PDE PO BANG MAGBUNTIS ANG MAY PCOS o MYOMA, CYST
Mga mamsh may possibility po ba na mgbuntis kahit may pcos or myoma/ cyst. meron po ba dito mga mamsh na nagbuntis n may ganyang cases po. Ano po ang ginawa nyo. pasagot nmn po at pa advice. salamat po in advance
Yes mamsh, pwedeng pwede po! Since college irregular na periods ko. Napabayaan ko weight ko for soooo long. Na-diagnose ako ng PCOS at 26 years old (34 na ako ngayon) kaya nag-on/off low carb diet ako and on/off exercise din. Pinag-pills ako for about 6 months pero tinigil ko rin after 6months and NEVER looked back (band-aid solution lang ang pills, trust me). Hindi ako nag-commit to a totally healthy lifestyle until last year (I was 33, just broke up with my bf of 3 years and losing hope na magka-baby pa). January of last year nahilig ako mamundok (buong taon kong inenjoy ang mountaineering). Nag-jogging ako mga 4x a week mula January to June. Come the rainy season (July) nag-enrol ako sa Pound for Pound Fitness (crossfit gym) and na-stop rin ako temporarily sa pamumundok at pagjjogging kasi nga panay ang ulan. But I went to the gym 4-5 x a week since then! Nag-low carb diet, cut sugar out of my diet, religiously took Vitamin E supplements, apple cider vinegar, and only drank MX3 coffee (paminsan-minsan brewed coffee, but never 3-in-1 kasi ma-sugar masyado). Ito pagdating ng January this year I met someone and grabe sis, feeling ko unang sex pa lang namin nakabuo na kami 😁 (gym buddy ko siya) -- please don't judge. I am now almost 4 months pregnant. Walang imposible, basta alagaan mo ang health mo. Idagdag ko rin na dapat healthy din ang partner mo para mabilis kayo makabuo. Partner ko kasi walang bisyo, adik sa gym, adik sa jogging, healthy eater at healthy living talaga. Sana makatulong.
Đọc thêmYES! na diagnosed ako ng PCOS way back 2015, pre diabetic, mataas cholesterol at irregular ako since nagkaroon ako ng menstruation. Ang dami ko ng OB na napuntahan halos lahat nag advise ng mag pills ako pero may isang OB sa med city na di nya ako pina take ng pills instead inadvisan akong magdiet ,eat healthy foods at gumana po yun. I also take USANA cellcentials as food supplement ko na syang nakatulong maging regular menstruation this past year. At nabuntis ako diko talaga inaasahan hehehe, my OB kasi told me d naman impossibleng mabuntis ang may PCOS medyo mahihirapan atvmatgal klang mag aanty pero mabubuntis ka po
Đọc thêmI was diagnosed with PCOS last 2014. Nagtry na km masundan ang anak ko nun pro no luck. Tuwing nagbubuntis ako namimiscarriage. Last yr ung pagraspa skn. Detected pa both ovaries na me PCOS. Nagdecide km na magiba ng OBgyne and uminom ako ng damong maria which is a herbal plant na nakakagaling daw sa PCOS. After a month, nagpositive na PT ko. Sa ultrasound ko left ovary nlng ang me PCOS sakn at 15wks preggy npo ako. 😊
Đọc thêmAko po may myoma ... multiple pa .. 9cm nung di pa ko buntis .. pero nag buntis ako and now 3 months old na baby ko .. ☺️ high risk yung pregnancy ko bed rest lang and bawal mag pagod tlga ... nag threatened abortion pa ko nung 3 months ako ... nanganak ako vis CS pero di pa din tinanggal myoma ko sabi pwede pa mag buntis ...
Đọc thêmyes pero mahirap magbuntis if may ganyan cases. mabuti kung magamot muna b4 get pregnant kase once nagbuntis ka na may ganyan cases baka delikado sa pagbubuntis m. just keep pray sis walang impossible sa God. me i had one ovary may pcs pa. i keep praying lng finally binigay ni God matagal kuna dinadasal sa kanya .☺️
Đọc thêmAko po may myoma. Nalaman ko lng nung buntis nko via trans v. Ok nman pregnancy ko hindi maselan kahit malaki yung size nung myoma. Hindi ako nakapag normal delivery. CS ako kc nakaharang yung myoma sa daanan ng baby. 6months na baby girl ko ngayon at healthy nman sya🙂
Yes. I was diagnosed with PCOS 4months after I gave birth to my eldest. Pinag pills ako ng OB ko but then sinabihan nya kami ng asawa ko na baka di na kami makabuo or mahirapan na kami. Luvkily, after 5 years nabuntis ulit ako. 3 months na ngayon bunso namin 😊
Yes po! Yes na yes in the Name of Jesus!!! Ako po bilateral pcos ko, twice pako nabuntis sa isang taon sad lang ung first baby namin miscarriage ako after 5 mos. Nabuntis uli ako at eto 26weeks na sya happy and active babysa tummy ko. Prayers talaga and faith.
I have pcos both ovaries plus dermoid cyst on my right ovary. And, I am currently 5 months pregnant. Done some tests pra mabuntis, about to take med ndin pru nabuntis na po ako hindi ko pa sya naiinom. 😊 God is just sooo good. 😇
Me po may mayoma.. Nalaman ko lng nung first check up ko via trans v.. Hehe super worried ako kc bka maapektuhan si baby sa loob ng tyan ko.. Pero thanks God ok nmn at nainormal ko p sya.. Turning one month n pla si baby 😊
❤mom of little munchkin❤