Bigkis or not?
Mahalaga ba mag bigkis si baby kahit tanggal na pusod nya and tuyo na din naman. Kayo mga mie hanggang kelan nyo pinag bigkis baby nyo?
Hi! bawal magbigkis. ang babies ay abdominal breathers. meaning, ginagamit nila ang muscles nila sa tyan para makatulong sa paghinga nila. masnagiging prone sa pneumonia ang baby na nagkabigkis. minsan okay lang naman ang mga sabi sabi ng matatanda lalo na kung harmless naman. pero isa ito sa mga paniniwalang nakakasama talaga sa mga baby kaya dapat mai-tama. huwag nyo na po lalagyan ng bigkis ang mga babies nyo please. kawawa sila :(
Đọc thêmFor me depende sis. pwede naman hindi ibigkis. kaso yung nangyari kac sa lo ko. binigkis ko lang sya nung sariwa pa ung pusod nya tas tinigil kona agad nung okay na pero after a month lumubo pusod ng lo ko sabe sakin ng mga kakilala ko bigkisan ko daw. kaya binalik ko sa bigkis ng mga 2 mos. thanks god lumugod din pusod ni lo. baka kung hindi naagapan baka luwa pusod nya hanggang ngayon. 3 yrs old na sya.
Đọc thêmsi Lo ko pinagbigkis ko lang Kase gusto ng matatanda sa Bahay, inaalis ko din pag kami nalang, but Yung pusod nya parang umusbong ng konte so nagbigkis Ako cguro mga 2 weeks then ayun ok na pusod nya dko na nibigkisan.. Kesyo mgiging butete daw walang shape. di Naman Ako naniniwala don, NASA katawan yon ng tao. happy mommy, happy Baby.
Đọc thêmSame mii pinag bibigkis ko lang si lo ko pag papaliguan na sya ni nanay kinabukasan pero pg regular day at ako at si hubby lang bantay di namin sya pinag bibigkis. Kaya medyo guilty na ewan ako dahil i know na di naman recommended ng pedia ang bigkis. Hirap nun paliwanag sa matatanda
para daw kasi yan hindi malaki ang tyan ni baby.. eh natural lang na bilog talaga ang abdomen ng mga babies at habang lumalaki yan magdedevelop at mag iiba ng hugis.. delikads pa nga yan lalo na umaangat yan sa may dibdib baka mahirapan huminga si baby.. kaya di siya advisable kahit na after maalis ng pusod
Đọc thêmdepende sis, Aa eldest ko una tlaga hnd ako nag biskis but napansin k9 ung pusod nya is nakalabas which is ang panget, Kaya I used bigkis mga 1week sguru ayun umokay na pusod nya. Dto sa 2nd baby ko hnd na ako gumamit kasi ok naman pusod nya naka lubog na agad.
paglabas namin ng hospital dun ko binigkisan baby ko. hanggang 3mos sya nagbigkis kase di na kasya, kaya ngayon maganda yung tyan nya hindi mukhang bloated tignan, i mean proportion tignan sa katawan nya.
Di napo gumagamit ng bigkis ngayon mi. Wag mo lang itapat un sa diaper sa pusod nya. Tapos after bath sprayan mo alcohol ng matuyo at di ma infect po
hanggang ngaun gumagamit ng bigkis baby ko mag 5months na sya..inaalis ko lang pag dinadala ko sya sa pedia..napansin ko din na d gaano lumaki tyan nya dati.
Di po ako gumamit ng bigkis...at wala namang naging problem si baby ko... need lang dighay after feeding...hanggang maging mature ang kanyang tummy...
hindi po nag bigkis ang baby ko, mag 2 months na sya ngayon. 12 days tanggal na pusod nya at maganda naman. wala din infection. para saan ba daw yon?
still don’t have any idea of parenthood