Tara kwentuhan Vaginal & Cs delivery share your kwentong panganganak mommy
Hello mga mommies anong kwentong panganganak nyo?
madugo yung naging experience ko. cs kase ako.. bali akala ko magnonormal delivery ako eh pero nauna pumutok yung panubigan ko, pero nag trial yung ob ko for induce labor.. 8hrs akong iniinduce.. tiniis ko yung sakit kaso nga lang di kinakaya ni baby kaya bumababa ang heart rate nya kaya ayon ecs ang inabot, akala ko matatapos na ang paghhirap ko, mas malala pa pala.. akala ko within 48hrs ay makakauwi na kami, kaso mga mima ang lola nyo hindi agad nakaihi 3x akong sinalpakan ng catether, nung unang tanggal nun okay naman nakaihi naman na ako kaso masakit kinagabihan di na ko nakaihi wala talagang nalabas as in kahit patak, lumagok ako ng 4Liters that night. kaso waepek lalong namintog ang puson ko halos mahimatay na ako sa sakit ng pantog ko.. grabe ang gabing yon sobrang saklap kaya kinabukasan nagdecide ulit ob ko na icatether ulit ako for 24hrs guminhawa pakiramdam ko nun.. 4Liters yung nakuha nilang ihi sakin 😅 akala ko maaalwan na ako, after 24hrs tinanggal ulit catether, pero after 6hrs kahit ihing ihi na ako wala pading nalabas.. mygooood another stress nanamn.. halos tawagin ko na lahat ng santo para lang makaihi ako pero wala talaga, kaya si ob nagcontact na ng uro para macheck ako wala naman daw akong infection or else, msyado lang daw nastress bladder ko kaya suggest nya na mag catether ako for a week.. mga mimaaaa depressed na ko nun umuwi akong may sukbit na catether, sobrang hirap.. gabi gabi naiiyak ako kasi di ako makakilos ng ayos, di ko maalgaan nb ko.. then etong araw lang, ang balik ko sa uro, sabi nya trial tayo, tanggalin na natin yan.. at naniniwala syang makakaihi narin naman daw ako.. kasi 1 week is enough na daw yun at nakatake narin naman ako ng uriflow.. and di talaga ako umaalis ng ospital hanggat wala akong inilalabas na ihi, uminom ako tubig, mga 4 lagok.. 😅 then nagstay ako sa cr for 30minutes, malapit na ako mastress nanamn dahil may pakiramdam nakong naiihi pero di ko mailabas.. mejo iniri ko ng onti may lumalabas na naihi.. mejo naalwan ako, then 2nd try ako ayun may lumabas ulit pero need padin ipush so nagdecide na ako umuwi.. uminom ulit ako 1 glass of water then try ulit umihi, may lumalabas na although need mo ipush padin and sana magtuloy tuloy na ang pag ihi ng normal, trauma talaga sakin yang catether nayan.. and i hope di na ako masalpakan dahil sobrang hirap, if ever, kung meron mang same case ko dito, hopefully makaihi na tayo ng normal.. 😑
Đọc thêmNung umaga nagpacheck up ako kasi weekly na check-up pagmalapit na sa due date diba? Pinaalis ko pa asawa ko papunta Batangas kasi may trabaho siya. Di ni siya pumasok ng umaga kasi akala niya manganganak na ako. Nung pinaalis ko siya ng tanghali nasakit na tiyan ko. Pero natitiis pa naman. Pero nung tuluyan na siyang umalis sunod sunod na paghilab. Magkachat pa kami habang nahilab haha. Tapos natiis ko yung sunod sunod na sakit hanggang 4pm. Yung biyenan ko nagluluto ng meryendahin na saging, sabi ko titiisin ko pa kasi gusto kong kumain ng saging hahaha. Tapos sinilip niya ako sa kwarto nakatuwad na ako sa may cabinet. hahaha Eh di ayun na nga hahaha. Tanong niya sakin kung kaya ko pa daw, sabi ko medyo po. Pero nung lulutuin na niya yung huling salang nung saging tinanong niya ulit ako sabi niya kung