Personal Question. Mental health

Hi mga momsh. Pwede po ba akong manghingi ng opinion sa inyo. Hiwalay po kasi ako sa tatay ng anak ko. Tapos dati nung wala pa kaming anak close naman kami ng fam niya then netong may anak na kami madalang nalang magkamustahan and hindi din nagsusustento yung tatay ng anak ko tapos wala din silang paramdam tapos makita ko nalang sa social media na tinanggap na pala nila yung babae nung tatay ng anak ko. Is it okay lamg po kaya kung iblock ko yung family niya? Feeling ko po kasi hindi na healthy sa mental health ko kase nattrigger ako everytime na nakikita ko sila sa social media lalo na tinanggap na nila yung babae nung tatay ng anak ko. Kaso ang iniintindi ko lang po baka magkagulo pa pero ang hirap matrigger kase bumabalik yung galit na naramdaman ko nung nambabae yung tatay ng anak ko feeling ko din na parang tinanggap nila yung taong nanira sa pamilya ko parang ganun ganun nalang nila tanggapin yun. Thanks po sa magbibigay ng opinion 😄

22 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Big YES ako sa pag block. It's for your own good. Nakamove on na sila tapos ikaw nasasaktan padin. Block mo na po. Di makakatulong na lagi mo silang nakikita.

suporta nlang savhin mu kada linggo wlang mggwa Yan ..pirmhan kau s brgy pag di mgbigay once or twice ..pkulong mu ..meron NG kaso ung di pag suporta s anak

just block them all..as long as wala ka nmn naging kasalanan..kesa nmn maapektuhan kpa db..move on and focus ka sa baby mo..makakaraos ka din..god bless..

Thành viên VIP

Yes,do what’s better for you. You don’t have business with them anymore and mukhang ganon din sila sa inyo ng baby mo.

Thành viên VIP

Pwede momsh unfollow mo na lang sila. Para di mo na din makita yung mga post nila unless sadyain mong tingnan.

Thành viên VIP

Yes block na. Nakakatuwa kasi very aware ka sa feelings mo. Very mature of you. :) God will bless you for sure momsh!

Yes sis, go! Unblock mo or gawa ka ng New Account. Para nadin yan sa Peace of Mind mo.

alam mo naman ang dapat gawin. mamili ka stressin sarili mo o move on with your life..

sure you can block them naman especially if it's affecting your mental health...

yes po block mo sila momshie. para tahimik ang buhay nyong mag ina.