Need some advise...
Mga mommies. Ano ba ang tama or dapat sa isang household? Mas lamang ba dapat ang shineshare ng husband or dapat hating hati ang pag share natin sa gastusin? Parehas kaming employed ng husband ko. Halos parehas din ng amount ang sahod namin. Mas lamang lang ang bayarin ko kasi obligado ako na tumulong kahit papaano sa magulang ko dahil wala na silang income. As the eldest daughter, kagustuhan kong magbigay kahit papaano. Pero sya, kanya lang ang sahod nya at hindi obligadong tumulong sa magulang dahil parehas pang may work ang magulang nya. Simula naging mag bf/gf kami, never ko sya pinagastos na sya lang at lagi kaming share kahit sa mga date at mga travel namin. Kahit sa kasal ay hating hati ang pag cocontribute namin ng budget. Minsan sumasama ang loob ko kapag kahit bente or limang piso ay kailangan ko padin bayaran sa kanya everytime nakakahiram ako ng pera or nagpapaabono. Ngayon ay magasawa na kami. Gusto ko lang malaman kung dapat parin bang patas lang ang share namin para sa expenses or hindi naman masama na mas sumobra ang icontribute nya? #advicepls