Body Changes

Hello mga mamsh, curious lang kung anong trimester niyo naranasan yung mga pagbabago sa katawan niyo? (Pag itim, pag laki ng ilong, pimples, stretchmarks, etc.)

46 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

1st trimester, pimples malala. Sa noo madami saka likod. Grabe din ang nausea sa 1st trimester. Medyo lumaki ilong ko pagtapak ng 3rd trimester pati stretchmarks super dami sakin. Medyo nangitim din ung leeg. Baby girl pa dinadala ko. Hehe

2nd trimester ko na kita mga changes sa akin like lumaki ilong ko tapos ang itim na ng singit at kili kili ko tapos nagkaroon na ako ng stretch mark sa boobs tapos parang umiitim ang leeg ko. By the way baby girl pala dinadala ko 🥰

sa pag itim, paglaki ng ilong, pimples, di ako makarelate kasi sobrang blooming ko while preggy hanggang manganak kahit boy ang baby ko. Pero sa stretch marks mga gitna na ng 3rd trimester ko (8mos) lumabas

ako 1st hanggang last trimester tadtad ng tigyawat hahaha pero hindi lumaki ilong ko, pag itim ng kilikili ko nung last trimester na at yung stretch marks lumabas nalang nung pagtapos ko manganak 😂

Stretch marks ko lumabas 8months.. pero yung itim ng leeg, batok, singit, kili2x 3-4months lumabas na hahha kala nila lalake anak ko pero babae.. malapit na umire sana makaraos na 🙏🏼😇

on my first born, umitim ang leeg ko at lumaki ang ilong ko on 2nd trimester. akala ko boy, girl pala. on my second born, lumaki lang ang ilong ko on 2nd trimester. girl ang baby ko.

nung nanganak nako lumabas stretchmarks ko tapos pimple nung malapit nakong manganak sa pag itim or laki ng ilong wala ganyan naranasan ko sa first baby ko nung 2017

ako mii so far Malaki lang tlga tyan ko hndi Rin maitim Ang part na sinasabi na iitim..nag elevate ako Ng paa Kya wla din manas.bby girl Ang dinadala ko 33weeks😊

Tinadtad ako pimple 1st trimester as in sobrang dami. pero nawala din ngayong 2nd tri. Yung sa stretch marks. Bili ka lang nung SunFlower oil. lagay ka lang daily.

2nd trimester ko non grabe tadtad ng pimples ko di ko alam anong gagawin ko stress na stress ako nun pero ngayong 3rd trimester na ko nawala na din naman