Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Household goddess of 1 energetic cub
WABTG - Philhealth
Pwede pa ba mag-avail ng Woman About To Give Birth ng Philhealth? Galing kasi ung asawa ko sa Philhealth at sabi kailangan ko daw bayaran lahat lahat ng di ko nahabol. Sana po may sumagot.
Poten cee
Pede ba magtake ng Poten cee forte while breatfeeding? Sana may magreply. Thank you!
EXTENDED FAMILY MEMBERS (Long Rant)
I'm a young mom with my first baby. Yung mga tita at tito ko nasa 40s pa, at nakakainis lang minsan na feeling nila na mas alam pa nila yung baby ko kesyo kailangan daw ganito gawin ko kasi ganito anak. Nakakainis. They act as if I'm not capable to do anything for my own child, that they assume to make decisions for me. I get it, I'm young at kinakapa ko pa ung mga bagay when it comes to being a mom, pero to the point na sasabihin nila sakin na mas gusto sila kasama ng anak ko at ayaw sakin, parang nakakabastos na yun. Pakiramdam ko wala rin sila respeto sakin bilang ina ng anak ko just because I'm still young. Minsan hinihiram nila baby ko when I have work (home-based) okay lang naman, I appreciate na sila muna nagaalaga kay baby ko even though may magaalaga naman sa kanya sa bahay ko, pero nakakainis na di nila inuuwi ung baby ko on time even though I specifically said na iuwi nila bago maggabi kasi baka mahamugan pero di nila sinusunod at usually 7-8pm na nila inuuwi kahit na pinipilit kong iuwi na nila. Tapos today, nakakainis, 7am palang sinundo na nila ung anak ko kasi isasama daw nila mamalengke, so I said sure pasyal lang naman sa palengke eh tsaka para maarawan, so they took him and I went back to sleep tapos when I woke up around 8:30am to clean the house nakita ko na may kinuha silang mga damit ng baby ko at bottle with milk. Medyo nainis na ako, to think na hindi manlang nila pinaalam sakin na iuuwi pala nila ung baby ko sa bahay nila. Nakakapikon nga minsan kasi pinipilit nila ako every damn time na dun muna matulog anak ko sa kanila, which I always refuse. Bigla silang magdedesisyon na kukunin nila baby ko without my consent, and they barely follow my instructions that they need to give my baby back at a specific time. OA lang ba ako or nafifeel niyo rin ako? I just feel so disrespected as a mother.
TIPID TIPS?
Hello mga mamsh, anong tipid tips na meron kayong confident na effective? Sharing is caring ❤️
Binyag
Naiirita na ako, mga mamsh. Yung asawa ko kasi gusto isabay yung binyag sa first birthday, para daw isang handaan nalang. Okay lang naman kasi sabi niya bobonggahan niya, yun na rin kasi nakasanayan sa kanilang pamilya. Pero gusto ng pamilya ko binyagan na agad, gusto kasi nila isama sa probinsya ng isang linggo. Sabi ko isama nila walang problema, pero pinipilit nila akong ipabinyag. Paulit-ulit na sila naririndi na ako kasi gipit na gipit pa kami at baon pa sa utang na pinambayad sa panganak ko kaya wala pang pera ipanggagastos sa binyag at gusto talaga ng asawa ko na isabay sa first birthday pero sila gusto nila agad agad. Naiinis lang ako kasi pinapangunahan nila kami, at sobra na talaga akong nainis nung sinabi nila na sila na daw magbibinyag sa anak ko. Mga mamsh, ano gagawin ko? Huhu. Napepressure na ako.
HELP PO! Skin ni baby ☹️
Hello mamsh, ano po kaya nangyare sa skin ng baby ko? Wala pa kasi pera kaya di namin mapacheckup. Sana po may magreply.
White discharge
It's been 2 months since I gave birth, napansin ko na may white discharge ako. Does that mean rereglahin na ako? TIA.
Tahi
Hi mommies! Ilang months bago nawala yung discomfort niyo sa tahi niyo? Ako kasi almost 2 months and I can do any movement I wants na ng walang pain, pero parang may discomfort parin ako, na parang di back to normal yung natahi sakin. Di ko alam kung super paranoid lang ako about sa stitches ko or what. Btw, normal po ako.
Binat
Mommies, binat na po ba pag masakit ulo? Nung una kasi ung sakit lang po around my eyes dahil sa puyat at astigmatism ko pero nung nilagnat ako hanggang sa may ulo ko na tapos pag bumabangon ako, nakakaramdam ako ng pagtibok. Ano po kaya dapat gawin para mawala?
Clay mask
Pwede po ba gumamit neto habang nagbebreastfeed? TIA.