Live-in bago kasal
Moms, agree ba kayo na mag live-in muna bago ikasal?
In my own opinion lang po ha,ok lang naman mag live in muna bago ikasal .sa part ko kasi nauna dumating si baby samen and so ayun nag live in muna kami ni hubby.Ayoko din naman kasi na ikasal dahil lang buntis ako and ayoko din magsuot ng wedding gown na malaki ung tummy ko.Sa ngayon 3 years na kaming kasal ni hubby 💓 .
Đọc thêmNag live in muna kami ni Hubby bago kinasal. I think there's nothing wrong with that! Mas makikilala mo pati agad ugali ni partner since nasa isang bahay nalang kayo. It depends pati sa situation. Nakapag live in lang kami gawa namatay father ko, puro babae kami sa bahay so siya tumayong kuya sa mga kapatid ko 🙂
Đọc thêmI don't believe in marriage, for me marriage is like a formality, ikasal to make things legally. Dami kase failed marriages kaya I don't believe it. For me if you really love each other kasal man or hindi matatagal kayo. And walang divorce sa pilipinas, yaw ko maging prisoners of marriage if ever.
In my opinion, NO po. Wala kasing blessing galing kay Lord and sa parents. Ang pag uugali naman malalaman mo naman at mapapag aralan yan pag nasa iisang bubong na kayo, and mas plus points pa kung matagal kayong mag bf/gf kasi lalabas na din don ang ugali ng partner mo :)
yes .. para malaman mo muna yung totoong ugali ng partner mo .. mahirap kase pag kinasal ka tapos dun mo lang malalaman yung ugali nya .. tapos di kayo nagkasundo .. sayang lang yung pinangkasal nyo kung sa hiwalayan din ang bagsak dahil sa hindi mo papala sya tuluyang kilala .
Depende sa upbringing ng pamilya yan. There are conservative people and andyan naman yung mga modern. Kung galing sa conservative family ang isang couple, malamang sa malamang, kasal muna dapat, pero kung nahawaan na ng modern mentality ang isang couple, then live in muna.
yes...though sakin nagpakasal muna kami den nagsama at nagkababy pero Sana if maibabalik ko lang ung time Sana naglive in na muna kami kc no turning back na kapag kasal ka na Taz saka mo lang makikilala Ang ugali Ng tao kapag nagsama na kau...abusive pala sya...
no po. babae kasi lugi jan. kung tunay niong mahal ang isat isa magpakasal kayo may civil naman. pero kung di pa kayo sigurado sa isat isa, hanggang bf gf lang. sa live in kasi tapos kikilalanin nio lang pala ang isat isa, parang sex independency ang gusto nio.
Oo, kasi nag live in kami ng bf ko ng almost 2 years bago kami nag LDR din pag uwi niya tumir na ako sa kanya bago nagpakasal kasi nabuntis na ako at may mga marami pang bagay na nasusurprise ka mga unexpected about him na likes at dislike mo
Yup as long as masaya at kuntento kau 2 years in a relationship, almost 4 years dn kmi ng Live'in before we got married ,. and we are 5 years happily married ... a wonderful 11 years were together blessed with two kids a boy and a girl🥰
A mummy of a handsome baby boy