Mga momsh. 11 days na yung baby ko. Bakit kaya pag matutulog sya, maya't maya din nagigising. Tapos parang lagi syang gutom kasi kada gigising sya dede gusto nya (EBF ako) Malakas naman gatas ko kasi minsan nababasa damit ko kasi tumutulo. Kaya di ko din masabi na baka dahil kulang sa dede. Ano kaya pwede gawin para magtuloy tuloy tulog nya? Kahit pag madaling araw ganun sya. Mabilis sya magising lalo kapag may konting ingay. Kami lang dalawa sa bahay kasi nag wowork daddy nya. Di tuloy ako maka-kilos sa bahay kasi maya't maya gising nya. Ano kaya pwede kong gawin? Kapag swaddle naman. Ayaw nya. Naiirita sya. Gusto nya nakakapaglikot sya, ayaw nya yung nakabalot or kahit may nakapatong sakanya. Tapos gusto nya laging nasa bibig nya lang yung dede ko. Nagigising pag tinatanggal ?

12 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Normal lang yan mamsh. Kasi po 9mos sya sa tyan mo. Sa loob mainit, tahimik, payapa secured sya. Kaya paglabas nya nag aadjust pa sya momsh. Malamig, maingay tapos hnd.nya nririnig ang heartbeat mo, yung init ng katawan mo hnahanap nya. We cant expect them to be independent po at that age tlgang zombiemode ka for 2 to 3 months. Tyaga lang mommy.. lilipas din yang ganyang stage.

Đọc thêm
5y trước

Kaya nga eh. 11 days na din akong zombiemom.hahahah

D lng po dahil gutom si bb kaya siya nadede, gusto nya lang po ng warmth nyo tsaka comfort na nila yung pagdede pampatulog nla. Kakalabas pa lang ni baby kaya malamang gusto nya laging karga kasi feeling nya nasa tyan nyo pa siya. Hayaan mo lang mommy ganyan talaga yan, mas gusto pa nila matulog nakadikit sa yo. May mga clingy talagang babies

Đọc thêm
5y trước

Kaya nga. Di naman pwedeng titigan nalang habang umiiyak. Haha Matagal tagal pa hihintayin ko para maging okay na si baby. Haha

Hi po, im a new mom and currently have the same problem with my baby pp. ask ko po sana ano ginawa nyo or pano po naging ok si baby? Nagwoworry pp kasi ako baka di na enough nakikuhang sleep ni baby kasi pagising gising sya. Thank you so much po

Ganyan din baby ko moms ngbf na gusto pa dumede sa bote kaya feeling ko d nbubusog sa gatas ko tas mayat Maya GISing pag binuhat ko nkakatulog pag ilalapag ko na ayaw nya iyak sya agad🤦‍♀️

5y trước

Ganyan na ganyan baby ko, pero sya pure breastfeed kaya gusto lagi naka latch sakim

Wag mo Rin po sanayin na binubuhat. Ang feeding po wag ginigising si baby ah. Gigising siya if hungry na siya. Pag lagi kasi buhat, magiging iyakin talaga.

5y trước

Not true po. Iba iba ugali ng babies may mga independent and may mga dependent. Crying is their only way of communication, kung gusto nila magpabuhat walang masama, kesa ideprive ng comfort ng katawan natin. Phase lng naman po yan pag lumaki sila d na yan magpapakarga.

patulugin nio po sa dibdib nio na yakap nio xa.. ganyan po baby ko nun.. aun po masarap tulog nia.. sabayan nio na din po ng tulog..

Thành viên VIP

Meron pong app na white noise po yung pinapatugtog.nakakarelax daw yun at para na dn mahimbing tulog ni baby.makakatulong dn ang duyan

5y trước

Sige momsh, try ko yan.

Ganyan din po baby NG friend ko. Tumatahimik po pag may nursery rhymes.

every three hours mo siya padede.in momsh :)

Thành viên VIP

try mu i.pacifier momsh baka mag work.

5y trước

Yun nga eh, eh sya kasi puro dede. Yung tulog putol putol. Ayaw nya ng pacifier kaya di ko nalang din tinuloy.