Về chúng tôiChính sách bảo mậtĐiều khoản sử dụngTiêu chuẩn cộng đồngSơ đồ trang web
Tải app miễn phí của chúng tôi
Excited to become a mum
Butlig sa paa
Ano po kayang pwede ilagay? Nagkaron po kasi ng butlig dalawa niyang paa. Di lang po kita sa picture. Ang kwento po, nung saturday may pinuntahan kasi kami, kaya nakamedyas and shoes sya. From 9 to 1pm kami dun. Kinabukasan, may mga butlig na. Baka po dahil sa medyas. Feeling ko po nangangati sya, kasi lagi ko syang nakikitang nag aattempt kamutin, napipigilan ko lang sya. Nilalagyan ko ng calmoseptine,m. Ano pa po kayang pwede ilagay?
Umiiyak pag change diaper o damit
6mos na po si baby. Grabe sya umiyak pag pinapalitan diaper o damit. Nawawala yung pasensya ko. Na nasisigawan ko na sya😭
Hikaw ni. Baby
Hello mga mi. Ask ko lang po. Ano gagawin pag hindi marotate yung hikaw na ni baby. Nakalimutan kasi namin galaw galawin. Sabi kasi samin, kahit twice a day galawin o ikutin para di mag dikit
Forgetful after giving birth
Cs po ako and 5mos na si baby. Sobrang makakalimutin na po ako. Sabi effect ng anesthesia. Bale dalawang beses pa po ako naturukan sa likod. Kasi after a month ng panganganak ko. Need ako iraspa. Netong 4mos na balik ko sa work. Bigla nalang naboblock yung utak ko habang nagkukwento (kung bakit ko sya kinukwento o ano yung topic bat ganun yung need ko ikwento). Pati sa work, bigla bigla kong di maisip yung term, di ko talaga maalala na para na akong tanga. Sinasabihan pa ako ng mga boss/leads na "sige lang, no pressure", sinasabi ko lang na makakalimutin na ako pero ayokong sabihin o banggitin na due to pregnancy and giving birth, kaya naapektuhan yung memory ko. Naiinis na ako sa sarili ko. Pero pagdating kay baby, wala akong nakakalimutan.
Bath time for baby
5mos na si baby. Pwede ko kaya palitan bath time niya, imbes na morning, gabi nalang. Working mom po ako, asawa ko nagbabantay kay baby. Minsan pumupunta byenan ko dito sa bahay para katulong ng husband ko mag alaga. Pero both na di sila marunong magpaligo at takot pa. Nagigising kasi si baby ng 6am, minsan pinipilit ko nalang gisingin. Nilalaro ko muna sya saka ko liliguan ng mg 6.30am. Saka ko ulit sya ibabalik sa tulog ng 7am, then, ako naman mag aayos sa sarili ko. Sabi ng mga officemates ko, masyado daw maaga yung ligo niya, tapos wag naman daw gabi ang pagligo. Saka lang po siguro mapapaliguan si baby ng husband ko pag nakakaupo na talaga si baby.
Not sure if pregnant or what
Cs delivery po ako last august. Need ako raspahin, 2nd week ng oct due to heavy bleeding and thinning of uterus. Di ko na maalala kung last week ng oct o november may contact na kami ni mister. May protection naman kami pero yung umpisa kasi di muna naglalagay. Ngayon. Until now, january. Di pa ako nagkakaperiod. Chinat ko yung ob at pinagpepregnancy test ako. Negative yung PT. Niresetahan ako duphaston
Period after giving birth via c section
Mga mommies. Ngayon ko lang po kasi napansin na hindi pa po ako nagkakaperiod. 4 Months going 5th postpartum na po ako. Cs po ako at hindi po ako breasfeeding. After a month of giving birth, need akong raspahin. Not sure kung normal pa sya. Pero nachat ko na OB ko. Hopefully sagutin ako. At sana may makasagot din sakin dito. Thank you
Baby na malaway😂
Sino po dito may baby na grabe maglaway. Baby girl ko po 4mos, mga 5 bibs nagagamit niya sa isang araw. Bukod kasi sa naglalaway, nginangatngat din niya yung bib niya.
Nakakalbo si baby
Share ko lang po, baka may same experience din at makapagbigay ng kanilang experience o tips. Sabi naman nila normal at magpapalit din. Nakakabahala lang din kasi as first time mom. Hehe. 4mos na si baby at napansin kong may malaking patch, though may mga parang maninipis at maliliit na buhok. Mustela foam ang gamit niyang shampoo.
Earrings for baby
San po kaya pwede magpahikaw para sa baby. Around Mandaluyong lang po sana. Thank you