Bakuna

Mommies saan mas kagandang magpa bakuna sa health center o sa private?

89 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Super Mom

Really depends on your preference po.. Pero may mga gamot na available po sa health center and wala sa private clinic.. And may mga gamot sa private clinic.. na wala po sa health center😊 suggestion po dati nung pedia ni baby.. Lahat po ng vaccine.. Kunin na lang sa health center.. Then yung wala sa health center.. Sa kanya na lang kami magpapainject😊 unfortunately.. Nagpandemic.. Kaya simula nun..tinatanong na lang namin yung pedia ni baby kung anong due na vaccine ni baby.. Nagtry din kami magpahome service.. Hanggang sa kami na lang naghanap nung mga kailangan na vaccine ni baby.. Then si husband na lang nagiinject kay baby😊all good naman since parehas po kaming nurse ni husband😊

Đọc thêm
Thành viên VIP

kung may budget private. pero dahil sa buwis naman kinukuha ang pang bili ng vaccine sa health centers go with public na lang.. dahil sa private pipila ka din naman unless kung hindi sikat yung private clinic na pupuntahan mo. yung trusted na private clinic ko kasi box office sa haba ng pila e... super expensive pa ng vaccine. eh as a Nurse alam ko naman ang presyuhan ng mga vaccines kaya ayun sa health center ko ngayon dadalhin ang 2nd baby ko 😂

Đọc thêm

May mga Bakuna sa Private hospital na hindi ino-offer sa Center. At yung mga Bakuna sa Center Meron di sa Private Hospital Yun nga Lang may bayad na o Mas pricey. For a very practical advice pwede mong ipabakuna si baby sa Center at yung mga Bakuna na wala sa knila pwede mo paglaanan para Mai-avail mo sa private hospital. 😊

Đọc thêm

Kung wala pong budget, ok sa health center. Dalhin lang ang baby book. Pero personally mas gusto ko sa private kasi by appointment. Less exposure sa ibang tao and masmabilis. May mga pedia din na nag ooffer ng drive by vaccination, sila na mismo dadaan sa bahay nyo para magvaccinate. Di nyo na kailangan ilabas si baby.

Đọc thêm
4y trước

Ang instruction po sa amin before ay 1 week after birth. First well baby check up, measurements lang ng height, weight, head circumference, etc. Wala pa naman pong vaccination sa first visit pero after that, start na po, si pedia na po magsasabi kelan next visit. Good chance to ask them na rin po kung may tanong kayo sa milk ni baby, poop, skin, pusod, etc :)

pareho lang naman e. pinagkaiba lang, ung isa libre. which is ung sa center. may mga pedia naman po na magrerecommend na sa center pabakunahan si baby e. except dun sa isang bakuna na di libre and sa private lang makukuha. I believe ung retovirus ata or rotavirus. bast soundlike that po na usually 2500 ang price.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Kung ano po ang mas accessible sa inyo ma. Sa amin naman po sa pedia. Pwede din po sa center libre pa. Join TeamBakuNanay community on Facebook go to http://www.facebook.com/groups/bakunanay and dont forget to answer the questions to join our safe space to discuss and ask your questions about vaccinations.

Đọc thêm

Sa center tpos ang iba sa kanyang pedia.. Pedia mismo Ni baby ngsabi na kung ano ang available sa center doon kayo PRA makatipid and mgbigay din sya ngadvice kung wen ako dapat mgpunta sa center for vaccine.. Safe nmn as center basta dalhin Mo lng ang babybook Ni baby PRA marecord..

Influencer của TAP

In terms of bakuna mismo, pareho lang naman po yung sa Health Center at sa private. Ang iko-consider mo na lang siguro ay yung distance at convenience. Kung gustong makatipid, kunin mo yung sa Health Center then sa private yung vaccines na di available sa barangay.

kinoconsider ko dati center kasi diba sobrang mahal umaabot sa 4500/turok kaso ayaw ng inlaws ko. kahit sila pa daw gumastos basta private daw dapat sya. natakot sila dati kasi daw may nabalitaan sila na naiwan yung karayom sa bata. kaya ayun against sila sa center.

6y trước

Right mommy. Kc ung ibang case p nga natamaan ung buto ng baby s legs. At un ang naging cause para mamaga ung buto Kaya kht mahal Mas maganda pdin I private c baby . Maalagaan tlga baby mo.

Thành viên VIP

Kung mas mapapadali ang iyong pagpunta sa Heath Center kaysa sa Pedia/ Doctor, maigi dn naman duon na magpaBakuna... subalit hindi lahat ng Vaccines ay Available sa Health Center. Mas mabuti tumawag muna bago pumunta Para sigurado na may maibbakuna Kay Baby.