Seeking advice
Mga mommies, tingin nyo po dapat paba ko lumaban pra sa rights ng anak ko? Ayaw po kasi pumayag ng parents ko na basta nalang ako mananahimik habang naglalaho na yung tatay ng anak ko. ?? Dipo kami kasal pero yun nga may anak kami, ayaw ko na sana maghabol po pero yung magulang ko kasi ngagalit sakin, Hindi nrin kasi nagpaparamdam yung tatay ng anak ko ?? Pagod na pagod na rin akong mastress at umiyak.. Please need your advice and opinions po :(
Everyday Law "ATTY., MAY DATING KALIVE-IN PO AKO, PWEDE KO BA KASUHAN ANG NANAY NG ANAK KO DAHIL AYAW IPAHIRAM SA AKIN AT SA PARENTS KO ANG ANAK KO?" ANG BATA O ANAK NA ISINILANG NA HINDI KASAL ANG MAGULANG AY DAPAT SA CUSTODY NG NANAY AT ANG TATAY AY BINIBIGYAN LAMANG NG BATAS NG VISITATION RIGHTS AT HINDI CUSTODY RIGHTS SA KANYANG ILLEGITIMATE CHILD. HINDI PWEDENG ITIGIL NG TATAY ANG PAGSUPORTA SA ANAK DAHIL LAMANG SA HINDI PAGPAPAHIRAM NG CUSTODY NG ANAK DAHIL ANG HINDI PAGSUPORTA SA ISANG ILLEGITIMATE CHILD AY MAY PARUSANG KULONG UNDER REPUBLIC ACT NO. 9262. ANG PAGSUPORTA SA BATA AY HINDI RIN DAHILAN UPANG SAPILITANG KUNIN NG TATAY ANG ILLEGITIMATE NA ANAK SA KANYANG NANAY, DAHIL ANG NANAY ANG MAY SOLE PARENTAL AUTHORITY SA BATA. Meron nagtanong sa E-Lawyers Online kung ano ba ang legal remedy ng isang tatay upang makuha ang custody ng kanyang illegitimate child sa nanay nito. Ganito ang question niya: "Atty., may dating kalive-in po ako, pwede ko ba kasuhan ang nanay ng anak ko dahil ayaw ipahiram sa akin at sa parents ko ang anak ko. Pwede ko rin po ba itigil muna ang suporta hanggat hindi niya pinapahiram ang anak ko. Tatay din naman po ako na may karapatan sa anak ko. Tama po ba atty?" Pwede bang gawin na kundisyon ng tatay na ibigay sa kanya o kunin ang illegitimate child mula sa nanay at kung hindi ibibigay ay hindi niya susuportahan ang bata? Hindi po. Ang suporta ayon sa batas ay isang legal obligation na walang kundisyon na pinapataw para ito ay maibigay ng magulang. Ang custody ng bata na pinanganak kung saan hindi kasal ang magulang ay binibigay sa nanay. Ito ay nasa Article 176 ng Family Code: "Art. 176. Illegitimate children shall use the surname and shall be under the parental authority of their mother, and shall be entitled to support in conformity with this Code. The legitime of each illegitimate child shall consist of one-half of the legitime of a legitimate child. x x x" This is an absolute right of the mother at ang binibigay na karapatan lamang sa tatay ay visitation rights o ang karapatan na bisitahin ang bata. Ang nanay ang magbibigay ng karapatan sa tatay kung gusto nito na ibigay ang custody sa anak ngunit ito ay dapat dumaan sa korte. Ang pagpapahiram sa anak na illegitimate sa tatay o sa pamilya nito ay hindi agad nangangahulugan na binigay na niya ang custody ng bata. Ayon sa Article 210 ng Family Code ay ang "parental authority and responsibility may not be renounced or transferred except in the cases authorized by law." Ibig sabihin ay ang karapatan ng magulang ay hindi basta-basta naiwawaksi o naililipat maliban sa mga kaso na pinapayagan ng batas. Nasa Article 228 ng Family Code na permanenteng nawawala ang karapatan ng magulang sa anak kung namatay na ang magulang o ang anak, o naging emancipated na ang anak. Ang emancipation ng anak ay nagaganap kung siya ay umabot na sa edad na 21 years old kung saan ay may karapatan na siyang mabuhay ng independent sa kanyang magulang. Ang karapatan ng magulang sa anak naman ay nawawala rin ayon sa Article 229 ng family Code, (1) Upon adoption of the child; (2) Upon appointment of a general guardian; (3) Upon judicial declaration of abandonment of the child in a case filed for the purpose; (4) Upon final judgment of a competent court divesting the party concerned of parental authority; or (5) Upon judicial declaration of absence or incapacity of the person exercising parental authority. Also, Article