Stressful day
Kagabi sobra akong nastress sa partner ko. Napuyat, nalipasan ng gutom at umiyak magdamag. Parehas kaming stress kasi malapit nako manganak but still wala pa kaming ipon. Pero sya pinipili nya pading sumama sa barkada nya at uminom. Uuwi ng madaling araw na wala akong idea kung nasan sya. Wala man lang text or chat. Laging ganon di naman sya nambababae 'sabi nya'. Gusto ko lang naman na unahin nya muna ko ☹️ kahit ngayong buntis lang ako ayoko mastress pero ganun lagi nyang ginagawa ☹️☹️ ano ba dapat kong gawin? Pag sinabihan ko naman sya sasabihin nya nilalayo ko sya sa mga kaibigan nya which is not true kasi pinapayagan ko sya ang sakin lang limitation lang gusto ko kasi magkakaanak na kami pero lagi nyang pinaparamdam na mas mahalaga kaibigan nya kaysa samin ng anak nya ☹️😥 pero di nya ko naiintindihan sobrang baluktot ng katwiran nya ☹️sasabihin nya kaya sya umiinom kasi nanghihingi sya ng payo pero diko makita saknya na nagsisikap sya na makaipon man lang. Or sumadline imbis na uminom sya. Same kaming may work pero di kami makaipon ipon kasi nasa pudar kami ng magulang nya halos buong sahod namin sa bahay nila napupunta. Nakakastress. Naaawa ako para sa sarili ko at sa anak ko ☹️ Sorry for sharing this masama lang talaga loob ko mga mommies.
Excited to become a mum