Experiences

Hi mga mommy, share nyo naman po yung experiences nyo nung nasa paglilihi stage kayo, kung ilan buwan bago natapos. Sakin kasi di ko sure kung naglilihi pa ko or dahil sa hyperemesis kaya ganito pa rin, nahihilo at nagsusuka, pero may cravings pa rin ako, lalo burger at chicken. Pero nung 1st trimester ko, sinigang hinahanap ng panlasa ko. Tapos until now ayoko sa sobrang ingay or yung tunog na nagmumula sa mga mobile games, nahihilo kasi ako sa naririnig kong ang dami, halo halong sounds. Kaya lagi lang ako sa kwarto pag nasa labas o nasa sala Yung kapatid at pamangkin ko kasi napaka ingay nilang dalawa 😂 #1stimemom #firstbaby #pregnancy

7 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

sakin po hanggang ngayon na turning 7 months, nakakaexperience pa ko ng paglilihi haha. sa asawa ko ako naglilihi. gusto ko nandito sya lagi sa tabi ko, pagkatabi ko naman, bwct na bwct ako 😂 pag nasa work sya di ako mapakali, parang kulang, parang wala ko gana kahit sa pagkain. pag andyan asawa ko, pabili ako ng pabili tapos di ko naman kinakain. either di ko gusto ung lasa or hindi n ko nagccrave 😂 ending sya ang kumakain kaya tuwang tuwa naman ako. sa food nmn po wala naman ako napaglihian ata? siguro po ung chili garlic kasi ayokong nakakaamoy nun, e paborito pa namn ng bunso kong kapatid un na ihahalo sa kanin nya. kaya pag alam kong maglalagay kapatid ko ng chili garlic, sasabihan ko syang paunahin na ko kumain 😂

Đọc thêm

sa panganay ko grabe ung pagkaselan ko sa lahat amoy panglasa lahat na ata ng paglilihi danas ko wala akong gana sa lahat ayoko din ng maingay lalo na mainit. Pero kinaya para Kay baby Kasi pinagdasal ko talaga magkababy 🥰 7 years old na sya baby girl ngayon second baby ko kabaliktaran ☺️ wala akong symptoms ng Pag bubuntis as in normal Lang wala ding gustong kainin lahat pweding kainin 😂😅 Hindi ako hirap ngayon Di ko pa alam gender ni baby ko bukas pa ako appointment ko for second ultrasound ☺️ hopefully Makita na gender 🥰 26 weeks and 3 days na ako . enjoy Lang pregnancy journey natin☺️ God bless sa ating lahat na mga nanay. Team September - August here 🥰

Đọc thêm
3y trước

yes na yes mommy 🥰

ako po first time ko lang mangyare sakin toh aug 7 huling regla ko until now wala pa rin akong regla nag try ako mag pt unang pt ko may faint line tapos pangalawang pt at pangatlo biglang nag negative hindi ko alam kung bakit pero nakakaramdam ako ng cravings gusto ko lagi palabok na maanghang then tokwa ,at minsan inaatake ako ng epelepsy ko at minsan naman nakakaamoy ako ng mabaho pero ayuko ng mabaho dahil nasusuka ako ,sumasakit din ulo ko at lagi ako di makatulog sa gabi ,nakakatulog lang ako mga 2 am pero madalas mga 5 am, at nagigising ako lagi mga 8 am minsan 12 or 1 am ,hindi ko nga alam bakit ganito lagi ko pa hinahanap asawa ko ,minsan moody din ako sa kanya

Đọc thêm
Thành viên VIP

My experience naman po, parang around 14th week totally nawala yung "suka" stage. Instead na cravings, during first tri, food aversion po ako like as in, lalo na chicken ayaw na ayaw ko talaga kahit KFC pa yan o jollibee. Hanggang sa isang araw, bigla na lang ako gustong kumain ng napakarami hahaha

sobrang hirap sa 1st trimester.suka lang ng suka,kulang nalang ay sa cr nalang ako matulog.walang pinipiling oras ang pagsuka😔lahat ay mabaho at wala ding gana kumain.kaya namayat talaga ako,kaya bumawi ako ng kain ng mag 2nd trimester.

Cravings lang sakin momsh😂 di ako nag morning sickness, or suka, hilo or anything..😁

3y trước

Yes momsh laban😊😘

Thành viên VIP

saktong 2nd trimester which is 4mos

3y trước

buti mommy di ka sumuko. kayanin natin para sa kanila 😊😊😊