13 WEEKS PREGNANT(FIRST TIME TO BE A MOTHER)

Hi mga momshy. Sa mga single mom jan at mga may mga healthy relationship need ko po ng advice niyo. Since gago yung nakabuntis sakin puro lang salita at wala naman sa gawa. Magaling lang gumawa ng himala at maglabas ng mga mabulaklaking salita. Mag tatanong po sana ako kung normal batong nararamdaman kung pihikan ako sa pagkain madalas sumakit ang tiyan at likod ko. Madali akong masuka kapag may mga pagkain akong hnd nagustuhan. Minsan hd na kumakain ng pananghalian at hapunan gawa ng hindi alam kung anong kakainin. Madalas magmukmok sa kwarto gawa ng hindi pa alam ng mom ko yung kalagayan ko dahil natatakot ako kasi sure na papalayasin ako at wala akong ibang matatakbuhan tanging papa ko lang ang nakaka alam at yung magaling kong ex na nakabuntis sakin. May plan is kapag wala ng lockdown pupunta ako sa papa ko dahil tanggap niya naman ako dun ko iraraos ang pagbubuntis ko. Hayyyy nako sana lang hnd agad lumaki ang tiyan ko. Hnd natutulog sa hapon mahilig uminon ng mga juice like tang and c2 mahilig mag babad sa cp yung tulog is 10pm to 7am tanong. Ko po kung normal ba lahat ito hnd pa po kasi ako nakakapag check up and i need some advice. Please po sana may mag comment. -PrettyG

13 WEEKS PREGNANT(FIRST TIME TO BE A MOTHER)
30 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Yes that's normal. Marami ka pang changes na maeencounter as days goes by. Just enjoy this season. And yung best is sabihin mo na sa mother mo para iwas stress and sarap sa feeling na may katuwang ka sa pag aalaga at may nagpapayo sayo regarding sa pagbubuntis mo. Kung ililihim mo yan araw araw kang mumultuhin ng anxieties which might lead to stress, at madalas hindi ka papatulugin nyan due to overthinking which is bawal na bawal sa buntis dahil hindi lang ikaw ang maaapektuhan kundi yung growth and developy ni baby inside you. On the other hand, sa lalaking nangloko or nng iwan sayo hayaan mo na sya, he's not your lost. In time he'll realize everything he did na napakalaking blessing yung pinakawalan niya, and kakarmahin din sya sa ginawa niya. Wag kang manghinayang sa taong di nagdalawang isip na iwan kayo. Wag kang naghinaan ng loob dahil nandyan ang magulang mo para suportahan kayo in any aspect. Just always pray and be positive in life. Hope this helps. God bleee ❤️

Đọc thêm

Hello, 17wks here, first time ako kahapon lang nagsabi sa mama ko. Okay naman natanggap nya dun namn din daw ako pupunta kaya okay lang at nasa edad naman daw ako. Best advise is sabihin mo na sa mama mo. Sabi ng mama ko parang napapansin nya nga daw ako pero iniintay nya lang ako mag salita. Kaya nafe feel yan ng mama mo. Siguro nandun na yun magagalit sila pero after masarap kasi sa feeling yung may nag aadvise sayo ano dapat mong gawin. Lakasan mo din inom ng water since nag juice ka matamis po yan e. And pilitin mo kumain kahit pakonti konti lang po, kawawa naman si baby pag di ka nakakakain maayos. And sabayan mo na din ng milk. Keep safe po.

Đọc thêm

more on tubig ka lang po sis. para di ka madehydrate ganyan din ako noong 1st trimester ko basta lamanan mo lng ng kahit konting pagkain ang tyan mo kawawa si baby need nya ng food for development nya, kahit konti konti lang try mo kahit tinapay or biscuit cracker para di ka malipasan ng gutom. pinakaayaw ko ng stage yung ganyan yung wala kang gana kumain, pero after naman nya pag second trimester mo na magiging ok na din yung kain mo magkakagana kana kahit papano , so keep fighting for your baby , makakaraos ka din sa lahat konting tiis lang 😉

Đọc thêm

Yung iba dala ng pag bubuntis mo nagiging worst lang kasi stress ka na e. Need mo sabihin sa parents mo para ma lessen yung dinadala mong stress kasi hindi maganda sa kalusugan mo yan at pati na din sa pinag hubuntis mo, dalawa kayo mapapahamak kung di mo ma babalance yung habit mo now. Let your parents know yun ang pinaka makaka tanggal ng stress mo, believe me kasi ganyan din ako laki din ng takot ko sa parents ko, pero dahil na oover stress na ako mas pinili ko nang sabihin para sa ikabubuti ng baby ko tinanggap ko nalang lahat ng sinabi nila.

