Pregnancy #1sttimeMom

Hi mga Mommies, Manghihingi po ako ng advice sa mga nakaexperienced ng pinagdadaanan ko. 27 weeks na po akong preggy ngayong. May 11 nagpacheck ako ng ihi ko may UTI ako 8-10 pus cell pinagtake ako ng OB ko ng co amoxciclav good for 1 week nung naubos ko na yung gamot nagpacheck ulit ako ng ihi mas tumaas 15-20 plus cell kaya sinuggest na ni OB na magpa urine culture ako 50,000 colonies ung result . Mga 1 week ang nakalipas , naadmit ako sa ospital dahil sa sobrang sakit ng balakang ko at yung ihi ko may kasama ng dugo 4 days din akong na admit. Nung na discharge ako sa ospital niresetahan ako ng antibiotics good for 1 week mga ilang araw lang umulit ulit ung nararamdaman kong pagsakit ng balakang at pag ihi ng may kasamang dugo kahit na nagtetake ako ng antibiotics. Natapos ko ng inumin ung mga gamot at nagpacheck ulit ako ng ihimas lalong tumaas 18-22 plus cell. Nakakastress na kahit anong gawin kong water therapy at pag inum ng gamot di pa rin nawawala. Sana po may makapag advice sa akin mga mommies. Nakakastress na din kasi nagwoworry ako para sa baby ko. Maraming salamat po

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Try nyo din mag buko po kayo Mommy. Iwasan nyo muna mga fruits na matatamis, 3-5L po inumin na water a day, wag na dn po kayo mag fem wash water-water na lang muna. Wala munang kape or gatas (fresh milk pwede).

3y trước

noted po mommy . maraming salamat po 😊

Thành viên VIP

baka po mali yung pag catch mo ng ihi sa urine test. sabi po ng ob ko, wash po muna yung pwerta then pag iihi na po, open mo po konti yung pisngi bandang gitna po ng ihi yung iccatch mo mi.

3y trước

tama naman yung pagcolect ko nung urine sample. salamat po