Fetal doppler
Hello mga mhie! Twing kelan nyo po ginagamit ang fetal doppler nyo? 18 weeks na po tummy ko bukas and nag plan pa lang bumili. Thankyou
hi mamsh, i would suggest na wag ka nang bumili if not recommended ni OB to avoid anxiety at worry. based sa experience ko, nirecommend ni OB, marunong kami gumamit ng doppler, magidentify ng different sounds pero mas panatag pa rin kami ni husband to do ultrasound monthly (since I have stillbirth ba mby sa 1st ko) always go to your prenatal check up, have your ob's contact number for any queries, be healthy, trust/ talk to your baby at pray lang. pero it is always up to you pa rin, suggestion ko lang naman ito :) Godbless.🙏
Đọc thêmFtm here, nasa 18 weeks pataas din ako nagstart gumamit ng doppler. Ginagamit ko lang siya if hindi magalaw si baby sa loob or kapag may kaiba akong nararamdaman sa katawan ko pero once lang sa isang araw either day or night and less than 5 mins lang. For me, useful siya esp sa mga ftm lalo sa case mo na ikaw lang mag isa if may time na hindi ko madetect hb niya kinabukasan ko chineck ulit at iwas overthink na din kapag less yung fetal movement ni baby kasi machecheck mo hb niya anytime.
Đọc thêmThank you mga mommy sa mga reply nyo. First time mom po kasi ako kaya madalas talaga mag worry ako lalo na’t araw-araw nasa work si partner and hindi ko pa sinasabi sa relatives and fam ko na preggy ako kasi para iwas muna sa pressure and all. Monthly ang check up ko kay ob may times lang talaga na lagi akong nag woworry dahil nga first time ko mag buntis and wala pa akong experience and wala akong nakakausap dahil balak ko next next month pa ipaalam. ☺️
Đọc thêmAko po bumili ng doppler. 12 weeks palang. Ginagamit po namin 1-2x a week. Aware ako na mahirap hanapin ang heartbeat ni baby kaya pag di ko po mahanap, okay lang, some other day nalang ulit. First na nahanap po namin siya 3rd try na, sobrang saya po namin at kampante kasi matagal pa yung next pre-natal check-up. Simula non sobrang saya namin pag naririnig siya, alam na rin namin kung saan banda hahanapin.
Đọc thêmDi na ko bumili ng ganyan momsh. Tiwala na lang ako kay baby lalo ok na ok naman siya every checkup/ultrasound. Mas at peace ako that way. Nasa 15k + din kasi medical grade na doppler, pag naman mumurahin lang binili baka magworry pa ko lalo pag di makadetect ng ayos or pag mali mali result.
ako po ftm din.gnyan din ako gusto ko bumili ng doppler kaya lng naisip ko bka mgka anxiety lng ako pg d nhanap.hnhnty ko nlng monthly check up ko.ska mamsh malapit mo nmn n sya mrmdaman e n gumalaw..ako po nun 18w and 4days ako nrmdaman ko n galaw nya.kaya sa galaw nlng ako bumabase now.
Hello mii ako po nung buntis ako every morning at bago matulog nagdodoppler ako para lang mapanatag ang isip ko, di naman daw po masama gumamit everyday ng fetal doppler sabi nung radtech na mommy din na nakita ko sa tiktok post so far okay naman baby ko 3 months na sya ngayon.
Tuwing kailan ko gusto. sabi ng OB ko safe naman daw siya gamitin nang madalas. Nung nasa early pregnancy pa ko, di ko siya madalas ginagamit para iwas paranoia. Nung sumisipa-sipa na siya, dun ko na siya madalas gamitin. ;)
I would suggest na dont buy doppler kasi baka magka anxiety ka lang kapag di mo mahanap ang heartbeat kasi need talaga trained yung gumagamit. Not unless alam mo paano gamitin
Wag ka na bumili niyan sis,mapa-paranoid ka lang.