My Teammate Daddy: Gaano ka-hands-on si Dada/Daddy?

I-share mo ang naging role ni Daddy sa iyong pagbubuntis o sa parenting & get a chance to win PhP 3,500 worth of prizes from Lily of the Valley dito : https://community.theasianparent.com/contests

My Teammate Daddy: Gaano ka-hands-on si Dada/Daddy?
23 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

We got married December 2021 and nabuntis agad Ako Ng January 2022 super alaga si hubby sakin ayaw nya Ako mag gagalaw ne pag dala Ng sling bag ko gusto nya sya pa, pero so sad kasi Hindi nagka heartbeat Ang baby namin😓 Naraspa Ako, almost 5days Ako sa hospital and si hubby nag asikaso sakin, Wala syang tulog, Hindi din sya nakaligo for 5 days kasi ayaw nya Ako Iwan sa hospital and since pandemic di pwedi mag stay Ang watcher sa ward,ayaw nya din umuwi kahit pinapauwi sya Ng parents ko, kaya ayun dinalhan nalang sya ng pampalit. Nadischarge ako and grabe Panay sisi ko sa sarili ko nun at lagi Kong sinasabi na kasalanan ko kasi diko iningatan yung 1st bb namin pero pinapaintindi nya sakin na hindi talaga sya para samin at that's part of God's plan for us. We can try again pa Naman din daw pero diko talaga maiwasang sisihin sarili ko😞 Umuwi syang manila after a month nung Naraspa Ako kasi andun work nya,pumunta lang talaga kaming Davao para sa kasal namin,naiwan Naman Ako sa Davao, nagpapa galing padin sa depression at anxiety pati sa pag raspa ko. After 2mos sumunod akong manila, kasi gusto naming magtry ulit even Sabi nila wait Muna Ng 6mos kasi kararaspa lang pero we really wanted a baby na. After a month nabuntis agad Ako, grabe Yung kaba ko na baka maulit ulit Yung dati, na baka kunin ulit sya sakin, samin, dahil nag bleeding na Naman ako 😥 Buti nalang magaling Yung OB namin at inaalagaan talaga Ako,grabeng sacrifice at pag aalaga din ni hubby. Kahit pagod sya sa work sasamahan nya talaga Ako sa check up ko na twice a month kaya kapag Minsan di sya naka sama (papa nya pinapasama sakin) magtatanong Ang OB ko at pati mga staff Ng lying in kung nasan sya kasi nga sanay na Silang lagi nakikita hubby ko once nagpa check up Ako.So ayun pag nasa Bahay Ako, naka higa lang Ako for almost 3months di Ako pumalya sa pag inom Ng pampakapit kahit sobrang nakaka butas Ng bulsa ang presyo. And now our baby boy is 4mos already at mas Lalo kaming tumatag ni hubby sa mga experiences namin together with our little one now. And I really believe in god's perfect timing. Kung talagang para sayo, para sayo. Pero mananatiling naka ukit sa parte Ng puso ko Ang 1st baby ko na angel ko na Ngayon kahit hindi ko man sya nakita♥️

Đọc thêm
2y trước

Hi Mommy! Aawww... Nakaka proud talaga to have husbands/daddies na maalaga and maasikaso through the journey like yours 💜 please don't forget to put this entry in the link provided in the caption para may chance po kayo to win the P3,500 worth of prizes from Lily of the Valley!

Thành viên VIP

Simula nung nagpositive yung pregnancy test ko at nakapag ultrasound kmi, di na ako pinagbackride ng motor ng partner ko. Kahit di naman maselan yung pagbubuntis ko. Sabi nya, safety lang naman daw yung inaalala nya. Most of my monthly check-ups ay sumasama sya, gusto nya talaga sumama para malaman nya rin kung ano raw sinasabi ng OB ko, pinaglalaanan nya talaga ng oras yung monthly check-up ko. Di nya talaga ako iniwan sa hospital nung nagla-labor pa lang ako, kahit kinaiinisan ko sya nun, hinahawakan nya ako pero ayoko magpahawak sa kanya kasi naiinitan ako sa kamay nya, di ko rin maintindihan bakit ako ganun, kaming dalawa lang talaga mula pagbubuntis hanggang sa panganganak. Hands-on din sya nung nanganak ako, mahaba rin pasensya niya, sya na nag-alaga samin mag-ina, pati sa baby namin hands-on din sya, inilalabas niya si baby tuwing umaga para maarawan para makatulog naman ako, sya na nagluluto at naghuhugas ng pinagkainan. Since di na ako basta makalabas ng bahay, sya na lahat bumibili ng mga pangangailangan namin dito sa bahay, naglalaba ng mga damit namin, namamalengke at nag-go-grocery. Ni minsan di sya nagreklamo, kahit pati sya puyat sa gabi, sya na kasi nagpapatahan kay baby kapag umiiyak at ako naman ay mahimbing ang tulog, ginigising nya nalang ako para padedehin si baby, breastfeeding kasi ako. Binabantayan nya rin baby namin kapag ako naman ay maliligo o di kaya maglalaba sa mga damit ni baby. Kapag sa malayo naman yung duty nya, lagi naman syang tumatawag o nagcha-chat makamusta lang kmi mag-ina, wala kasi kami ibang kasama sa bahay, 3lang kmi, yung partner ko, ako at baby namin. Lagi sya nakadepende sakin pagdating sa mga gamit ni baby, mula sa brand ng diaper at mga essentials ni baby. Napakabait at maunawain. Napaka-swerte ko sa kanya. Buti nalang sya yung ibinigay saking ni Lord na magiging partner ko, kaya ang laki ng pasasalamat ko sa panginoon for giving me a partner like him(family-oriented) and soon to be my husband. 💍 #MyTeammateDaddy #theAsianParent #HappyFathersDay #FirstTimeParent

