HALIK NG HALIK KAY BABY!!!

mga momsh okay lang ba na mainis ako? kase yung lola nung hubby ko hinalik halikan yung baby ko, yung halik na may kasama pang parang inaamoy yung pisngi ni baby, kanina kasi umaga ang kinis ng mukha ng baby ko, maya maya nag ka butlig at onting rashes nanaman. kakahalik siguro di naman ako makaangal kasi baka magalit sakin, matampuhin kasi yon, tapos mga momsh kaya ako nag aalala nag yoyosi kasi sya, yung lola nung asawa ko. nag yoyosi sya pero after naman nya nag aalcohol sya tapos iuugoy na niya sa duyan ang baby ko. kaya di din ako makaangal e natutulungan ako sa pag aalaga. kaso momsh ayan o parang may itim tuloy sa face nya naiiyak nlng ako habang nililinisan ko sya sa mukha ? sensitive kasi ang baby ko. sensitive balat nya sabi kasi ng pedia niya pag may history ng skin asthma or hika ang nanay sensitive ang baby. nakakainis talaga pag may humahalik sa baby nyo no? relate po ba kayo? huhu

HALIK NG HALIK KAY BABY!!!
71 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Until what age pwede na pahalikan si baby? Ganyan din plan namin, maglalagay ako ng signage sa labas ng kwarto namin, mga hindi pwedeng gawin kay lo. 😅😁 Better safe than sorry. 😁

Ganyan din kamaganak ko sa baby ko, ako naman nagsasalita ako na wag halik halikan pero sinasabihan nila akong OA. Tbh mas okay nang matawag na OA kesa naman makita ko yung anak kong ganyan.

Same po sa mother in law ko nagiismoke din palagi hinahawakan at hinahalikan sa cheeks 2month old ko. Sinabi ko sa husband ko na pagsabihan in a nice way dahil nakakatakot ang 2nd&3rd hand smoke

Thành viên VIP

Relate much momsh! Better na kausapin mu si hubby para sya din gumawa ng paraan mahirap kapag nagkasakit na si baby :( madaming ganyang cases, sensitive and madali kasi sila ma infect

Kausapin niyo po muna si husband nyo, para sya po ang kumausap sa Lola nya.. Madadaan naman sa maayos na usapan.. O kaya po, pakita nyo po yung resulta para maintindihan din po..

Sabihin mo nalng sabi kunwari ng pedia nya na wag muna hahalikan si baby kasi meron kamong skin allergy. Siguro nman di maooffend un if sasabihin mo in a good way

Thành viên VIP

Naku alang alang sa baby, pagsabihan mo na lang si lola na wag humalik. Put up a cctv na you can monitor thru phone para monitored pa rin si baby.

Thành viên VIP

Dapat nga wag na nya hawakan baby mo kc nagyoyosi pala sya. May naiiwan pa din sa nicotine sa kamay nya, katawan or damit. Yan ung 3rd hand smoke na tinatawag

5y trước

oo nga po, ilang beses na po sya sinasabihan na wag magyosi ksi may baby, wala pa dn. sasabihin nag alcohol sya e may amoy pa dn tas nahalik pa sa baby ko :( di po talaga ako makaangal tapos gusto pa niya kargahin nkakapag alala po talaga kasi

Thành viên VIP

Dapat si hubby magsabi kay lola para less offend. Sensitive pa naman mga matanda ngayon baka magdamdam. Kawawa naman ang baby, naiiritate ang skin.😢

Thành viên VIP

i feel you mommy.naku kpg my mga pinsan aqng ganyan nilalayo ko agad at pinagssbihan.sa mga lola at lolo nmn nya wla aqng problema kc alam nila...