Usapang Pera

Hello mga mommies. Curious lang po ako kung binibigyan kayo ng hubby nyo ng pera tuwing sumasahod sila? Share ko lang din po iniisip ko. Both working kami ng hubby ko. Every 15 abg sahod namin. Estimate na salary is 8k each. Eto po ang break down ng sahod nya: 3000 kay baby (milk diaper bayad sa alaga) 2000 budget nya sa work Excess sa mama nya na Eto po budget ko sa sahod ko 3000 kay baby (milk diaper bayad sa alaga every sahod po tig 3k kami) 2000 grocery sa bahay since wfh ako 1900 wifi Excess savings namin. Hindi po kasi ako kasali sa budget ni hubby kaya medyo masakit din dahil ako ang asawa nya pero mas nauuna nya pa ibigay ang pera sa mama nya. Kahit po ang budget bya para kay baby di nya po ibibigay kubg hindi ko hihingiin 😔 Ang sakin po okay lang naman po sya magbigay sa mama pero wag naman po lagi (?) Tama po ba? Ilang beses ko na po inoopen sakanya kaya labg dedma lang sya. Nahihirapan po kasi ako magipon. Ang sabi nya noon bago kami ikasal mag iipon kaming dalawa para sa bahay namin (nakatira po kami ngayon sa parents ko medyo nahihiya narin ako kasi tinatanong na din ako nila mama kung kailan namin balak magpabahay.) Any suggestion po or ways para mas mapag usapan namin ng maayos ang hatiaan sa sahod or tama na po yung gantong set up? Please help po. Wala pa kaming sariling bahay neto pano nalang kung bumukod po kami parang ako lahat gagastos 😔

83 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Napapasana all na lang ako sa inyo mga mommies. Author here. Sadly 1 month na siguro nakalipas. Walang change samin ni hubby. Mag tatry ako mag open up pero wala deadma. Ngayon gipit ako sa budget dahil pati pambaon nya sakin nya na hinihingi di ko man sinasabi direvtly na kulang na ang budget minemake sure ko na nakikita nya. Halos almusal ko hindi na ko makabili naawa ko sa sarili ko kasi parang nanlilimos ako. Kahit sa bpo ako nagtatrabaho maliit po ang sweldo ko chat support lang ako at kaka 1year lang sa company. Pilit kong pinagkakasya lahat para sa anak ko. Ngayon nakikitira pa kami sa magulang ko. Sinabihan na sya ng tatay ko na magpatayo na kami ng bahay dahil may lupa naman kami abaaaa ang gusto ata ay 5k lang sakanya at sakin na 25k (30k budget para sa kubo kubo na gagawin) dahil may paglalaanan daw sya ng 13th month nya. Kahit alam ko naman na sa nanay nya lang ibibigay yun! Opo alam ko na di masama magbigay sa magulang kaya lang may kapatid sya ma dun nakatira sa kanila. Hindi nakikishare sa bayad ng upa samantalang sya na nanditio samin maybshre pa sya dun. Pati yata budget ng anak ng ate nya sya nagbibigay jusko po. Tapos ang ate nya ayun bili bili lang ng alahas ng aircon pero putangina sorry sa mura mga anak nya di maintindi. Kupal. Healthy po ang mama nya at papa nya maybyrabaho. Di ko alam dahil may pagma mukhang pera ang mama nya. Masama man pakinggan pero ayun ang totoo. Di ko alam kung ako ang may mali o silang mag kakamag anak ang may problema Kaya sana sa iba dyan na makakabasa neto sana pagisipan nyo maigi bago kayo magpakasal. Eto palang gusto ko na sumuko dahil putangina ang sakit sa dibdib para kong mababaliw para kong pulubi na nanghihingi na dapat naman hindi. Hindi lang pera ang involved pati tiwala na ququestion. Oo may sama ko ng loob sa Mil fil sil kahit ano pang tawag sa in laws na yan dahil pakiramdam ko sila may kagagawan kung bakit naging ganto. Dahil in the first place kung hidni sila umaasa sa asawa ko at di nila inoobliga hindi mabuburo yung isa. Salamat po!

