frustrated. HELP.

Mga mommy, magopen up lang ko dito ah. Hindi ko na kasi alam gagawin ko. Im a new mom, syempre may mga matatanda tayong nagtuturo saten tulad ng lola at nanay. Kaso di ko alam kung anong susundin ko tulad ng wag daw paliguan ang sanggol ng isang linggo hanggat di natatanggal ang pusod, e ang sabi sa ospital paliguan daw agad. Wag ko daw sundin yun, ginawa ko nga tapos nagkaroon ng rashes si baby, bakit ko daw hindi nililinis si baby kaya daw nagkaroon. Hays. Tapos yung sa bigkis sabi ang bilin saken ng ospital wag lagyan pinapagalitan ako, kaya nilagyan nila. Tapos ngayong meron, nangamoy yung pusod habang malapit na matanggal. Sabi saken bakit di ko daw kasi nilagyan ng maaga. E okay naman yung pusod ni baby nung wala e. Wala namang ganun nangyari nung di ko nilalagyan. NAIIYAK NA KO MGA MOMMY KASI HINDI KO NA ALAM KUNG SINONG SUSUNDIN KO. GUSTO KONG MAGING HEALTHY SI BABY PERO PARANG MAS MARUNONG PA SILA TAPOS ISISISI SAKEN KAPAG MAY NANGYARI. PENGE NAMAN AKONG PAYO MGA MOMMY.

77 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Doctor ang sundin natin kasi sila ang mas nakakaalam.

Your baby your decision

your child, your rule mommy! golden rule ng pagiging magulang.

Kaw padin masusunod jan mommy xempre anak mo yan.. Yang bigkis ndi din po ako naglagay nian as in never po alcohol lng mommy ang ilalagay mo sa twing magpapalit ka diaper.. Tpos yung pagligo kei baby dapat po everyday baka kaya po nagkarashes kase ndi mo pi naliliguan.. Bast warm po ang tubig ni baby.. Iba n kase ngaun mommy iba yung panahon nila sa atin.. Be strong mommy ndi porket ftm ee sila na msusunod.. Pede sila magadvice but the final desicion ee sau padin.. Get well sa baby mo mommy :)

Đọc thêm
Thành viên VIP

Follow and trust your instinct mommy

ikaw po momsh ang masunod. kasi baby mo po yan.

Thành viên VIP

Doctor ang sundin nyo kc sila mas nakakaalam nyan e. Sabihin mo sa inyo nasa medical field ang doctor matagal nagaral yang mga yan alam na nila ang pasikot sikot pagdating sa health