Not related

Hi mga momshie, gusto ko lang maglabas ng mga hinanakit ko dito. Ayaw ko rin kasi mag kwento baka kung ano ano pa sabihin nila. Atleast dito walang makakakilala sa akin. Btw, ito na nga ako lang ba ang may ganitong sitwasyon yung ikaw lang talaga mag isa sa buhay. Mag isang mag alaga sa baby mo na newborn pa lang mag isang kikilos as in wala kang kadamay. Kasi sa part ko wala talaga akong kadamay since yung partner ko nakapasok ng military so ako ang gagawa talaga mag aalaga sa baby namin. Ni walang support from your family, hindi ka makakain ng ayos, maka pag cr kasi laging buhat si baby, pag nilapag iiyak naman kaya pagod na pagod na katawan ko tapos stress na stress na kasi parati ka na lang papagalitan parati na lang binabalikan yung nakalipas na. Tapos sesermonan ka pa ng tatay mo na kesyo ganito ka dapat kung wala kang anak nakakagala kung saan saan, taong bahay ka na habang buhay. Alam nyo mga momshie ang sakit lang kasi yung inaakala mo na sila ang tutulong sayo pero hindi eh kesyo ginusto ko daw yan pagod na daw sila mga ganun na salita. Actually yung tatay ko lang naman nag sasabi ng mga ganyan buti na lang si mama ko naunawaan nya yung sitwasyon ko kaya salamat talaga sa mama ko na sa twing iiyak yung anak ko sa gabi sya bubuhat kasi hindi tumatahimik saakin yung anak ko eh gusto ata ni baby sa may comforter hehehe chubby kasi si mama kaya tumatahimil si baby, kaya lang naman po umiiyak dahil may kabag po si baby. Hirap maging single mom pala, pero hindi po ako single may partner po ako. Kaya saludo ako sa mga nanay na mag isang nagtaguyod sa kanilang mga anak. Ganun din sa mga magulang na may karamay. 🤗 hoping na mahing okay pa ang mental health ko.

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Di ka Momsh nag iisa. Same tayo. Solo parent din ako may kasama din ako sa bahay pero ako lang yung nag aalaga sa baby ko. 2 years old na sya ngayon at nadiagnosed pa ng ASD. Sobrang hirap nga lalo na yung ihing-ihi ka na pero umiiyak anak mo, gusto mo munang mapatahan kasi kawawa naman at iyak ng iyak. May time din na gusto ko na lang maiyak non. Hanggang ngayon naman pero ngayon nababawasan naman na kasi nahahandle ko na yung emotions ko at need ko talagang iintindihin si baby. Lahat ng pressure na sa akin. Actually dinidiscriminate din nila ako kung bakit nadiagnosed si baby ng ASD. Kung alam lang nila yung hirap ng mag isang mag-alaga. Gusto mo na lang magpahinga mag hapon pero hindi lalabanan mo pa nga antok mo para maientertain mo lang anak mo. Kaya kahot drain na drain ako basta yung anak ko naasikaso ko. Kudos to all single and solo parent! 👏

Đọc thêm
2y trước

fighting momshie. need lang talaga po natin intindihin ang baby natin kasi kung hindi magkakasakit pa sila. pray lang talaga always na bigyan tayo ng lakas ng Lord 🙏 praying for your baby po. #strongmom