents? Hindi Diba? Kaya ituring mo hindi iba in laws mo. Mas Madaming nagbibigay ng attention and love ky baby, much better. Nanay tau, tau dapat ang may pinakamalawak na understanding. At the end of the day.. Nanay pa din hahanapin ni baby. 😘❤️

Đọc thêm

Hindi ms maganda nga un eh na malapit ung baby mo sa lolo at lola nia aq kc sila ng babantay ng baby ko my sarilong duyan dun sa. Kwarto nila si baby kukunin ko lng pag ng pupo si baby at pag gabi na madami na aq nagagawa sa bahay naasikaso ko pa ung ibang anak ko lalo na sa pagkain at nakakapag0ahinga pa kc sa gabi ka pupuyatin ng baby heheheh

Đọc thêm

ako mamsh nagseselos ako lalo na pag si MIL ang nagkakarga. feel ko kasi nakikipag compete din sya sakin sa pag aalaga. kahit baby pa nga anak ko kinakausap nya na wag uminom ng breastmilk ko para mag formula milk nlng sya. gusto nya sguro i-formula para di na ko kelangan ng anak ko tapos sya na mag aalaga. napaka immature ng byenan ko. kainis

Đọc thêm
5y trước

Hala grabe naman un. Sarap bumukod pag gnyan. Haha

sobra.yung pakiramdam na dna nila ibibigay.tapos pinipilit nila patahanin kahit d nila mapatahan.papakainin kahit d naman nagugutom para lang tumahan.tapos susubukan pang painumin ng gatas para lang daw dna dumede.kasi pure bf si baby.tapos lahat gagawin nila para lang malayo si baby sakin.kasi ayaw naman talaga nila sakin😂😂😂

Đọc thêm

Hindi. Eh di mas okay makakapagpahinga ka. Tska nakakatuwa makita na inaalagaan nila si baby kesa sa iba na walang pake ang in laws. Basta in terms of pagpapalaki, ikaw ang masusujod basta nasa tama

Ngyari din skin yan, nung s knila pa kmi nkatira. Umiyak si baby ng madaling araw gusto sila pa mgpatahan. Sabi ko ako na lang. Mas di ko kaya makita na iba ung ngpapatahan sa anak ko.

Me sometimes! Ftm here. ngayon nalockdown sa pangasinan ang MIL ko medyo nabawasan. Nakakainis kasi minsan yung gusto niya ang dapat masunod. My child my rules.🧐

Hindi ako nagseselos kundi naiinis lang. Kinakarga niya kasi si baby at pilit pinapatulog kahit sobrang gutom ng bata, ayaw niya ibigay.

Hnd nman po hehe, Mas maganda nga yun may bond sya sa mga lolas and lolos nya, In the end of the day ikaw prin hahabapin ni baby