Totoo Ba Na Pag Hindi Nakakaranas Ng Morning Sickness Ay Lalake Ang Baby?
Hi mga mommies. Tanong ko lang po kung totoo po ba yung sinasabi ng iba na pag walang nararanasan na morning sickness ay lalaki ang anak at pag malala ang morning sickness ay babae naman daw po ang pinagbubuntis?
nope! mag 6 months na c baby ko sa tummy pero till now may morning sickness pa rin ako. grabe pa dahil maya't maya ang suka ko at sobrang naglalaway. ibang iba sa panganay ko na girl na walang morning sickness.. pero ok lang kahit hnggang sa manganak ako na may morning sickness mahalaga sakin naiinom ko mga vitamins at kumakain ako ng mga healthy foods. nilalabanan ko talaga morning sickness ko para maging healthy kami ni baby 😊
Đọc thêmHindi po, ung eldest son ko mamatay- matay ako sa morning sickness as in simula gumising Ako hangan Gabi suka ko Ng suka ☹️ Ng lalambot Ako nun sobra,ngaun Naman baby girl pinag bubuntis ko wala ko màsyado morning sickness 😊 Pero mas sobrang selan 😅
no pregnant ako now sa second baby boy namen.sobrang selan ko laluna sa pag kain.madali din ako mahilo at lagi ako nag susuka pag kumakain ako.dun sa two years old ko na baby girl dun hindi ako maselan kase parang wala lang parang hindi man ako buntis.
depende mommy sa buntis. ako, baby boy first baby ko wala ako literal na morning sickness kasi sa gabi ko na experienced yun. magsusuka kung kelan mag dinner O mag sleep. super selan ang pang Amoy
hindi po.. ako non grabe ang morning sickness.. ang sakit na ng tyan ko dahil sa hyperacidity.. tapos ang bilis ko pa mahilo.. lagi ako naduduwal non.. pero baby boy po baby ko.. 😁
depende den po talaga sa mommy kasi ako baby girl never nagkaroon ng morning sickness never nahilo in short di ako maselan parang wala lang.. now i'm 31weeks na...
not true, 2 girls anak ko pero magkaiba yung pagbubuntis ko sa kanila, yung panganay napakagaan ng pagbubuntis ko, pagdating sa pangalawa sobrang selan.
sa akin po baby boy 2 months old grabe po ang pinagdaanan ko halos lahat ng kainin ko nailalabas ko din🤦♀️ hanggang 8 months ganon po
hindi po...ako po nagka hypermenesis pa (excessive vomiting and nausea) sa first trimester na naconfine pa ako pero baby boy po ang baby ko...
Nope, twin boys anak namin sobrang lakas ng morning sickness mamshie, at hnd lang morning sickness kasi kht anung oras nun