Đọc thêm

alam mo mas magandang sabihin u sa mommy u ung sitwasyon u... oo magagalit xha pero kailangan u tanggapin ung consiquences ng mga nagawa u... at mas maganda ng harapin u ang galit nia ngayon kesa sa mas maglit xha sayo kc nilihim u yang pag bubuntis u... sa palagay u ba pag lumipat ka sa papa u hindi malalaman ng mama u n buntis ka... at mas maiintidihan ka ng mama u kc babae xha mas magagabayan ka nia... kung ako nga dati sa panganay ko nabugbug pa ako ng mama ko buti n lng malakas kapit ng baby ko pero after niang nlabas galit nia... ok na...

Đọc thêm

Ako 3mnths bago nag sabe sa mama ko, umiyak sya nung una at hindi kame nag pansinan syempre nag tampo yon, pero now nakakapag kwentuhan na kame about sa pag bubuntis ko, okay na okay na kame. Kung anu-ano din pumasok sa isip ko non, na baka palayasin ako itakwil sobrang stress ko non, 3mnths halos araw araw nag mumukmok lamg ako at minsan 1 week straight pa naiyak sa gabe isabay mo pa stress sa jowa, pero wala naman sigurong magulang na matitiis ang anak. Di ka matitiis ng mama mo swear. So goodluck, sana maging healthy kayo ni baby ❤️

Đọc thêm
Thành viên VIP

Natural lang sa buntis dahil sa nagharmonal imbalance.naging moody ka at matampuhin ka,maraming at madali ka masilan ka sa pagkain.nagcraving din ka ng pagkain or sa tao.mag ingat ka sa mga juice at ka c2 dahil yan ang makacaused ng UTI.at kapag hindi magamot mo ang UTI mo madadamay ang baby mo...mag inom ka ng sambong tablet or capsule.or cheapest gamot ng UTI uminom ng maraming tubig.sourced ng UTI ay:salty foods,preservatives,mga3in 1,fermented foods, at canned foods.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Hi mamsh! Normal lang po yung mga mood swings mo. Pero piece of advise po, wag pong masyadong ma stress kasi double yung nararamdaman ng baby mo. And please stop narin po sa pag inom ng tang juice and c2. Much better na magbuko juice or water ka nalang. Eat healthy food wag masyadong fatty and salty. Laging in moderation. Try to take multivatimins na safe to both of you. Pray ka lang ng pray for healthy you and sa baby mo. Stay strong and keep safe mamsh! 😊

Đọc thêm

hirp talga kapag nagbibinata palang jowa mo ung mga nasa edad 25 pababa kadalasan sa mga ganiang edad npakapabebe pa kahit may responsibilidad na , advice ko lng mommy eat k po kahit konte ganian din ako dati but to help may partner pinipilit nia ako kumain kahit konte, kahit suka ako ng suka, may prutas lang na pinkagusto ko n d ko sinusuka ung mdalas ko kainin kaya kung my food k or fruits n d mo sinusuka mommy ung nalang po kainin mo

Đọc thêm

stop drinking juices sissy,pilitin mo kumain ng mga healthy khit magsuka ka wag ka iisip msyado iwS stress at juat pray mallampasan mo.din yan and very soon talk to ur mom ina sya kya my right syang malman lhat ng nangyyri sau mgglit.un.sa una syempre parents e d maiwasan khit mglit atleast nagsabi ka marerealize nia.din mag aalala din un sa sitwasyun.mo..kya tel her.sissy

Đọc thêm