Đọc thêm

Ang Aking mister ang syang nag silbing mga kamay at paa ko, Simula palang noong nag bubuntis ako, Dahil sa Hirap ng pag bubuntis ko at sa napaka laking Gastos kinaya nya na magtipid ng sobra, dahil nga may APAS ako, at 16k a month Ng kailangan namin ng baby ko para lang mabuhay at masustentuhan ang pagbubuntis ko, sinakripisyo nya ang mga personal nyang pangangailangan at sobrang pag titipid ang ginawa nya para lang makaipob kami lagi buwan buwan ng ganong halaga, Lahat ginawa nya para saamin ni baby, dahil dully bed rest ako, Lahat sya ang tumatrabaho ultimo pag tapon ng ihi ko sya lahat, pag hahain ng pagkain ko lahat sya, sobra akong natutuwa dahil hindi sya naging pabaya, dahil narin 2 beses na ako nakunan pinilit namin kayanin lahat ng hirap kahit na ilang beses ako dinudugo naging positibo kami sa lahat ng bagay, sya ang naging sandalan ko dahil sobra talagang napaka hirap ng Apas pregnancy, kaya simula nung nailabas ko si baby sya parin ang kasama ko sa Ospital, napaka swrte ko sakanya, wala akong masabing hindi maganda mapaka positibong tao, napaka responsableng ama at partner sya Kaya mapapathankyou Lord kanalang talaga, Sya ang Naging paa at kamay ko nung mga panahong nahihirapan ako hanggang ngayon na nakapanganak na ako, kasama ko sya sa puyatan kay baby, kahit may work sya lalo narin Cs ako, nag papasalamat ako sa Panginoon dahil binigyan nya ako ng isang makakasama na talagang hindi nakakapag sisi, May hero Partner. #MyteamMateDaddy #HappyFathersDay2023 #LiliesCircle #TheAsiantParent #LilyofTheValley #ProudlyFilipino #Exclusive #Customized

Đọc thêm
2y trước

Hi Mommy! here po: https://community.theasianparent.com/contests

Thành viên VIP

Ang aking Partner ang nagsilbing lakas ko dahil pinapalakas niya ang loob ko, dahil nga sa naranasan namin noong first pregnancy ko dahil nagka miscarriage ako 6 months pregnant para kaming binagsakan ng langit at lupa ,hindi kami makakain ng maayos maya't maya iiyak nanaman ako na depressed ako nun. Na overcome ko yun nang dahil sa pagiging maunawain nya sakin khit pareho kami nasasaktan but still he gave me his shoulder so that I can lean on him . At sa hindi namin inaasahan nabuntis ako ulit after 1 year yung nga pinanghihinaan ako ng loob at natatakot baka maulit yung miscarriage dahil nga sa mga opinion ng iba once nagka miscarriage na daw paulit-ulit na daw po yun. Pero ang ginawa niya pinapasaya nya ako pinapatawa inaalagaan stress free ako nun time na yun, binibigay nya lahat-lahat pati na mga gusto kong kainin, since wala akong work kasi nga maselan pagbubuntis ko he provides my needs mula sa Vitamins hanggang sa mga cravings ko. At ito na nga yung mundo namin na nabuo we have our daughter na pinagdarasal namin. Thank you Lord Blessing in disguise talaga!! So mommies out there my advice is don't lose hope . #MyTeammateDaddy #Fathersday2023 #LiliesCircle #theAsianparent #LilyoftheValley #ProudlyFilipino #Inclusive #Customized

Đọc thêm

si daddy ang ng alaga sakin buhat nang akoy ngbuntis. hanggang sa dumating ang araw ng aking panganganak siya ang pinaghugutan ko ng lakas upang kayanin inormal si baby kahit sabi ng doctor na i-cs nako.. sabay nmin hinarap ang lahat ng pain , at lahat ng saya nang unang makita nia ang aming baby... napawi ang lahat ng pagod, hirap at sakripisyo .. napuno ng saya. at ngayon sia daddy din ang gumagabay samin mag ina. inaalagaan nia si baby khit umagahin pa sia ng tulog at tinatabihan sa crib nito.. kinakausap , kinukwentuhan. khit di pa nkkpagsalita ito at nkikipag titigan khit di pa gnun kalinaw ang mata ni baby.. ngayon ay masaya kameng tatlo. mommy baby at daddy. na inaalagaan ang isat isa... ❤️ at ngrerecover nlng ako sa pghilom ng aking mga tahi. hanggang sa tuluyan nang gumaling at mkpagbonding mkabuo pa kme ng more memories. together as a first mom/dad.. as a family.. 😍 #MyTeammateDaddy#Fathersday2023 #LiliesCircle#TheAsiantParent#Lilyof theValley#ProudlyFilipino#Exclusive#Customized.