Đọc thêm

sakin po binibigay lahat pati atm.. un nga pag kakaiba naten di ako nag wowork pero raket raket lang hihingi lang sya ng baon nya at papabili ng gusto kung kaya ko bigay... sa totoo lang dapat pinag uusapan nyo ung hatiaan sa pera eh dapat kalahati ng sweldo ng asawa mo binibigay seo, at dapat di n keo nag bibigay sa parents nyo kasi di nyo na sila obligasyon pwera nalang kung talagang kailangan ok ang minsan na pag aabot sa magulang wag yung every sweldo kasi may pamilya na tayo sabi nga ng nanay ko sakin tulungan mo kmi pag ok na buhay nyo kasi ayokong pati kami maging pabigat sa inyo ganun din biyenan ko.. kaya nakapundar kmi ng bahay at sasakyan dhil sa gusto nila kami umasenso muna.. ngayon kung nakatira keo sa parents mo dapat mag bigay keo talaga dun.. kasi nakakahiya kung hindi pero ang gara lang n magbibigay din sya s parents nya para patas kasi nagbibigay ka din s parents mo... asawa ko una ganyan ayaw bumukod only child kasi eh, wala ako magawa kaso naiisip ko pano kami makakapamuhay ng kami lang pano nmen malalaman yung buhay na mag asawa kung di kmi bubukod di sa selfish ako dhil nag iisang anak sya ang gusto ko lang tumayo sya sa sarili nyang paa kasi bumuo n sya ng pamilya eh dapat panindigan nya diba. lagi ko nun sinasabi "palibhasa kasi di mo kami kayang buhayin kaya gusto mo libre tirahan mo patunayan mo na kaya mo kaming buhayin" lagi ganun ako, buti nga di nag sawa sken ako pa din pinakinggan. bigyan mo lang time tapos tanong ka anu balak nya paglabas ng baby nyo kasi nakakahiya sa magulang mo kung mag tatagal p keo jan sana kmo mkapag bukod kayo para maramdaman nyo buhay ng mag asawa di ka kamo nag mamadali makapanganak ka lang at bago mag 1yr yung bata o after pwede n keo bumukod.. 😊 wag mo stressin sarili mo dadating din yan

Đọc thêm

Ganyan ang nakikita ko na mangyayari sa future eh... Di naman sa minamasama ko kaso sakin kasi dapat priority na kami ni baby di ba?.... Na istress ako kasi onti onti ng nababawasan ipon ko para samin ni baby.. Nagbigay naman si hubbyF ko sakin ito lang last week 1k pambili ng vit at anmum... Pero the rest ako na naman like bukas papabilinna ulit ako ng anmum 😭😭... Kaya gusto ko na bumalik sa trabaho namin eh kasi ipon ko unti unti ng nababawasan pati yung sa ayuda ko fr sss ubos na 😭😭😭... Sya nakapagpadala pa sa kanila ng 5k galing sa sarili nyang sss dahil daw mag b-birthday mama nya😭😭 sabi naman nya sakin this comming june24 uts namin at checkup ni baby sya naman daw sasagot🙏🙏🙏🙏Ok lang magbigay wag naman lagi lalot may mga kapatid pa sya(lalo na kapag nakikita ko na maluluho pa mga kapatid nya) pero kung si mother ni hubby mo ay mag isa na lang sa buhay ok lang siguro sis na lagi magbigay si hubby..... 😉.... Anonymous muna ako baka may makakita lang mapasama na naman ako... Nagkaron na kasi ako ng issue sa kanila dati eh akala nila kaya di nakakaipon anak nila kasi maluho ako lingid sa kaalaman nila sila itong dahilan kaya di nakakaipon anak nila.. At mas marami pa ko ipon sa anak nila.. Pero never naging usapin sakin ang pera until nung pinagisipan nila ako ng masama... Masakit yun mom😭😭😭😭 Kaya gusto ko lagi ako may sarili kung pera eh ayan ang kabilin bilinan ko sa kanya... Kahit may anak na kami magtatrabaho pa din ako at unang una ayoko masyado umasa sa kanya hanggat nakikita ko kung magkano ang mga pinapadala nya😭😭😭

Đọc thêm
5y trước

Parang in same situation tayo mommy. Yung mama ni husband po healthy yung ate nya nandun nakatira sa parents. May 2 anak yun. Balita ko marami yung pera ngayon dahil nakakiha ng ayuda pero di sya nagbibigay sakanila. Ang masama pa po yung 2 anak nya gastusin pa ng mama ni hubby. May 2 pang maliit na kapatid si hubby kaya feeling ko di man direct na ate nya ang problema may ambag din sya dun sa isipin ko dahil kung nagbibigay sya dun sa nanay nila edi sana hindi sa hubby ko lahat asa