provides na "If the person exercising parental authority has subjected the child or allowed him to be subjected to sexual abuse, such person shall be permanently deprived by the court of such authority." Dahil ang custody at parental authority ng isang illegitimate child ay binibigay sa nanay ng bata, ang tatay ng bata ay walang legal na basehan upang magbigay ng kundisyon para sa pagbibigay niya ng suporta. Ang isyu kung kasal o hindi ang magulang ay hindi mahalaga sa suporta dahil kahit hindi kasal ang mga magulang ay may karapatan ang anak o illegitimate child na humingi ng suporta sa mga magulang niya. Ang R.A. 9262 otherwise known as Anti-Violence against Women and their Children Act ay nagpaparusa ng kulong sa hindi pagbibigay ng lalaki ng suporta sa kanyang asawa o kinakasamang babae (kalive-in) at kanilang mga anak at ito ay tinatawag na "economic abuse". Ito ay naiiba sa "psychological abuse" o "physical abuse" na karampatang kaparusahan din. Ang krimen na ito ay applicable sa mag-asawa o magkalive-in, kasal man o hindi, kung saan merong anak sila. Kasama dito ang pagpaparusa sa hindi pagbibigay ng lalaki ng sapat o maayos na suporta sa kanyang asawa o kinakasamang babae at kanilang mga anak. Ang krimen na ito ay pinaparusahan dahil ito ay isang uri ng "economic abuse" kung saan nalilimitahan at nakokontrol ang malayang paggalaw ng isang babae gawa ng ginagawa ng lalaki. Ang sitwasyong ito ay nakasaad sa Section 4 (e) ng R.A.9262 bilang isang uri ng “economic abuse” na magbibigay ng mental o emosyonal na pagdurusa sa biktima. Ang sinumang asawa o kasamang lalaki ang gumawa nito ay pinaparusahan ng prision correcional (6 months - 6 years imprisonment). Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa suporta o sustento ng magulang o Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act, register at my website at www.e-lawyersonline.com. Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online. All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.
Đọc thêmIts not about paghahabol mong babae sa lalake. Its about rights ng anak sa tatay nya. Its about responsibility ng tatay sa anak nya. Maswerte ka nilalaban ka ng pamilya mo. Ako, sa ngayon, dahil hindi pa nila alam lahat ng pinaggawa ng tatay ng anak ko saken, hayaan ko nalang daw kaya naman namen buhayin. Pero as a woman na tinatapakan dignity mo at feeling inaapi nya anak namen, hindi pa man to nasisilang. Lalaban ako! Sa ngayon, focus muna ako sa baby ko. Paglabas sasabihin ko lahat ng ginagawa nya saken ng tatay ng anak ko. Paniguraduhan kapag nalaman ng family ko yun, ilalaban nila ako at anak ko. 2019 na mamsh! Lumaban ka para sa karapatan ng anak mo. Kaya maraming tatay ang nagiging iresponsable dahil hinahayaan natin sila na para bang ayos lang sa atin na gawin nila yun sa atin at sa bata na walang muwang to think na dalawa naman kayong gumusto na gumawa. Ang anak, ginawa ng dalawa yan. Responsibility ng dalawa yan.
Đọc thêmin my situation po maam. since pinagbuntis ko yung panganay ko and now 7 years old na sya hanggang tingin nalang po yung papa nya sa fb ko kasi nagpakalayo ako as in wala po syang balak sa anak ko nung una ngayon na may kinakasama na ako at malaki na anak ko gusto nya kunin at supportahan pero sorry talaga sya mommy hindi talaga sya magkakaroon ng karapatan sa anak ko dahil ilang taon ko pinalaki anak ko ng mag isa as in ako mismo sarilong pawis ko binuhay anak ko nag sumikap ako na mabuhay sya kahit walang tulong ng iba. kasi nagalit rin sakin papa at mama ko kung bakit hindi nya ako pinanagutan dahil rin kasi sa bisyo nya na alak at barkada kaya naisipo ko kung magkakatuluyan kami baka masmahirapan ako hinayaan ko sya pero ni kuko ng anak ko di nya mahawakan at soon papalitan na ng leave in partner ko apilido ng anak ko after namin magpakasal at sya narin tumayong ama ng anak ko at sobra pa sa totoong ama.
