19 Các câu trả lời
Ako po halos 3 days lang yata nag binder 😂. Sabi kasi ng ob ko bago ako madischarge,pag nakahiga or naka upo lang no need na mag binder kasi mag papawis lang if lagi suot yun. Ginawa ko nung maka uwi after 1 day lang yata tinanggal ko na. Mas comfy sya kasi feeling ko naiipit lang masyado yung tahi ko. Tapos dahan dahan nalang sa galaw. After a week nung ma cs ako okay na ko gumalaw. Parang normal nalang yung feeling pero dahan dahan padin para sure. 😂
Ako po 1 week lang po ako nagsuot ng binder after that hindi ko na po sinuot. The more po kasi na suot ko sya parang the more na mas feel ko yung sakit ng tahi. Tsaka parang mas napapatagal matuyo yung tahi.
1month ko lang ginamit yung binder ko. Pang suporta din kasi yun sa tiyan mo kapag hawak o karga mo si baby. At iyong sugat mo, madaling matutuyo iyan basta alagaan mo lang ng linis everyday.
Me comfortable ako pag gamit ang binder feeling ko malalaglag ang tyan ko pag ganun... Nililinis ko rin sya ng alcohol para hindi makati at mawala yung pawis.
Nagsuot ako momsh for 1 month. Tinuro ni OB n lagyan muna ng cloth/lampin bago magbinder pra d magpawis. Mas komportable kc sakin n kumilos kpag may binder.
Sa hospital lang ako nag binder. Pagkauwi ko on the 4th day wala nang binder binder, hassle eh. 😅 Although mas maganda daw talagang may suot. 😂
Ilang days lang, kasi yun nga mahirap gumalaw at mainit. Plus ang hirap i-binder pag bikini cut. Tumataas lang papunta sa tiyan so parang useless din.
2 weeks ako nag binder tpos nung tuyo na ung sugat girdle na gamit or ung tummy shaper. Pra mabilis lumiit ang tyan ko.
🙋. 2 months lang oo. After po pinastop n ng OB ko. Basta po daw wag magbubuhat ng mabibigat or magkikilos masyado.
Ako mas komportable akong kumilos nung may binder ako lalo na pag tatayo. Pero mga 3 weeks lang yata ako nag binder.