Đọc thêm
Post reply image

Ang tagal na namin hiniling na mag kaanak. Kaya nang mabuntis ako ay sobrang saya ng partner ko. Ang dami na niyang plano para sa pamilya namin. Nag iisip na siya ng magandang pagkakakitaan para matugunan ang mga pangangailangan namin ni baby habang ipinagbubuntis at lalo kapag lumabas na siya. Pero bigla na lang kaming sinubok ng tadhana. Sa ika anim na buwan ng pagbubuntis ko ay nastroke si partner. Pero sa kabila nang yun, nagsisikap siyang gumaling. Nandoon ang determinasyon niyang makabangon at makagalaw muli dahil gusto niyang maalagaan ang anak namin pag labas. Gusto niyang siya ang unang maging playmate ng baby girl namin. Nagsisikap siyang maibalik ang dating lakas ng katawan para makarga ang anak namin. Excited na siyang maging tatay kaya pinipilit niyang gumaling para sa amin ni baby girl. #MyTeammateDaddy #HappyFathersDay #TheAsianParent #LiliesCircle

Đọc thêm

During pregnancy hindi siya nawawala tuwing may check up ako. Laging andiyan at laging gagawa ng paraan para makapag leave sa work at masamahan ako and super thankful ako dun dahil ramdam konyung support. Nung naglilabor ako, siya yung kasama ko sa lying in at wala siyang pakialam kahit mabali ko pa buto niya st kahit puro kalmot pa siya sa higpit ng yakap at kalmot ko sa kanya basta guminhawa lang pakiramdam ko. Hindi nagreklamo kahit pabalik balik para bumili at kumuha ng mga kailangan namin ni baby. Siya rin unang bumuhat at nagsayaw sa baby namin paglabas at hanggang ngayon, siya parin ang nag aasikaso sa amin ni baby kapag may extra time siya. Super thankful and blessed ako na siya ang naging partner ko. ❤️

Đọc thêm
2y trước

Hi Mommy Angel! What a touching story.😍 Make sure to place your entry in the contest link provided in the caption para may chance po kayo to win the prize!✨️

Sa totoo lang yung partner ko nakakatampo never nya ako sinamahan o ihatid sa lahat ng checkup ko minsan naiingit ako sa may mga kasamang partner pag checkup day pero pag yung ate nya buntis lagi syang taga hatid sundo at kasama nag tatampo ako pero inisip ko nalang na baka ganon nya talaga ako tratohin 2nd baby na namin simula sa 1st baby namin ganon sya hanggang sa nanganak ako sa 1st baby ko wala sya andon sa ate nya at ngayon kabuwanan ko na nagsasabe agad sya na yung kapatid ko nalang daw magbantay sakin sa hospital nakakatawa diba may ganito talagang lalaki sa totoong buhay pero okay lang kasi pag dumating yung panahon wala syang makukuha sa mga anak ko. thats the truth ☺️

Đọc thêm

si mister palagi ko syang pinaghihilot ngayon buntis ako since from 1st trimester up until now 😄34 weeks na po ako ngaun,salamat po sa dyos at naabot ko itong linggo na ito.. kahit pagod galing sa work, suportado pa rin cya sa paghihilot sa akin. hinde lng to, cya rin ang ng mamalengke sa mga Masustansya kinakain ko at taga luto na din if uuwi ang aming kasambahay tuwing weekends.. cya rin tagabantay ng aming panganay na babae 6 yrs old ang edad. napakasuwerte tlaga ako kc binigyan ako ng Panginoon ng mabait, maalagain, masipag, mapagmahal, malasakit na asawa. sana hinde cya magbago, at palaging masaya at mabuti ang aming pagsasama 😘🥰

Đọc thêm

Nasurprise kami nung nalaman ko na buntis ako dahil parehas kami may balak mag abroad at wala pa sa plano ang baby. Luckily its a double blessing nung malaman namin na may schedule na ang flight nila tapos ako naman buntis na pala, almost a month lang kmi nun nagsama bago sya umalis pero never ako pinabayaan lalo at medyo nahirapan nung first trimester. And super thankful dahil napaka supportive at laging pinapalakas ang loob ko kahit di kami magkasama ngayon. Onting araw nalang din at malapit na lumabas si baby 😊 #MyTeammateDaddy

Đọc thêm
2y trước

Hi Mommy! We are excited for you to experience a wonderful parenting journey ahead with your teammate Daddy 🤍 please don't forget to put this entry in the link provided in the caption para may chance po kayo to win the P3,500 worth of prizes from Lily of the Valley!