Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Soon-to-be-Mommy!
Philhealth ni Mister (?)
Mga mii, ask ko lang.. magagamit ko kaya philhealth ni Mister kahit wala sya pag nanganak ako? Updated naman yung hulog nya this year.. kaso paalis kasi sya pa ibang bansa by Aug., and manganganak ako by October.. may copy naman ako ng MDR nya, and dependent nya ko.. plan ko kasi yung philhealth nalang nya gamitin ko kesa yung sakin kasi na stop hulog ko by 2019 pa e.. Salamat po sa mga sasagot😊
SSS Maternity Benefit
Hello mga momsh! EDD ko is Oct. 2022, is it okay kaya kung by the end of July or early weeks of Aug. pa ako mag file ng mat form? I am employed before, but Oct. 2018 kasi nag resign na ako sa company, that time may loan ako.. but before ako mag exit sa company binayaran ko yung lahat ng balance sa loan ko.. so I expected na na clear rin nila sa SSS yung loan ko., and after that di na rin kasi ako nakapag hulog kaya dko narin na check.. Last March nagpunta ako sa SSS branch, para magpa change status and ipa voluntary yung account ko, but upon checking hnd na clear yung loan ko ng company ko before, so nagkaroon na ng interest at penalty yung balance ko before na umabot pa ng 9K na buti nalang na apply pa ko ng nag assist sakin para maless yung penalty w/c is 2K kaya naging 7K nalang.. yung dpat pang hulog ko sana sa contribution ko e binayad ko muna sa loan kasi need ng 50% payment para ma waive nga yung penalty.. then sabi ng nag assist sakin e yung Jan-Mar contri ko pwede ko naman daw bayaran until Apr.28 pa, kaya inuna ko na yung 50% sa loan, at last April saka lang ako nagbayad ulit sa contri ko.. Kahapon nag check ako ng eligibility ko sa matben, and syempre ang pasok palang is yung payment ko ng Jan-Mar 2022, at ang net amount na possible ko ma claim is 28K.. pero this june kasi plan ko na bayaran ng buo yung natira sa loan ko, and by July saka ko babayaran yung Apr-Jun 2022 contri ko kasi Aug.1 pa naman yung due date non.. after ko kaya ma clear yung loan kasi baka mag reflect yun sa possible ko makuha e..at mabayaran ko na yung contri ko ng Apr-Jun, possible pa po kaya pumasok yung Apr-Jun 2022 computation ko sa pwede ko ma-claim?? Thank you so much!😊
Cough at 18 weeks!
Hello mga momshies! Ask ko lang po kung wala naman po bang effect kay Baby ang pagkakaroon ng ubo? Nagkaroon po kasi ako for 3days, I tried to contact my OB pero busy ata di po ako nasagot.. Dko po alam iinumin gamot or kung may pwede ba inumin na gamot, kaya nag honey&lemon tea at water nalang po ako, sa gabi calamansi juice po. Thankfully, I'm okay now.. pero noong inuubo pa po kasi ako napupuyat ako kapag sumusumpong yung ubo ko, may times pa na sumobra sa kati yung lalamunan ko kakaubo kaya worried ako baka may effect po yun kay Baby.. Thank you!