HALIK NG HALIK KAY BABY!!!

mga momsh okay lang ba na mainis ako? kase yung lola nung hubby ko hinalik halikan yung baby ko, yung halik na may kasama pang parang inaamoy yung pisngi ni baby, kanina kasi umaga ang kinis ng mukha ng baby ko, maya maya nag ka butlig at onting rashes nanaman. kakahalik siguro di naman ako makaangal kasi baka magalit sakin, matampuhin kasi yon, tapos mga momsh kaya ako nag aalala nag yoyosi kasi sya, yung lola nung asawa ko. nag yoyosi sya pero after naman nya nag aalcohol sya tapos iuugoy na niya sa duyan ang baby ko. kaya di din ako makaangal e natutulungan ako sa pag aalaga. kaso momsh ayan o parang may itim tuloy sa face nya naiiyak nlng ako habang nililinisan ko sya sa mukha ? sensitive kasi ang baby ko. sensitive balat nya sabi kasi ng pedia niya pag may history ng skin asthma or hika ang nanay sensitive ang baby. nakakainis talaga pag may humahalik sa baby nyo no? relate po ba kayo? huhu

HALIK NG HALIK KAY BABY!!!
71 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

kausapin mo nlng po sis c hubby mo para alam dn nya po.. kung sakali sya nlng magsabi sa lola nya mainam po yan mahaba po pasensya nyo.. God Bless

5y trước

thanks po

Kausapin mu na lng ng maayos sis.,explain mu kasi kawawa nman c baby mu sya ung magsusuffer ei.. isipin mu ung makakabuti sa baby mu sis.

Bawal yan. Kahit magtampo pa lola ng husband mo isipin mo ung kalagayan ng baby mo hwag ung galit ng lola mo . Health ni baby ang unqhin

Iwasan mo talaga pahalikan mukha/pisnge ng baby mommy :( research ka marami talaga nagkakasakit sa gnyan nauuwi pa minsan sa infection

yes momshh ,me very relate ako sayo 😳 yun gusto mo magalit kaso di mo mailabas dhil sila pa magtatampo at magagalit din 💔

Kahit ako magagalit ako pag ginawa yan sa anak ko, hays tayong mga nanay ang nahihirapan pag nagkakasakit mga anak natin.

Bawal halikan po ang new born mamsh lalo sa mukha.... madaming skin diseases ang pwede kumapit at malagay sa peligro si baby..

Kawawa nga ang baby natin,, relate much,, same here, pag pinagsabihan na wag halikan iisipin na arte arte ko daw,, huhuhuhu

Same. Ako naman yung mother ko nagyoyosi, sinabihan ko sya na wag lalapit kay baby pagkananigarilyo, ayun nagtampo. 😒

yan po buti po nung medyo iniiwas ko na si baby sa lola para di mahalikan nawala yung butlig nya sa mukha

Post reply image