Ako po naghahawak ng atm ng asawa ko. Ako din po nagbubudget sa lahat ng gastusing sa bahay. But sadly walang work asawa ko since pandemic ngayon. Good thing may sahod padin ako sa company kahit di ako makabalik sa work since buntis ako. Nakakapagipon pa nman ako at nakakabayad sa bills. Mommy mas maganda po na unahin mo itabi ung para sa savings tapos the rest yung budgeting(like 500-1k per cutoff) . Para hindi na cocompromise yung savings nyo. And di mo po masisisi si partner mo kung nagbibigay sya lagi sa parents nya, baka kasi sya lang din inaasahan ng mga magulang nya or sya yung panganay pero kausapin mo sya na wag nman yun yung ipriority nya since meron na syang sariling pamilya. Ok na siguro yung once a month makapagbigay sya dun. Since wfh ka nman po, baka pwede na hindi nlng kayo kumuha ng taga-alaga ng baby nyo para makatipid na din at maidagdag sa savings yung extra money na pambayad sana sa taga alaga. Just saying 😊 basta ang thinking ko po kasi lagi, SAVE BEFORE YOU SPEND. kaya kahit pano may nahuhugot ako kapag may biglaan pagkagastusan. Sana makahelp po ung suggestion ko 😊👍🤗❤️

Đọc thêm

sorry sis pero hinde ideal yan ganyan😢 . ang mag asawa kelangan na humiwalay sa parents pati gastos. dapat build your own family and home na since may baby na po kau. dapat hati kau sa mga gastos ng mga bagay na hinde pang personal. Ako actually hinde ako nanghihingi ng pera sa lip ko kahit n magkakaanak na kame, may times lang pero pabiro lang un or pangmerienda mga 100 pesos barya barya lang😅. pero pareho kame naginnsist na magkaron kame ng monthly savings (and account), savings para kay baby, at 50/50 sa lahat ng gastos sa bahay (mandatory un).. mag 7 years n kame pero never ko binantayan sahod nya at lalong wala ako balak kunin ang ATM nya😅. asan nalng ang pagiging padre d pamilya nya kung kukunin ko lahat ng dapat ii obligasyon nya.. sapat na saken ung tulungan kame, hinde ko iniisip ung mga extra money na ibigay nya sken as a reward hinde ako nagdedemand nagwowork ako at pinuprovide ko un sa sarili ko.😊tamang pag uusap at agreement lang sis..stretch your budget base on your set of priorities as a family. work as a team😊. masaya ang pamilya sis lalo na pag hinde pera ang laging issue..

Đọc thêm

Excess sa mama na nya? Pwde naman magbigay kc kung naaawa sya or kung ano man ang reason nya. Wag naman buong excess kc dapat ang excess sa savings napupunta. Kausapin mo hubby mag bigay ka ng breakdown ng budget nyo, timeline kung gusto nyo magkabahay halimbawa after 5yrs dapat may bahay na kayo. Para mas may goal ang savings nyo kung magkano ang kailangan para sa goal nyo. Sige sabihin na natin wala ka sa budget edi ok, pero yung goal nyo na bahay andun dapat. Magbigay kung meron at kung kaya pero isipin pa din ang pamilya kc hnd naman panghabang panahon na makikipisan kayo. Tanungin mo sya, kelan ang target nya sa dream house nyo? Or kelan nya target bumukod as in date (i mean year), wag yung kapag may naipon na kasi kelan pa yun? Kung hnd nyo aayusin ipon at budget nyo? Para within 5yrs (kunwari lng na range to) may patutunguhan ang goal nyo. Kausapin mo mommy. Mahirap mag budget mag-isa. Mas nakakahiya tinatanong na kayo kung kelan nyo balak magkabahay. Though parang innocent question naman sya, no hidden meaning, or hnd napaparinig. Sensyales na yan mag set na kayo ng target range.

