Hanap trabaho

Mga momsh, frustrated lang ako kasi napepressure ako sa mga kamag-anak ko at sa sarili ko. 5 months na ang baby ko pero parang diko siya kayang iwan. Parang ayoko pa siyang iwan para makapag trabaho. Tanong madalas ng nga kamag-anak ko kung anong plano ko (meaning kung may balak pa ba akong magtrabaho ngayong nakapanganak na ako). Minsan gusto ko na ring maghanap ng trabaho na pero madalas parang ayaw ko pa. Pakiramdam ko iniisip nila na tinamad na ako dahil hindi pa ako naghahanap ng work ulit pero hindi nila maintindihan yung pakiramdam ko. Ayaw ko pa iwan si baby. Di pa ako ready. Gusto ko ako ang mag-alaga sa kanya, gusto ko EBF siya hanggat gusto niya. Ayaw ko pa malayo sa kanya. Okay pa naman kami kasi napoprovide naman ni hubby ang needs namin ni baby. Pano ko ipapaintindi sa kanila na satisfied na ako doon sa ngayon? Nanghihinayang sila sa sasahurin ko eh ako nanghihinayang sa mga oras na makasama ko at maalagaan ang baby ko personally. Pag di na siguro nagrerely sa milk si baby magiging okay na ako ipaalaga siya sa iba. Stressed. #firstbaby #momcommunity #1stimemom

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Follow your heart sis. Kung gusto mo mag alaga muna kay baby then do it. Wag ka magpa apekto sa kanila. Di naman sila bumubuhay sa inyo. Enjoy motherhood. Pag ramdam mo na na okay na iwan mo si baby para mag work at ready ka na dun ka na bumalik sa work. Pareho tayo full-time mom din ako at masyado akong na i-enjoy sa pag aalaga sa baby ko.😊

Đọc thêm

up