Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Excited to become a mum
Injectable
Sa mga injectable users po side effect din po ba sa inyo yung araw araw masakit ulo? Nakakainis na araw araw nalang maskit ulo ko huhu
Vitamins ni Baby
Hi mga mommies, is it okay kaya if magpalit ng vitamins si Baby? Current vitamins niya is Pedzinc and Cherifer. 3months po baby ko. Napansin ko kase di nataba baby ko and humihina dumede. Salamat po sa mga sasagot!!! 💓 Keep safe 😊
Rebond after birth
Hi alam ko pong bawal pa sa iba ang pagpparebond pagkapanganak but kanina po turning 3months na sa 13 nanganak ako via cs e nagparebond color brazilian ako meron po ba akong katulad dito na maaga nagparebond? Tapos ngayon siguro nabinat nako hays sakit ulo ko at batok pero tolerable naman. Masyado kase ako lagi paranoid lgi ako nag ooverthink hays. Salamat sa mga sasagot and please respect po 😭
Milk ni LO
Pa help naman mga momsh. Una milk ni baby Nan tae siya ng tae dun kaya nagpalit kami ng Nan HW di naman siya masyado makapoops then may nagbigay samin ng Nestogen dalawang box so inubos muna namin yung Nan HW tapos ngayon milk na niya yung Nestogen pero ayun ang baho ng poops niya then matigas hirap siya umire tapos kanina butil butil poopoo niya parang yung sa kambing ganun buo buo na ganun. Ano kaya magandang gawin? Sorry po parang ang bobo ng tanong ko. Btw 2 weeks old palang si baby. Ano kaya magandang gawin para maging okay poops niya or what? Maraming salamat sa sasagot.
NEWBORN SCREENING
MERON PO BA DITO HINDI NAPANEWBORN SCREENING SI BABY? BABY KO KASE 2 WEEKS NA SYA DIKO PA NAPAPANEWBORN SCREENING SA KAKULANGAN NG PERA. DUN KASE SA HOSPITAL NA PINAG ANAKAN KO DI PA KASAMA YUNG NEWBORN SCREENING SA LAKI NG BINAYARAN NAMIN NA 34K KASAMA NA PHILHEALTH DI PA KASAMA ADDITIONAL 2500 PA KAYA DI NAMIN NAPANEWBORN SCREENING SI BABY. ALAM KO NAMAN PONG MAHALAGA NEWBORN SCREENING PERO WALA PO E. SINO PO BA DITO DI RIN NAPANEWBORN SCREENING SI BABY? PLEASE RESPECT NO HARSH COMMENTS. SALAMAT
HILOT SA CS?
Okay lang kaya magpahilot ang cs? Ilang araw na kase masakit ulo ko di nawawala. Sabi ng iba magpahilot kuno eh cs ako natatakot ako. Natatakot din ako baka binat na to. Ilang araw na kase masakit di nawawala kahit inuman ng gamot. Salamat sa sasagot.
SSS
Ano po kaya requirements sa Mat2? Cs po. Salamat po
Bumuka ba?
Bumuka po ba yung tahi? Asawa ko kase naglilinis ng tahi ko then sabi nya parang may natuklab. Di pa kase kami makabalik sa ob ko e. 1 week na nakakalipas nung na cs ako. Salamat po sa sasagot.
Poopoo ni LO
Normal lang po ba maya't maya napoopoo si LO? 3 days old palang po siya and formula milk po. Nagwoworry lang po ako baka di normal. As in kahit konti lang dinedede tae ng tae maya't maya.
Pump
Ano po pwedeng pampadami ng gatas? Pump lang po ako e yung pinipisil lang. Kaya pahirapan. Ayaw dumede sakin ni LO kaya ginagawa ko pinapump ko nalang kaso ang konti po ng lumalabas. Kakacs ko lang din po 3 days ago. Sobrang nakakalungkot ayaw dumede sakin. Nakalubog din kase utong ko huhu. Any suggestions po? Thank you