Celebrating MOMS all day everyday 😍
Share your mom's best advice in our contest. 🌟💡 👆 for details: https://community.theasianparent.com/contest/mothers-day-2023-x-mimosa/1885


The Best Advice that My Mom's once told me and Kept me stronger. When I was pregnant with my little peanut, She always told me na hindi madali ang papasukin ko'ng bagong journey ng buhay ko. Na hindi madali ang pagiging mommy at asawa. Pero masaya at pinaka masarap sa pakiramdam. Lagi nya'ng sinasabi saakin na, ang pagiging mommy daw ay 24/7, walang rest day, walang day off. Hindi ito mainit na kanin na kapag sinubo mo ay pupwede mo'ng iluwa. Tulad nalang din ng sinasabi saatin ng ibang mas nakaka tanda saatin. Na hindi ito as easy as 123. Pero sa lahat ng maeexperience mo sa pagiging Mommy, and pagiging ilaw ng tahanan ay ang pinaka masarap na experience sa buhay mo. Palagi niya'ng sinasabi na i-enjoy ko ang bawat segundo na naaalagaan ko ang anak ko, kahit nakakapagod. Dahil darating ang araw na hindi na ito mag papaalaga saakin. Kasi siyempre nga naman, lalaki at mag kakaroon din ng sariling buhay at pamilya ang anak ko. Palagi niya'ng sinasabi na alagaan at ipakita ko'ng mahal na mahal ko ang anak ko. Kasi siya, as a single parent, mahirap daw para sakanya ang naging situation namin. At ayaw niya'ng mangyari saakin ang naranasan nya. Lahat naman siguro ng ina, ayaw mangyari sa mga anak nila ang mga napagdaanan nilang hirap sa buhay. Hindi 'ba? Pero gayo'n pa man, nairaos ako ng Mom ko ng mag isa. Hehe Masyadon'ng advance mag bigay ng advice ang mom ko. Siguro kasi siyempre sa lahat ng naranasan nya't lalo pa eh siya ang tumayo'ng nanay at tatay ko. At nakakatuwa na binabahagi nya saakin ang mga ito. At mas nakakatuwa dahil ngayon, mas naiintindihan ko ang lahat ng sacrifices ng mom ko saakin. And yes!, totoo nga. Hindi madali at walang pahinga. Pero mommies, yung malaan mo lahat ng oras mo for your child is mas higit pa sa pahinga'ng kailangan mo. Ang sarap sarap sa feeling. Lagi ko'ng tine-treasure ang bawat segundo na kalaro, kausap, kasama ko ang baby ko. This' really made me whole. Wala naman'g perpekto'ng pamilya o magulang. Pero hangga't kaya'ng ibigay ang best, ibibigay para sa anak. Hindi lang para sa anak, para 'rin sa pamilya. Palagi 'rin niya'ng sinasabi saakin na, dapat laging nakaapak ang paa sa lupa. Dahil ito ang mag bibigay sayo ng respeto at galang na galing sa ibang tao. Nakatatak saakin lahat ng advice ni mommy bago niya ako hinayaang mamuhay kasama ang sarili ko'ng pamilya. Dahil sabi nya, ito ang pinaka malaking bagay na maipapamana niya saakin. 😊 And I am very happy and proud, that I have a strong Mom like her. 🥰 Thank's 'ma! You are the reason why I am still here, fighting and all your advices made me more stronger. 🥹 I love you, Mommy. 🩷 Happy Mother's Day to all the Super Mom's! 💐 Mabuhay po tayo'ng lahat!
Read more