Introvert or pangit ugali?

Hi mga moms! Gusto ko lang mag share.. Introvert po kasi akong tao. Hindi ko hilig makipag socialize sa iba kahit pa sa mga relatives like tito/tita, pinsan ganyan. Palagi yung husband ko lang ang kausap at nakakasama ko araw araw. May 1 to 2 bestfriends ako na kinikita na super dalang. And tahimik din ako both on social media and in person. Para sakin, kung hindi importante wag kana magchat. Ayoko sa mga "musta kana?" mas gusto ko yung kung may kailangan ka diretsuhin mo na para wala ng matagal na usap. Ngayon na buntis ako bakit feeling ko ang sama kong tao. pangit ba talaga ugali ko? Dapat ko bang baguhin ang sarili ko? Kasi feeling ko ang layo din ng loob ng mga in-laws ko sakin. Pati na din ng mga relatives ko.

11 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

No... e sa ganyn ka komportable sis e.. cgro sa mga in laws mo kht pano may excemption pde kmustahn mlng sila pra kht pano alm nla nag initiate ka ng convo at knakamusta mo sila. Ska sadyng may mga tao na ndi hilig msyado socializtn ska ndi mo nid un dhl magkkrn kna ng family. Mas pangit nmn kng both parents mhilig sa socialization un puro barkada tps un mga anak iniiwan lng sa maid.. pangit un kya ok lng yan as long as wla ka tnatapakn na ibang tao ndi msama un gnagawa mo.

Đọc thêm
5y trước

Thank you sis...

Introvert here. ❤ Alam naman natin sa sarili natin kung pano tayo magfunction. Di rin ako nakikipagusap sa in laws ko kung hindi nila ako kakausapin hahahaha pero wala naman satin yun di ba? Wala namang inis na involve. Buti nalang din tahimik lang mga in laws ko, mahihiyain rin hahaha. That's how we function. Mas gusto nating straight to the point and mas onti yung tao much better.

Đọc thêm
5y trước

True..buti nalang nga nakabukod kami after ng kasal atleast di ko kelangan pilitin sarili makihalubilo. Ang hirap kaya, nakaka drain ng energy haha

Same tayo sis. Mas kumportable ako na mag isa or kasama si hubby alone kesa sa maraming tao. Di ako masyadong friendly or machika sa iba pero may times din na dapat nakikihalubilo. Iba iba naman kasi personality natin. Pero hindi kailangan pilitin yung sarili natin na baguhin para lang magustuhan ng iba.

Đọc thêm
5y trước

Wala naman sigurong masama na maging introvert, di rin ibig sabihin non eh masamang tao ka na. Sadyang yun lang prefer natin para less stress lalo na at preggers tayo.

Hehe no sis.. pwedeng dhil sa hormones Kaya Yan naiisip mo. Wla nmn paki sayo ibang tao kahit mag bago ka.. pero Kung gusto mo mag bago ung ginusto mo dpat at makakabuti sayo Hindi dahil sa ibang tao.mababaw n dahilan un sis..

5y trước

Hehe thank you sis.

Thành viên VIP

Same lang tayo. Introvert din ako. Ganyan din ako. Di sociable. Magkaibang magkaiba kami ng asawa ko. Masungit nga tingin nila sakin e. Haha.

Same tayo. Lagi lang ako nasa kwarto kase wala ako iba nakakausap dito. Parang ilag talaga ako sa mga tao. Hubby ko lang lagi ko kausap.

5y trước

Ang hirap lang kase akala nila suplada ka o may problema ka sa kanila pero di nila alam ganun talaga personality mo.

Thành viên VIP

Same here. Actually mahirap nMan tLGang makasundoang inlaws. Isa na yata san sa mga taong napakahirap pakisamahan sa totoo lang

Ganyan din po ako. Kaya tingin nila sa akin suplada.🤷‍♀️

5y trước

Ako din. Minsan naiisip ko pa nga baka tingin na nila sakin tatanga tanga eh hahaha

Same introvert. Hayaan mo sila LOL. Wala sila pake sayo.

No. Ganyan rin ako