New born diaper

Hello mga mommy. Hanggang ilang months po pede gamitin ni baby ang new born diaper? Soon to be mommy ako. :) Plano ko po kasi sana mag stock ng diaper for my baby. September pa po ang due date ko. TIA. :)

30 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Pwede..malakas SA diaper ang newborn ehh.. Kung kelan bago diaper, pupu, pag palit mo, wiwi, Maya Maya pupu ulit.. yung Tama Lang cguro for 1 month Kung imbak talaga .. Lalaki din Naman agad si baby☺️

Ang risk po Kasi is baka agad makalakihan ni baby ung new born diapers Kaya Hindi advisable na magstock ng madami. At the same time baka Hindi nya hiyang magkarashes sya. Sayang lang.

Same tayo sept.din due date ko meron na ko stock ng huggies na nb 4 packs nag 50% kasi nung sale kaya 2 na binili ko bale meron na ko ditong 160 pcs na nb 🤣 sunod small na bibilhin ko

Thành viên VIP

depende po sa laki ng baby. wag po kau masyadong bumili ng maraming newborn size ksi po baka pagkaliitan agad ni baby. mabilis lng daw po ksi lumaki si baby para hnd sayang po hehehe.

Huggies dry gmit ng baby ko.. 3500g xa nung inilabas ko.. 3 na 40pcs. Binili ko.. Maliit na sa kanya kaya 2weeks plng baby ko.. small na bibilhin ko nxt week..

6y trước

Maliit kasi huggies.. Pampers abot til 2mos old baby ko..

Wag po kayo bumili ng madami. Una, nakadepende sa size ni baby at pangalawa, baka di hiyang si baby sa diaper na bibilhin mo masasayang lang po iyon.

Not too much for NB size. Depende kasi yan sa gaano kabilis lumaki si Baby. Iba iba din ang size depende sa brand. Yung MamyPoko malaki sizing ee.

depende. si baby ko medium agad even ung mga damit nya kase malaking bulas ang bata. ngayong 10months na sya naka large na sa diaper.

Super Mom

Depende sa weight ni baby Personally di kame nagnewborn size, kasi when I compared it to small size very little lang ang difference.

Bumili ka lang muna ng isang pack ng pang newborn mamsh. Si lo ko wala pa 1month nya gamit pang newborn size eh.