Đọc thêm

Sis,upuan nyo po yan..mag usap kayo ng masinsinan..baka po kasi kapag kinakausap mo sya or sinasabi mo sa kanya ang bagay na yan e busy sya,or papasok na sya sa work kaya nadedeadma..saka mahaba habang usapan po yan kc involve ang parents..on the other hand kung tutuusin dapat priority na nya is kayo..kasi kayo na ang pamilya nya,magbigay paminsan minsan sa family ok lang..hindi masama pero wag naman lagi..wag naman madalas..kasi may sarili ng pamilya..kausapin mo po ng maayos..hindi po tama yung ganyang set up..for me lang po ha?!kasi ang asawa ko sa totoo lang mamshie hindi ko kinukuha atm nya,hindi ko rin alam kung magkano sinasahod nya,at hindi ko nahahawakan sahod nya..never..ever since..hindi ako nakialam ng sahod nya kc I know that he is responsible enough para maisip na marami kami gastusin lalo ngaun dalawa na baby namin..isang 9 and 2months old..alam nya mga dapat nya bilhin,alam nya needs namin especially ng mga bata..kaya no need ng sabihin sa kanya yon..dapat matik na..kasi may anak sya..😉sana maayos mo yan mamshie..goodluck!

Đọc thêm
Thành viên VIP

Never po ako binigyan ng pera ni hubby pareho kameng working at hinde na din po siya nagbbigay s parents nya since nag move out kame. Nagbbgay siya nuon s dad nya kasi same house kme so nag aabot ng share nya sa bahay. Kht hinde ako binibigyan ni hubby, lahat naman po ng request q pag nagpabili ako binbili nya hehe. Tapos nag bbgay din siya sa mama ko at ako din (kasi naghehelp po mama ko sa pag bantay kay baby nahihiya naman kame wala kame yaya e) My bank accnt kame na naghuhulog kame dun monthly pang ipon my mga savings accnt dn. Pero medyo natagalan dn ako bago ko siya mapilit mag ipon mga lalake kasi tlaga e tagal mag mature.. Pero ok n ok n ngayon nagtyaga tlaga ako sa pag reremind. Naghatian dn kame sa mga bayarin s bahay pero dahil mas malaki sweldo nya mas malaki ang share nya. Alam ko dn naman laman ng bank nya at remaining budget for the month kaya no issues samin. :) Pag usapan nyo sis.. May nanyare kasi smin nuon na cguru nagpaliwanag sa isipan nya para makapag ipon. House din target namen now naghahanap hanap na din.

Đọc thêm

Parang nahihirapan ako sa sitwasyon nyo mommy😊..Hindi ko nman alam ang sitwasyon kaya hindi ako pwedi mag judge..Para sa akin, makakaipon kayo dahil pareho kayong maytrabaho dapat kasi may breakdown kayo sa sahod nyo for savings para makapagtayo kayo ng bahay.Hindi nman masama magbigay sa magulang kung my extra dapat may priority kayo sa sahod nyo..Dapat nyo pong pag usapan nyan nakakahiya din makitira sa parents lalo nat mag asawa kayo at may trabaho pa kayo both😊. In my situation po momshie lucky din ako hindi pa kami kasal ng bf ko magkakababy palang kami huminto na ako sa work 1 yr.na pinag open accnt nya ako para every sahod nya meron din sakin.Think positive lang tapos pray kapo mag usap kayo ng nasa goodmood kayo para maayos..

Đọc thêm
Thành viên VIP

Ikaw lang nakakakilala sa partner mo momsh. Kaya ikaw lang may alam panu siya iapproach. But about sa budgeting.... 🤔 Why not alisin mo ang budget niyo sa nagaalaga.. tutal nakikitira ka sa parents mo. Why not makiusap ka na sila muna? Needs or wants? Ano ba ang net / internet? Kailangan mo ba yan everyday? Work from home ka? Kung ako sayo ipaputol mo na yan.. Dagdag gastos lang kasi yan.. pwede ka naman mag-data. Sa panahon ngayon. Mas lalo na ang minumum wage earner kayo. Mas maganda siguro na may sideline kayo? Hindi panay asa lang sa sahod? About your partner. Giving money to his mom. In our culture. Matik ang pag bigay ng pera sa magulang. Live him be. Mas lalo na't di naman pensionada yung mom niya. ✌just saying

Đọc thêm
5y trước

WFH. Pero 8k ang sahod. Amazing. Anyway, idk the details. I'm just suggesting s***. BtW. Who are you? You the one who posted this?