MIL
Share ko lang, Naiinis ako sa mother in law ko. Pag dinadalaw si baby halik ng halik. Kahit sabihin na bawal halikan ang baby. Pero ginagawa parin Kami nga parents di namin hinahalikan si baby e. Normal po ba sa baby yung parang may acne sya na white and mapula na mga bumps. Inask ko na sa pedia, sabi mawawala naman daw. Nagreseta ng travacort if lumala. Kaso takot ako gamitin lalo na sa ibaba ng lips nya yung iba pumps. Baka makain nya. Cetaphil soap ni baby. Nakakainis kasi baka mamaya dahil sa paghalik!!
Baby acne po yan. Mommy, better na wag po talaga pahalikan si baby. Mahirap kasi si baby mag sa'suffer bandang huli. MIL ko halik ng halik din kay baby kahit pinagsasabihan na. Patago pa ring humahalik akala di mahuhuli. Then yun, na diagnosed baby ko na may Hand foot and mouth disease. Punong puno siya ng rashes sa katawan. Nagtutubig. Malala is yung sa loob ng bibig niya. Iyak lang siya ng iyak. Di makakain, makadede at makatulog ng maayos. Wag po pumayag na halikan si baby. Magalit na kung magalit. Prevention is better than cure.
Đọc thêmMil ko nung nabubuhay pa may kusa talaga.,sa paa lng talaga sya humahalik sa baby.,nung medyo malaki na sa kamay naman ung parang inaamoy lng.,maarte din sya pg dating ky baby.,ung baso at pinggan nya ayaw na ayaw nyang ipagamit din ky baby.,hinihiwalay nya khit wala naman syang sakit kasi dw matanda na sya at bata pa si baby dapat mgka hiwalay gamit.,ganun din hubby ko kaya nasanay na rin kaming may hiwalay na gamit mula sa sabong pan ligo hanggang sa twualya at basong iniinuman namin
Đọc thêmNakakatuwa naman po. Pag dumadalaw kasi ganun ginagawa tapos pagkarga tinataas pa si baby para daw pag laki hindi malululain. Sabi pedia nya di daw totoo at delikado. Naloloka talaga ko pag andito sila.
Tama po wag nyo pahalikan sa mukha si baby. Sensitive pa yung skin nila saka hindi pa complete ang vaccine kaya mas mabuti na wag i kiss sa mukha or sa lips, sabihan nyo po sa paa na lang muna sila mag kiss. Nagka baby acne din po yung baby ko dati pero nawala din after 1 month, araw araw na paligo lang at tsaka wag nyo po hawakan ng hawakan ang mukha ni baby para hindi lumala.
Đọc thêmThank you po. Sinasabihan nga po e. Kaso ganun parin. Lage kasi dumadalaw samen hanggang gabi na sila
Wag kamo sila muna dumalaw. Kakainis mga in laws na walang konaiderasyon. Jusko. Pag breastfeeding ka sis, pahiram mo lang milk yung face nya.. kung keri pa sis, tiisin mo muna inlaws mo na pasaway kung hindi, edi sabihan mo na wag ng dumalaw kung hahalik lang naman at nag kakarashes pa si baby..
Ako okey lang kasi kahit ikiss ng lola nya wa naman rashes si baby saka maingat din si lola nya di naman madalas sya kinikiss minsan sa kamay at paa pag nang gigigil sya.. maarte din lola nya eh sya lang daw pwede wag daw papa nya kasi me bigote😅
Ako sinasabihan ko talaga lahat ng hahawak na no kissing sa head/face area and hands. Sa paa pwede. Bawal po halikan ang baby kasi pwede tayo makapagtransfer ng virus ( kahit we look healthy or walang symptoms) na pwedeng life threatening kay baby.
nako sabihan mo and explain mo bakit di pwede. ako ginawa ko dinala ko yung bata sa pedia kasama sila nang marinig nila dahilan bakit andami kong pinagbabawal at di ako masabihan na nagseselan. 😂 ending they adjusted. hope it works din senyo. hehehe
Kung pwede nga lang sila isama e. Naglagay nga ako alcohol sa baba para pag vivisit sila mag alcohol muna sila. Di rin nila pinapansin alcohol. Arte daw, baka daw maging maarte si baby.! Naloloka talaga ako
Naku ang hirap nga pagsabihan pag malapit sayo yung taong hahalik kay baby kasi kahit magalang ka nakaka offend pa din sa kanila. Mas ok kung yung asawa mo ang mgsasabi sa nanay nia na wag nia i kiss c baby.
pakausapin mo si hubby mo mamsh na wag na halikan si baby... kmi rin di nmin hinahalikan si baby nmin.. iwash mo lng lagi si baby, sakto lng na cetaphil yung soap mo mamsh, matatanggal rin yan 😊
Kinausap na rin. Buti sa ngayon di pa ulit nadalaw. Naawa ako sa baby ko e, nkakatakot kasi yung hmfd e
Parehas tayo, yung MIL ko hinahalikan ang baby ko. 12 days old palang. Nag share nalang ako ng article sa fb na bawal I kiss si baby. Ayun simula non di na nya hinahalikan. Kairita eh.
Sinabihan na namin sya e. Kaso pagnadalaw ganun parin. Kaya pag nandito samen ginagawa ko nalang kahit mangalay ako buhat at nasaken lang baby ko