Share ko lang, pa advise na din.
PTPA 🙏🏼 Medj mahaba kasi rant. Wala akong malabasan ng sama ng loob or stress. Pa advise din ako. 😩 Please be gentle po and respeto lang po tayo sa comments section ha. 🙏🏼 Sino po dito may same situation. Di po kami kasal ni partner pero may 1 month old baby na kami, super okay kami, almost 8 years na kami magkasama pero di ko talaga gusto yung attitude ng family niya. 😔 Excited lahat nung nalaman nila buntis ako, especially nung lumabas na si baby namin, yung side ni partner atat parati kay baby. Minsan nag dedesisyon lang sila without asking me. Di man lang ako kinausap kung okay lang ba sakin na sa kanila (grandparents) muna si baby. Maririning ko nalang na kunin daw nila si baby pagdating nila sa bahay namin. Di man lang ako hinanap para magpaalam sakin. Yung partner ko naman, hindi maka hindi kasi nga excited daw. Di ko sana gusto parati nila nilalabas si baby sa bahay kasi aside sa di pa kumpleto sa bakuna/immunization, umiinom yung father ni partner, sobrang baho talaga after mag inuman, tapos gusto niya nasusunod sya parati. Tsaka ayoko hinahawakan ng ibang tao si baby kasi baka hahalikan ng kung sino, magkasakit pa 😭 Minsan naiiyak ako kasi first time mom ako, baka pagsabihan ako na mas may alam sila kasi matatanda na sila, dapat hindi ako mamroblema. So si partner inaaway ko about his family kasi di nia rin mapgsabihan minsan kasi baka gusto lang talaga mag bonding si baby at yung mga lolo at lola. Tama naman diba na, si partner nalang dapat kakausap sa kanila in behalf, kasi family nia naman yun diba. May right ba talaga sila (grandparents) mag desisyon na hindi ako kinakausap dahil apo nila? Kakainis kasi may attitude yung parents ni partner na know it all. Minsan iniisip ko bahala na basta kapag may nangyari kay baby, sila talaga sisihin ko. Super naguguluhan ako. Nakaka stress. Gusto ko ilayo si baby sa kanila. Pwede naman mag bonding sila sa bahay. Bakit kailangan ilabas pa. Nakaka-inis parang wala akong support kay partner. Minsan dapat pa kami mag away ni partner para masunod gusto ko. Hays, sakit sa ulo kakaisip paano ko ehandle family ni partner. 😭