bigkis
Mga momsh kelan po ba pwedeng di na mag bigkis si baby? Nagka umibilical hernia kasi si baby so nag bigkis ako na may coins. Nawal nman ito. Pero pinagalitan ako ng ibang momshies na wag daw ako titigil mag bigkis para daw maganda shape ng katawan ni baby. Totoo ba to and necessary ba? Hahaha
Nag bigkis din baby ko pero hangang matanggal lang yung cord. Pwede na hindi mag bigkis pagka tanggal. Be extra careful nalang sa belly button. Sensitive pa yan. Maganda lang talaga sa bigkis, hindi ka kabado pag matamaan tyan ni baby ng kung ano man. But according sa pedia, minsan masama rin ang bigkis kasi hinohold nya yung normal breathing ni baby. Imbis komportable si baby, mapapansin mo parang napipigilan yung stomach nya mag breathe in and out.
Đọc thêmAko din nung una hindi ko binibigkisin tapos nung pacheck up kami sa pedia nakaangat daw yung pusod ni baby ganyan din pinagawa garter na may coin pero hindi ko naman din lagi nilalagyan nun. Ayun nakikita ko naman lumulubog yung pusod naman siguro 2month old ko siya nilalagyan ng garter na may coin siguro 1 week or 2weeks tinigil ko na din kasi nasisikipan ako sa kanya lalo na kapag nadede si baby bumabakat hehe
Đọc thêmWala na kong mother to guide on what to do with my baby, mother in law sana kaya lang malayo, i always read things about how to take care of our young ones. Ang daming nagsasabi mag bigkis (old practice). Since i have no idea and alam kong ako ang nanay (mother instinct) di ako gumamit ng bigkis hindi din ako nag lalagay ng baby oil or anything na old practice. 😅 malusog naman baby boy ko
Đọc thêmGanyan din sa baby q ... yan iniisip ko .. dry nmn sya pero 3months na sya da pa lumulubog pusod ng lo ko .. i ask my pedia na kusa na lang daw yan lulubog ang amberical hernia sabe niya ..wag n daw bigkisan kc its normal daw yun ....pero as of now tintngnan ko pusod ng lo ko ... Lumiliit nmn sya pero d pa lumulubog po ...
Đọc thêmSa 1st baby ko nag bigkis ako after 1 week pag katuyo ng pusod nya. Sabi kasi ng mother ko makakaiwas din daw yun sa pag kakaroon ng kabag pati pagiging malaki ng tiyan ng baby. Sinunod ko pa din wala naman masama nangyari sa baby ko mukhang nakabuti pa nga para sakin. Depende parin naman sa mga nanay.
Đọc thêmAnak ko naman never nagbigkis. Advice na yun ng Pedia nung nanganak ako.. 13 yrs old na anak ko. Ok nman katawan nya. Hindi rin pusunin. In just 13 yrs old macurve na katawan nya.. nagmana sa side ng papa nya. Mgaganda tlg hubog ng katawan din.
Di na advisable gumamit nun eh, may case kasi ng namatay na baby dahil sa bigkis, di ata alam ng nagbibigkis na need din ng bata huminga, nahigpitan tapos ayun nawalan ng buhay, bakat sa bewang ng bata yung pinagbigkisan..
nag stop ako mag bigkis nung ok na pusod nya pero si mama naglalagay pa din pra iwas kabag nga din po, isang beses lang nmn sya nag ka kabag nung 8months na sya , katakawan kasi nya .
Jusko. Pinapahirapan nyo mga anak nyo. Hindi po kailangan mag bigkis ng baby. Kung hindi nyo bibigkisan ang bata hindi yan magkakaproblema. After 1 week tanggal na sana pusod nyan!
Ako naman saka ako nagbigkis sa mga anak ko nung tuyo na yung sa pusod nila. Okay naman ang mga puson nila at hindi sirain ang tyan kahit anong kainin nila na food.
Mother of 2 girl and boy