Hi mga mommies 1st time mom ako and 6 weeks preggy. Ilang weeks ba bago dapat magpacheck up?

Hi mga mommies 1st time mom ako and 6 weeks preggy. May heartbeat na po ba si baby pag 6 weeks?

16 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

ako momsh nag pt ako 1week delay pa lang ako. 3 times nag positive. so nagpacheck up agad ako. according sa computation ng OB base sa last regla ko nasa 5weeks na ako. then binigyan ako ng request for transV. pero sabi ng OB sakin,, the following week ko na ipagawa kasi baka wala din makita.. nagpatransV ako 6 or 7weeks pa lang ata ako nun. then doon naconfirm ung pregnancy ko. pero even before ako magpatranV. umiinom na ako ng folic and obiminplus

Đọc thêm

Pa-check up ka na po agad momsh para maresetahan na kayo ni baby ng meds to ensure a healthy pregnancy ✨ yung doctor po ang magsasabi kailan ka isched for TVS, it will depend on your initial consultation and medical history. Iba iba po ang bodies ng mga mommies and iba iba din development ng babies, pero may iba pong around 5weeks pa lang may heart beat na si baby meron din naman 8 weeks and mas later pa po ata madetect.

Đọc thêm

6 weeks din po tiyan ko nung malaman kong buntis ako. After ko mag positive sa PT dumiretso ako agad sa OB hehe excited much po e. Niresetahan po ako ng folic acid then after 2 weeks pagka 8 weeks ni baby schedule naman for tvs doon ko po first time marinig heartbeat ni baby ❤️❤️❤️ now po 16th week na po ako nafifeel ko na po yung fetal movements ni baby ☺️❤️❤️❤️

Đọc thêm
2y trước

yes normal po. ang totoong bump po lilitaw daw 20 weeks pa sabi dito sa app. kahit now po yung tiyan ko @ 16 weeks minsan malaki akala ko baby bump na pero biglang lumiliit bloated lang po pala. Pero depende pa din po sa katawan.

Pacheck up kana kaagad, and then OB mo na magi schedule kelan ka magpapa tvs para macheck if may heartbeat na baby mo. Ako pagkapositive, kinabukasan nag pacheck up na ako, tapos pinag tvs na din. 6 weeks na din ako nun and may heartbeat na. Doon mo din masu sure kung 6 weeks kana ba talaga, pwede din kasi na mas early or late na yung pregnancy mo.

Đọc thêm

6 weeks po ako nung nalaman kong buntis ako gamit pregnancy test. Nagpa tvs/check up po agad ako, may heartbeat na nun si baby, pero pinapabalik ako pag nasa 8weeks na para macheck yung progress ng heartbeat ni baby. At dahil lagi akong nakakaramdam ng mild cramps before ako nagpacheck up, niresetahan ako at pinagtake ng duphaston for 1 week.

Đọc thêm

hello po, ako 7 weeks pina trans v na ng ob ko may bb at heartbeat na hehe..nalaman ko na buntis ako 6 weeks na first check up ko then nag pt. niresetahan gad ako folic acid food supplement and anmum milk.para matibay ang baby.😇😇🙏🙏

hello mi, hindi kapava nakakapag pa transvi? Ayon yung unang steps e. then pag okuy na ung result ng trans v mo. punta kana ng clinic para mabigyan kana ng prescribed ng doctor or midwife para sa mga Vitamins mo at ni baby. --

2y trước

naka schedule palang po ako ng check for tomorrow. thanks po

pacheck up kana mie.. ako 8weeks si baby nung nagpatrans v ako.. may heart beat na pero mahina kaya pinaulit after 2weeks. and naging normal naman na.

yes po. ,6wks and 2days si baby nung nagpacheckup ako after ko magpositive sa pt. and may heartbeat na sya that time, super saya sa feeling.😊😍

same ftm 5w6d ako nung natvs and yes may heartbeat na ganun kaaga pero di naman tayo pare pareho meron around 8w pa nakikita