Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Little Boinky's mom
baby wash and lotion
Hi mga momsh turning 6 months na lo ko and Im thinking na palitan baby wash nya. Kasi nung newborn sya ang ginagamit namin baby dove. Tapos nahirapan kami humanap nung lockdown kaya nag johnsons milk+oats sya till now. Kaso parang umiitim sya ng unti. Should I try Cethapil po ba? Maganda po ba talaga? Pwede na din kaya sya mag lotion? P.S baby boy sya kaso gusto ko mapanatili nya yung magandang skin nya. ❤️
bukol sa may kili kili ni baby
Nag aalala na po ako ng sobra. Pinapaliguan ko po baby ko kanina nung may makapa ako malapit sa kili kili nya na bukol. Nagtext na po ako sa pedia at nagtanong kung may clinic na ba. Huhuhu Mag 4 months palang po baby boy ko sa June 4. May naka experience na po ba sa inyo ng ganito sa baby nyo?
AIR COOLER
Hi mga momsh ask ko lang kung okay lang kaya sa baby ko kung mag e air cooler kami. 2 months palang si lo. Super init kasi ng panahon ngayon tapos di naman kami makabili ng ac kasi wala din makakapaglagay dito sa bahay tapos Medjo pricey pa eh tagal ko na di sumesweldo ? si hubby lang nakaka provide.
Mittens
Hi mga momsh. FTM here. 1 month today po lo ko. Ask ko lang if kailan po kayo nag start na di na suotan ng mittens si baby?
Breast Pump
Pano nyo po nililinis ang electric breast pump nyo po?
Lungad/Suka ni lo
Mga momsh ask ko lang if need ko ba mag worry??. FTM ako and yung lo ko ay 22 days pa lang. Breastfeed po sya at pinapaburp ko sya every after feeding. Kaso kanina mga after 30mins nya dumede sinuka nya yung milk,ang dami. Feeling ko lahat ng nadede nya sakin yun. Tapos utot din sya ng utot madalas. Sa friday po check up ulit namin with his pedia. Normal po ba na ganun newborn?
Hipp Organic Cs
Hi mga momsh ask ko lang if gano katagal pwede yung Hipp Organic Cs if na open na yung lata? Mix feed kasi ako but more on breastfeed talaga. Iniisip ko baka masayang tong formula milk ni lo. Tsaka pag natimpla na sya 2hrs ba pwede yung gatas? P.S Pasensya na po sa question ko wala kasi nakasulat sa lata nung Hipp eh. New born lang po lo ko. Ito po yung gatas na pinabili ng hospital nung una kasi akala ng mommy ko mahina supply ng breast milk ko.
Tummy ni lo
Simula nung may nag post po about sa tummy ng lo nya. Parang na paranoid ako every time na change ko sya diaper pinagmamasdan ko tuloy tummy ng 16 days old baby ko. Normal po ba na medyo malaki sya? P.S Visit namin sa pedia nya sa Saturday. Pero gusto ko lang po malaman kung naranasan din to ng baby nyo? FTM here.
Rehistro sa Munisipyo
Mga momsh ask ko lang kung mahal ba talaga bayad pag pina rehistro si baby. Sabi kasi sa ospital nung kunin namin birth cert ni bebe pag pinarehistro daw namin sa munisipyo may babayadan daw na 2k. Parang sobrang mahal naman yata nun?
Breast pump
Hi mga momsh. FTM here at bumili po akong e breast pump kasi ang lakas po talaga ng gatas ko. Tumutulo po talaga sya kapag yung isang breast dun nag suck si baby,yung isa naman tulo ng tulo. 7 days old palang si baby today. Pwede na po ba ko mag pump? Sakit din kasi talaga pag ang sarap ng tulog ni lo tapos feeling ko ang tigas tigas na ng boobs ko. P.S pahingi din po tips kung may sched ba dapat pag pump at kung kada gamit po pano nyo sya linisin ❤️ Thank you so much na po agad sa mga sasagot. ❤️❤️❤️