kaya ko pa daw sabi ko hindi na pumunta na kami sa lying in haha. Tapos pagpunta nga namin dun. In-IE pa ako. 5cm pa lang daw. So kami nagantay pa kasi medyo maliit pa daw ang lalabasan ni Baby. Ang sabi tumagilid daw ako para hindi masyadong masakit pero hindi ko matiis hahah. Bumababa ako sa kama kapag nagcocontract halos hindi ko na pinansin kung madulas ako o hindi. Basta makababa lang hahaha. Tapos dinala ako sa anakan na talaga. Wala pa daw hindi pa daw pumuputok ang panubigan kaya pinahiga muna ulit ako sa room. Tapos hiyang hiya pa ako kasi nakabukaka ako na parang umiire pa rin. Tapos tinitingnan nung midwife everytime na naire ako. Nakakahiya talaga pero wala na akong paki basta makaanak na tapos nung nasa anakan na ako. Hindi pa rin lumabas si baby. 4 hrs akong umire at sa wakas nailabas ko ng normal si Cane. Thank you hahahaha
Đọc thêmSchedule for check up 9AM tapos di na ako pina uwi dahil iccs na daw ako, nung una ewan ko parang di nag sisink in sakin na manganganak na ako, di naman ako kinakabahan ng mag fill out ako ng form ko. si hubby nasa work pa nun nung tawagan ko na manganganak na ako para pauwiin na. pero nung dinadala na ako sa OR, parang natakot ako mga mamii, ganun pala yun, mapapadasal ka talaga. makikita mo yung lugar sa OR. ang lungkot na ewan na nakakatakot, yung tipong mag isa ka lang (although may mga nurses at docs) yung ibig sabihin na mag isa eh, yung mga mahal mo sa buhay di mo kasama di mo masilayan di ka masamahan, kasi harapin na natin, di natin alam ang pwedeng mangyari, (sabi nga nila sa pag manganganak ka yung isang paa mo mamii nasa hukay na) mapapadasal ka talaga sa lahat ng santo na sana makalabas kayo ng maayos ni baby sa lugar na yun. hindi din ako natulog nun, gising ako all the time alam ko lahat ng nangyari hehe, 1pm nasilayan ko na si baby. kahit sa resting room gising ako. natatakot talaga ako na matulog hehehe @5pm nasa room na ako kasama ko na si hubby, ayun, di parin ako makapaniwala na tapos na hehe nakatulog ako madaling araw na. First time ko nga pala maconfine sa buong buhay ko yun lang na manganganak na ako. kaya ganun. hehehe.
Đọc thêmnag grocery kmi ng asawa q tas sumamaloob q dahil sa toothbrush hahaha kc gusto q na palitan sabi nya wag na daw haha pag uwe nmin sama tlga ng loob q pag ihi q may kasama ng dugo 6pm un tas pumunta na kming hospital sabi umuwe daw muna q at matulog dahil malayo pa daw kea umuwe kmi pero ndi na q nkatulog kx humihilab na at sobrang sakit pag dating umaga 7am pumunta na kmi ng hospital tas nilagyan na q swero 2x aq tinurukan ng pampahilab at 2x pampanipis ng cervix inabutan pa q ng gabi ulit ng 6pm tas pinilit ng putukin panubigan q sa loob khit hindi sya bumababa at wlang pag improve qng ilang cm na tapos 7pm na pag desisyonan ng ics aq lalo nat wlang tlga ayaw nya tlga lumabas don kea pina pirmana kmi for cs 2021 ata namatay ob q nag palit na q hospital 7 yrs din now buntis aq ilang hospital na napuntahan at nag check sakin ndi daq tlga q mag n normal dahil maliit sipit sipitan q ung 1st baby q ay 2.6 lang hahahhaha anliit nya tlga tas butot balat pero hindi q mailabas at ayun na nga 27 hrs aqng nag labor whahahahahah
