24 Các câu trả lời

Try po kayo pa check up sa Private OB, kasi ang OB kahit maliit pa si baby nahahanap nila ang heartbeat. Gaya nong akin, 7weeks tvs ako, but nong nexr check up at 11 weeks, doppler gamit ni OB nahanap niya agad, hinanap muna niya saan banda si baby din ginamitan ng doppler nahanap niya. Kasi yung doppler required talaga na well trained para mahanap po, aside sa maliit pa po tiyan niyo baka di po gaano ka trained ng tulad sa OB. Wag mo ma stress, di mo din talaga ma fe feel si baby kasi maliit pa, nasa 18weeks up or kadalasan 20weeks na mafe feel mo

nag try din akong magpacheckup sa lying nung 13 weeks ako ginamit nila doppler sabi nung tumingin di pa daw marinig kase maliit pa kaya medyo nag worry din ako nun kase nung 10weeks ako nagpa tvs ako may hb naman si baby tapos lumipat ako ng ospital sa ob na talaga ako nagpatingin tapos hinanap nya talaga kaya narinig ko hb ni baby, kinwento ko sa kanya yun tapos sabi nya bakit daw ganun baka tamad lang daw maghanap yung nasa lying in kaya di na talaga ako bumalik dun

17 weeks peggy din. Try po magpacheck sa ibang ob. Last po na check up ko, nahirapan din ob ko na hanapin hb ni baby using doppler lang, mukha po kasing anterior placenta ako kasi naririnig niya yung dugo na dumadaloy daw sa placenta. Pero nahanap pa din niya yung hb, nasa may right side ng pusod ko si baby, umakyat sya, dati kasi nasa bandang puson ko sya.

ako po dipa mahanap heartbeat ni baby nung 5months akokase maliit din po tyan ko, pero nung next month pagbalik ko,6months na tyan ko, nahanap na heartbeat ni baby,nasa baba sa bandang puson ..kase yung ulo ni baby nasa baba po,kaya nung nagpaultrasound ako , nakacephalic position talaga c baby..😊😊

TapFluencer

Maliit din tiyan ko before mi. 17 wks ako jan sa pic, last year. normally po pag gumamit ng fetal doppler c OB nyo po maririnig naman na po ang heart beat ni baby lalo na at 17 wks na. wala po bang sonogram sa clinic nya? ung makikita mo si baby sa monitor talaga.

bandang puson mararamdam mo yung heartbeat nyan gnyan din ako before 6week plng nun meron na syang heartbeat. and mararamdaman mo yan mga bandang 20weeks or 21weeks.. gnyan din ako before laging paranoid😅 ngyon 7months na ang tyan ko...

baka po nakaharang ang inunan nyo sa baby. Mahirap po talaga mahanap ang heartbeat ni baby sa doppler lang pag ganon. Mag pa pelvic ultrasound po kayo. Doppler lang po talaga pag lying in. HuMingi po kayo ng request para sa ultrasound.

Hi Mi. 17 weeks, mahina pa po ang heartbeat ni baby. di masyado naririnig sa doppler. wait mo Mi tumontubg ng 20 - 24 weeks. minsan kasi sa position din yan ni baby. as long po na may heartbeat sa ultrasound, then no need to worry.

Suggest ko po pacheck up po kayo sa ibang lying in or sa ospital, di po kasi normal na walang heartbeat ang 17weeks. Possible po kasi di lang mahanap ng doppler ang heartbeat ni baby or baka may problema talaga.

hello ganyan den po naging case ko .. 4months na dipa den madinig heartbeat ni baby , kaya binigyan nako refferal para sa ultrasound .. nung nakapag paultrasound nako meron po .. healthy naman si baby ..

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan