Help!!! Need lang po ng advice

Hi po... Sobrang d kona po kinakaya yung depression na nararamdaman ko. Bigyan nyo naman po ako ng advice. Gusto po kasi ng family ng asawa ko na don ako manganak sa kanila. Wala naman pong kaso sakin yun kaya lang natatakot po akong maulit na naman yung pinaramdam nya sakin noong nandon kami sa kanila. Parang wala po ako don. Maghapon magdamag lang sya nasa harap ng pc and hnd ko dn po mahagilap kapag may nararamdaman akong sakit. Nagagalit pa sya sakin kapag tinatawag ko sya. Hnd ko na po alam ang gagawin ko. Binibigyan nya ako ng choices kung hnd daw po ako don manganganak sa kanila e bahala na ako sabuhay ko at hnd daw mabubuo anh pamilya namin 😭😭 Ang sakit sakit napo ng nararamdaman ko😭#pleasehelp #advicepls #1stimemom

4 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

mahirap man ang ganyan sitwasyon mi subukan mo sya kung hanggang saan sya kase kung mahal ka ng isang tao. hindi kailangan ipaparamdam sayo ng ganyan kailangan pang pumili bigyan mo nalang sya ng assurance sis at sana magbabago sya.

Kaya mo po ba na sa inyo manganak? Kung kaya mo po, pasama ka na lang sa parents mo. Kunin mo pambayad sa kaniya. Dapat 'di ka naiistress, e. Kung ayaw niya mag-adjust, ikaw na lang. Kaysa ganiyan lagay mo.

2y trước

pedeng pwde na nga po kasi sa whole pregnancy ko wala naman sya naibigay sakin kahit nagtatrabaho sya. para sa sarili nya lang ang tinatrabaho nya at kulang pa

Mii Iwan mo isipin mo mental health ng anak mo in the future pag nakalakihan nya ganiyang ama.

Umay sa ganiyang uri ng lalaki sa totoo lang. 'Di matured mag-isip.

2y trước

Aanhin mo ang kumpletong pamilya? Kung sobrang toxic ng relationship niyo? Mabubuhay yung anak mo ng hindi buo ang family. Pag laki niya saka mo iexplain. Para ka lang kumuha ng bato na ihahampas mo sa ulo mo kung mag sstay ka pa dyan. Di na uso ngayon yung gusto ko buo family ko kaya ako nagtitiis, gusto mong lumaki anak mo sa ganyan sitwasyon?