Đọc thêmConsult a lawyer regarding this matter, para mas may "legal" basis ang case na ito. Una, hindi mo inilalaban ang karapatan mo, kundi ang karapatan ng bata. Karapatan niyang makatanggap ng suporta mula sa kanyang ama, kung hindi man magagampanan ang role niya physically, emotionally, mentally for now, financially dapat meron siyang naibibigay. May "kulong" na ngayon ang hindi pagsustento, sa pagkakaalam ko, paki verify na lang din. Wag ka mastress, kung hindi man siya magbigay, bahala na ang batas sa kanya. Ipagdasal mo ang sitwasyon niyo 👍 Focus ka sa needs ng bata, si lawyer na ang bahala mag-ayos ng kailangan niyo, plus swerte ka at supportive ang parents mo. Kaya mo yan 👍
Đọc thêmAno ba yung tatay ng anak mo sis? I mean ano klase buhay meron, saka trabaho? Kase kung simpleng mamamayan lang naman tatay ng baby mo, hayaan mo nlang. Kung ako sayo, di ko na ilalaban.. bakit ko pa papahirapan ang sitwasyon kung ayaw naman nung lalake.. kung ayaw nia e di wag nia.. Siya ang nwalan, hindi ikaw. At maswerte ka pa at magkaka baby kna :) Mahalaga nasa akin ang anak ko! mga ganon momsh.. Pero syempre nsa sayo pa rin naman yung desisyon e. Pray klang para mas malinawan ka at magkaroon ka ng peace of mind :) Ingat kayo ng baby mo.
Đọc thêmFor me idemanda mo or kasuhan mo na directly. Kaya kasi namimihasa yung ibang iresponsableng tatay o magulang kasi walang natkae ng action. I myself was single parent sa eldest ko, buntis pa lang ako wala ng support tatay ng panganay ko. May bataa po rayo na pag di nagsustento yung other parent you can file a case. Tama po yung nagsuggest na sa PAO ka lumapit. Now kung ayaw nya talaga magbigay impacted po sya kasi mahirapan na sya humanap ng trabaho kasi pag ang employer tinanggap sya and di sya magbibigay pwede po sya matanggal sa trabaho.
Đọc thêmGanto, if kaya mo naman suportahan ang anak mo financially at di mo na kelangan humingi ng tulong sa magulang mo then wag kana humingi. Wag mo nadin syang bibigyan ng karapatan makita ang anak nyo mas ginusto nyang iwan kayo eh kase pusta darating at darating ang oras na magsisisi yan at hahanapin din nya anak mo. Pero kung ikaw mismo alam mo sa sarili mo na di ko kayang buhayin magisa si baby then maghabol ka para sa sustento ng anak mo. May mga PAO pwede ka tulungan magsampa ng kaso para sa sustenso lang kase di naman kayo kasal.
Đọc thêmWag mo na ipilit sis kung ayaw ng tatay panagutan. Kasi kung matinong lalaki yan, alam nya dapat ung pinasok nyang obligasyon. Yung parent ko pinabayaan na namin ung tatay ni baby. Sila sinunod ko. Diko na hinabol ung tatay. Di naman ako ung makakarma tska kaya naman namin buhayin si baby. Mahirap kasi ipilit kung ayaw at kami lang mgging kawawa. Pero pwede mo naman idemanda ung lalaki lalo kung dika sinusuportahan.
Đọc thêmHello po! Yung sa akin Naman po ay nabuntis kopo yung girlfriend ko at sa Ngayon po ay pinagbawalan po kaming Magkita,magkausap at kahit po magkasalubong ay bawal at humihingi po Ng sustinto na 5k every month ano po ba Ang mga dapat kung Gawin at Sana po ay mabigyan po ninyo Ako Ng sagot😔
momsh! kung kaya mo buhayin ng magisa ung anak mo wag mo na intndhin yang asawa mo na pinabayaan ung mga anak mo.. karma ba babalik dian.. pero.. kung need mo ng financial assistance para sa mga anak mo.. may karapatan habulin ang sustento para sa mga anak mo.. ipatulfo mo mas mabilis..
Irresistable baby