Home remedies for uti
Bakit po kaya mas lalong tumaas ang uti ko mga momsh ..? Samantalang kakatapos ko lng po mag antibiotic for 1 weeks tapos nag pa test po ulit ako ng ihi ..tapos yan po ang result ..nung nakaraan po 16-20 PUS CELL ko tapos ngayon umabot ng 50-60 ...iwas namn po ako sa mga bawal at more water din po ako😣 7 months preggy po...di pa po ako pwede uminom ulit ng gamot kc kaka vaccine ko lng po ng covid vaccine..bka po may alm kau na pwedeng gawin habang d pa po ako pwede uminom ng gamot..? Natatakot po akong mag preterm ..lagi po kc nasakit ang puson ko at balakang lagi na rin sya naninigas#advicepls
Try niyo po mag pa urine culture, os ask niyo po OB. last week ng pa urinalysis po ako due to difficulty urinating. then yong OB ko ng required ng URINALYSIS AND URINE CULTURE. sa urinalysis ko MANY ang nkalagay na Bacteria. So ang sabi niya bago kita bgyan ng gamot. wait ko muna result ng URINE CULTURE MU. after 7 days kasi result nun.then ako naman while waiting for the result everyday nagbubuko ako and 12 glasses a day ng water. Then netong april 8 check up sakto may result na. nakita ni doc na may E coli urine ko with 50,000 colonies. so sabi niya no need na mgtake ng antibiotic, kasi mababa ung bacteria. pag may UTI daw is 100,000 colonie ptaas. so thankful ako kay God na hndi na kmi iinom ng gamot and okay nadin po ako. ask k ng second opinion. makikita din sa urine culture kung saang antibiotic ka may resistance pra di na ibibigay sayo
Đọc thêmako na may yeast infection , tapos nag sosoftdrinks pa, nagkakape konti, sobrang maalat ng kinakain at nag ju juice, at nag susuka ng sinamak pero thankfull ako kasi nung palaboratory ako normal naman ihi , wala akong uti 🙏☺️ pero may iniinom ako once a week or twice a month lg yung mansanitas kasi tawag samin mga bisaya, basta yun, yung dulo ng dahon nya lagyan mo ng mainit na tubig tapos pag antayin mo lg na lumamig saka mo inumin, di mo na isama ang dahon syempre sa pag inom sobrang legit sya sa ate at kakilala ko at sakin, kahit na sobrang aalat na ng ininom ko
Đọc thêm16 weeks preggy here. Unang urinalysis ko ung WBC/PUS CELLS - too numerous to count ang result. Nirestahan ako ni OB ng Fosfomycin. Tinimpla sya na parang juice. Twice ko lang ininom. 2 dose na may 3 days interval. May Yeast infection din ako that time pero inuna ung antibiotic kasi nkkaggravate ng yeast ung antibiotic so baka masayang suppository. After a week nag pa urinalysis ulit ako and okay na ang result 3-5 nlang. More on water nlang po ako and tinatapos ung suppository.
Đọc thêmMay mga cases kasi na hindi effective ang antibiotics na ininom mo. May antibiotic resistance kasi ang iilan. pacheck up ka ulit and mabbgyan ka ng another type of antibiotic. Other OB will give antibiotic plus vaginal suppository. Drink more fluids too. Wag patagalin ang panty liner if gumagamit ka, always change. Balik po agad sa OB para maiwasan ang further complication. Medtech po ako mommy. take care
Đọc thêmwater therapy po.. if available maganda din po buko juice.. pwde din po sambong, herbal med po un. iwasan mo din po mga salty foods and soft drinks. pro mas maigi po consult your doctor of choice ksi po di po basta basta ang uti.. ascending infection po ksi yan.. so, kpg hinayaan mo po bka sa katagalan makapunta ang bacteria sa kidney.. mas delikado po un..
Đọc thêmbaka po may yeast infection din kayo. kapatid ko kc 2 beses nag antibiotics. ayaw mawala ang UTI tapos ang taas parin ng pus cells. ginamot ng OB baka daw sa yeast infection tapos nag vaginal suppository sya for 1 week. after nun nag normalize na lahat ng pus cells, bacteria, wbc sa urinalysis nya.
wala nga rin po symtoms sakin ..d masakit umihi hindi rin po makati private area ko .yun nga lng po panay sakit ng puson ko😔... akala ko nga po cleared n kya bigla po nagtaka lalong tumaas😔
water momsh.. ako din noon nagka uti , common dn nman dn s mg buntis un kaso un nga umabot ako s puntong ang reseta na skn ung gamot na 400plus ang isa, isang inuman lang un pra d na mag antibiotics pa, nag antibiotc dn ako isang linggo tas naulit na naman
same here mataas ung Pus Cells -55 to 60 sa akin, niresetahan ako ni Doctora ng Cefuxime, tapos need ko mag pa urine culture. kaya advise ko po sau balik ka sa Obygyne u, wag ung ipag walang bahala, delikado Kasi pag umakyat ung infection
sakin naman nung una kong test ng urine 40-50 puss celss ko nung nag antiobiotic ako ng 1week pangalawang test sakin naging 12-15 kaya water water nalang ako uulitin ko ulit ung test saken nextweek huhu hirap ng may uti
sobra siss pero need nyayan agapan kasi 7months nasya eh :(( mahirap mag ka sepsis ang baby
alam mo ganyan din ung akin nag amtibiotic nadin ako.kaso di nawala ...nkakaramdam din ako ng pananakit ng puson minsan pano kaya un😕
Dreaming of becoming a parent