Carpal Tunnel Syndrome

Hi mommies, do any of you experienced pamamanhid ng mga kamay na parang may tumutusok? Ilang weeks/months preggy kayo nung nagstart sya lumabas at kailan nawala? Anu remedy nyo or gamot para don?

35 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Ako mamsh, 7months pa lang tummy ko napansin kong namamanhid xa everytime nagigising ako pag morning taz lumala nung kabuwanan ko na, nanganak ako march 13 pero hanggang ngayon nafifeel ko pa rin xa.. Ineexercise ko na lang kamay ko pag morning..

5y trước

Momsh, neurobion ininom ko nuon bali 2months yun(after ko manganak). Nawala naman.

Currently at 20 wks preggy and sobrang sakit po tlg sa kamay.. di ko po kaya irestrain ug kamay ko the whole day dhl sa nature ng work. Ngprescribe po c obgyne ng vit b coplex and ngadvise to seek medical help from ortho doc.

Ay oo noon may nararamdaman akong ganyan, may gabi pa na hirap ako makatulog di ko na open sa ob ko yan. wala naman akong ginawa, basta nawala nalang ngayong 3rd trimester ko hindi na ulit

6mos ata ako nung nag start sumakit kamay ko. Maidlip ka nga lang saglit pag gising mo Hirap na agad iclose mga daliri ko. Every morning ganun struggle ko. Ang sakit pa naman

Ako naman parang may pilay. Sabi ng OB ko. Common daw sa pregnant. Kasi namamaga yung mga ligaments ata not sure. Wala daw gamot. Huhu. Hirap 😭mag 3weeks na ganun pa din.

Influencer của TAP

Ako Sis mula ng mg-5 mos ako kada umaga ang sakit ng mga kamay ko nag-numb pero mas lumala nitong nag-7 mos parang tinutusok tusok na nd hirap ako mghiwa pati humawak.

Thành viên VIP

Nagstart sakin yung carpel tunnel 9thmonth ko. Kaya ang hirap. 😔 Yung manas ko naman nagstart 34-35weeks. Tapos nawala na pagmamanas pagtungtong ng 36weeks and up.

Eto tuwing gabi ala akong side na pwedw balingan at pareho masakit ang mga kamay at daliri ko. Lumala nito nag 5 to 6 months ng pregnancy ko. Napakasakit😭

Thank you sa mga sagot nyo mommies. Nakasanayan ko na lng ung pamamanhid until sa nanganak ako. I already gave birth last aug7 and nawala na ung cts ko.

Ako sobrang hirap mommy. Buong braso ko masakit, tapos palitan sila sumasakit kada linggo. Open ka lang sa ob mo. May ibibigay sya sayong gamot.