frustrated. HELP.

Mga mommy, magopen up lang ko dito ah. Hindi ko na kasi alam gagawin ko. Im a new mom, syempre may mga matatanda tayong nagtuturo saten tulad ng lola at nanay. Kaso di ko alam kung anong susundin ko tulad ng wag daw paliguan ang sanggol ng isang linggo hanggat di natatanggal ang pusod, e ang sabi sa ospital paliguan daw agad. Wag ko daw sundin yun, ginawa ko nga tapos nagkaroon ng rashes si baby, bakit ko daw hindi nililinis si baby kaya daw nagkaroon. Hays. Tapos yung sa bigkis sabi ang bilin saken ng ospital wag lagyan pinapagalitan ako, kaya nilagyan nila. Tapos ngayong meron, nangamoy yung pusod habang malapit na matanggal. Sabi saken bakit di ko daw kasi nilagyan ng maaga. E okay naman yung pusod ni baby nung wala e. Wala namang ganun nangyari nung di ko nilalagyan. NAIIYAK NA KO MGA MOMMY KASI HINDI KO NA ALAM KUNG SINONG SUSUNDIN KO. GUSTO KONG MAGING HEALTHY SI BABY PERO PARANG MAS MARUNONG PA SILA TAPOS ISISISI SAKEN KAPAG MAY NANGYARI. PENGE NAMAN AKONG PAYO MGA MOMMY.

77 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Ganon talaga mga nanay...dahil firstime mo malilito ka talaga. 5 na anak ko. Syempre natutu na ako.. Pag binigkis mo ang baby na may pusod. Makukulob at babaho talaga. Pag sinunod sbi NG doctor wag lagyan NG bigkis at 3 times a day 70persent alcohol. Mabilis matuyo. 6 days palang wala na pusod NG baby koh.... Saka Kuna sya binibigkisan after mawala NG pusod nya...den binubuhasan k padin alcohol.. 🤗🤗

Đọc thêm

Nakakastress ang sitwasyon mo mommy. Maganda rin naman sumunod sa mga payo ng matatanda pero ikaw ang nanay. Desisyon mo kung anong gagawin at paano aalagaan si baby kumbaga dapat gabay lang sila. Though swerte ka pa rin kasi may umaalalay sayo unlike yung iba wala talagang idea kung paano alagaan ang baby. Pero wag ka mastress masyado momsh, may mga tutorial and tips din naman sa youtube baka makatulong.

Đọc thêm

Eh nako wag ka makinig sa elders , yang bigkis bawal yan saka yung manzanilla sinasabi saka alcamporado na yan pati baby oil sa ulo saka powder naku , binabara ko nanay ko saka lola ko kapag tinuturuan ako sinasabi ko let me be kasi ako ang nanay . Modern na sa panahon ngayon 2 kids na ako may 3rd pa 37weeks preggy hindi ko ginamit yang mga yan . Makinig ka sa doctor at hospital dahil sila mas may alam

Đọc thêm

better po sundin ang doc/hospitl para di mcompromise health ni baby. pakiexplain mo na rin sa mg nakatatanda ntin na iba nmn generasyon ngaun, nakabase na sa science ung health ng bata, masusing ping aralan un. naging effective mn ung practices nila noon kasi ung panahon nila iba na sa atin ngaun na marami ng kemikals/polusyon/prservtives etc. sa ating pligid kya dapat dobleng ingat tayo

Đọc thêm
Thành viên VIP

Pwede na paliguan si baby, just keep the umbilical stump dry. Lagyan nyo po alcohol without moisturiser (70% isopropyl alcohol). Better wag na lang po lagyan ng bigkis, nagiging cause din po kasi ng abdominal problema sa baby (like adhesions). Kayo po ang masusunod dahil kayo po mas nakakaramdam ng needs ni baby and kayo din po mag aalag at gagastos kay baby pagnagkasakit (wag naman sana)

Đọc thêm

Wag mo po sila intindihin mommy, as long as you know na hindi harmful kay baby ang gagawin mo go lang. Seek advice lang siguro pero mas mabuti makinig sa doctor since napag aralan nila yun. Nung bagong panganak din ako mga tita ko at biyenan daming kasabihan, but my mom told me wag na makinig sa doctor na lang. Cheer up mommy! Kaya mo yan 😊

Đọc thêm

Ganyan din ako mommy andaming bawal at dapat gawin na sabi sabi ng matatanda ayon mas nasa panig ako nang science... maski pinapagalitan nako ng nanay at lola ko lagi kung sinasabi "yung ang sabi nang doctor niya or iba na ngayon di katulad sa time niyo" I know masama awayin matatanda pero pag anak mo na pinag uusapan who you sila sayo

Đọc thêm

byenan side ba yan? wahaha. byenan ko kase ganyan pakelamera samin ni hubby, gusto pa ipahilot sa manghihilot yung baby namin. nako, hindi namin sinunod abay nagalit pa 😂 pero hindi pa rin namin sya sinunod. kami ang parents eh hehe. yun nga lang, hindi nya hinihiram ang bata nitignan man lang kahit once a week, wala. haha.

Đọc thêm
Thành viên VIP

naku po mamsh..hindi na po advisable ang bigkis..pgkauwi namin galing ospital, sabe ng mama ko bigkisan ko raw si baby..eh advice ng pedia nia, hindi pwede kaya yun yung sinabe ko kay mama..hindi naman sia nag.insist..tapus everyday dapat maligo si baby..ikaw po ang nanay mamsh..pa.intindihin mu yun sa kanila in a nice way.

Đọc thêm

Ikaw maG decide sa anak mo... Wag kang makinig anak mo yan mamsh... Wag kanG ma stress sa mga dikta ng matanda... Anak mo yan aLam Mo. Makakabuti. Ndi ka naman cguro gagawa ng makakasama sa anak mo. Aq waLang pwede mag decide aq Lang as in. Pwede cla maGsaLita pero nasakin qnG susundin Ko ba oh ndi! 😂

Đọc thêm