Đọc thêmon my experience,38wks na ako nun.pag bangon ko nung umaga,my bumulwak na tubig.nagulat Ako,sabi ko d naman ihi.nagprepare pa ako para pumasok sa office,kinuwento ko sa kasama ko.namura pa Ako bakit daw pumasok pa ako e ,sign na yun na aanak na.after lunch pa ako pumunta sa hospital.wala akong nararamdamang kirot,tinurukan na nila Ako Ng pampahilab.at dun na nagsimula ang sobrang sakit.11hours labor,namonitor nila na tachycardia na si Baby.Emergency CS na,sabi ko sa OB.Doc kakayanin ko to na e normal delivery.pinagalitan nya ako,wag ko daw ipilit ang gusto ko.kaya ko daw pero dna kaya ni baby.kaya yung 30mins preparation lang,then nagstart na ang operation.parang dko pa matanggap na binibiyak na nila ako.sabi ko pa noon,Doc bakit amoy sunog.sinusunog nyo ba Ako😂
Đọc thêm37 weeks 2cm na ko pero inabot ako ng 39 weeks na stock sa 4cm kaya nag decide na midwife na induce ako para di mapoop si baby sa loob, so ayun 10am or 11am dextrose na ko ng gamot, kinakaya pa yung hilab, nakakapag chat pa ko, 1pm pinutok na panubigan ko para makita kung nagpoop ba si baby, pero clear pa tubig, at yun na nga, di ko na kinakaya sakit pero dapat sa maliit na upuan ako nakaupo, gustong gusto ko na humiga, tapos mga 2 or 3pm sumugod father ko sa lying in, gusto ako ipadala sa hospital. HAHAHAHA Nurse kase sya at may pinsan ako na doctor kaso ayoko talaga sa hospital kase baka i CS ako. Tapos sabi nung midwife pag di pa ko nanganak ng 5pm emergency CS na. Pero thank GOD pag dating ng 4:30 nag 10cm na ko at labas agad si baby ❣️
Đọc thêm4 39am nag leak na panubigan ko.. nagpunta na ako agad sa ospital . in Ie ako 2cm plang then dna ako pinauwe , sinweruhan nako at habang iniswab ako . bglang lumindol kala ko nag hhalucinate lang ako ,yun pla tlgang lumindol. tumagal dn xia ng ilang minuto.. 15hours labor. 4x tnurukan ng pampahilab.. 3x akong nagpoop ayaw parin lumabas ni Baby,. todo ire na gnawa ko pero nka stock lng tlga xia ayaw parin bumaba ng tyan ko. kaya ayun emergency labor na.. grabe napunitan pa ako at subrang sakit nia. sa pag count ng 1to 10 d tlga ako huminga. at finally nkalabas na c bb..kala ko tpos na kaso mas masakit ang tahi.. subra akong dinugo..
Đọc thêm40weeks na ako nun last year di ako makatulog hanggang umaga pabalik-balik saket ng balakang ko labor na pala hahaha pagka-IE 1cm palang stock na ako ng 2weeks ininduced na ako grabe sobrang saket ng labor 🥲 nagwawala na ako 3 doctor na humahawak saken iniire ko pa wala na akong pake kahet poop na lumalabas saken sabe ko doc ayoko na sabe nya ayan anak pa 😂 after 2hrs 9cm na di ko naramdaman lumabas si bb kase epidural rin ako nakapoop na sa loob buti di nakakaen 😅 nakakatrauma mi haha 1year old na baby ko ngayon ☺
Đọc thêmAfter lockdown, 37W1D na ako first weekley check-up namin kay OB. pag IE nya saken 4cm na. 2pm admitted na ako sa hospital. Wala kasi ako naramdaman na pai through out my labor time. Pag dating ng 7am the next day 7cm na yata ako then pinutok ni OB ang panubigan ko. Tpos feeling ko matatae na ako (cup noodles lamg kinaen ko for dinner at bfast). Natae ako 2x habang 10cm ako hahaha Then Nanganak ako 9am via NSD. Hoping na sa 2nd baby namin madali lang at NSD padin hehe
Đọc thêmpumutok panubigan ko 1:47am. sa public hospital ko talaga piniling pumunta kasi pag sa private malamang maging cs. Nag active labor 5:30am, dalawang beses tinurukan ng pampahilab. 6:04pm lumabas si baby via normal delivery. grabe yung pain sa labor pero lakasan lang talaga ng loob lalo na pag sa public manganganak di tulad sa private na todo asikaso.
Đọc thêm
Excited to become a mum