Body Changes
Hello mga mamsh, curious lang kung anong trimester niyo naranasan yung mga pagbabago sa katawan niyo? (Pag itim, pag laki ng ilong, pimples, stretchmarks, etc.)
The body changes I have are minimal lang po, discoloration sa neck, sa tummy, at kili2, nipple din umiitim ar lumalaki ang aerola.. Yan lang yung experience ko. Wala pa akong stretchmark going 35 weeks na ako. Hindi kasi ako maputi, kaya yung melanin ko during pregnancy more likely parang freckles lang dating. May pimples ako nong 1st trimester pero sa likod lang, wala sa mukha, never ako nagka pimples sa mukha every pregnancy. Hindi din lumalaki ilong ko, baka sa genes din kasi, my mother and sister hindi lumalaki ilong nila, wala din stretchmark mama ko, 5 kaming lahat shocked nga ako kinis ng tyan hehe
Đọc thêm1st trimester pimples malala . Pagtungtong ko nang 2nd trimester nawala ung pimples pero nag start umitim ung leeg at kili kili ko. Nagstart na rin mangamatis ang ilong ko hahh and grabe ung pulikat ko evwry morning .Then ngayong nasa 3rd trimester ako ,ewan ko ba bigla nangangati ung buong katawan ko pati ung tummy ko , d ko maiwasan magkamot minsan kaya lagi kong pinupudpod ung kuko ko kasi ang kati talaga pero wla naman mga butlig .. Naglalagay ako ng lotion para maibsan kahit unti ung kati na nararamdaman ko ..
Đọc thêmHi miii ... So on my end, for my 1st trimester my changes are (malalang hip pain, mini pimples) on my 2nd trimester (hip pain, few pimples, itchy skin stretch mark on my arm area) On my 3rd trimester (hip pain, Linea Nigra (yung line sa gitna ng tummy) konting manas since lakad ako ng lakad, & medyo lumaki na ang ilong ko konti, and feeling ko umiitim ang leeg ko sabi naman ng iba ndi daw) hehe so far ang pinaka auko is yung hip pain talaga. Parang binabali ang mga buto ko.
Đọc thêmiba2 pala ang changes noh mga moms.ako kase di ko na mtandaan at ung panganay ko 16yrs old n ngaun lang ulit nasundan.di ko na mtndaan kung ano chnges sakin😅.pinahirapan lang ako sa,1st trimester kase sobrang pagsusuka ko.pero ung hipag ko lhat umitim sa kanya batok leeg lumaki ilong pero boy ang anak nya.pero ako konting lang pagkaitim guhit lang ng kilikili.saka singit.sana baby girl na to.para solve na🙏🙏.
Đọc thêmwell me hangang sa manganak aq maganda ako🤣pero after manganak within a mth saka q nrmdaman na ang laki pinagbago ng mukha ko,alam mo un feeling mo na ang panget mo. na kht anu ayos mo ang panget ng tingin mo sa sarili mo.at d ako masaya,till now kaya gngwa ko bmbli aq pmpgnda llo sa mkha q kht mkha q lng mgng maaus ulit ok na q as of now ok amn wala pimple mkns mkha.
Đọc thêm2nd semester...nagka pimples ako sa noo kahit di naman talaga ako nagkaka pimple nong di pa ako buntis...medyo marami na maliliit tas likod din at breast na part..tas yong leeg din at batok nangitim sobrang halata niya lalo kasi maputi ako kaya kaonting itim lang kitang kita, tas sa mga singit singit din like kili kili.
Đọc thêmteam july here.. we'll be having a baby boy🥰 nung di pa namin alam ang gender ang daming nagsasabi na babae daw dahil mas lalo daw akong pumuti at blooming pero ayun nga boy ang gender ni bebe 😊depende po talaga siguro sa pagbubuntis.
Update lang sa thread na to mga mii kasi 3rd tri ko na. Napansin ko pa-third tri nagsimula umitim kili kili at singit ko, puffy eyes at pimples. Ang lakas pala maka pangit kapag baby girl pero keri lang basta healthy si baby yon pinaka mahalaga. ❤️
ako po kung kelan manganganak n saka naman namaga ilong ko😅😅 as in nangamatis po ng sobra di kagaya nung s panganay ko n nag third trimester ako nangamatis agd ilong ko dto kay number2 ngayun lng kung kelan malapit n ko manganak 😅😂😂
Sakin stretchmarks mga 20 weeks onwards napansin kong meron na ako pero yung ibang pag babago like pag itim, pag laki ng ilong ko ganyan nung malapit na ako manganak mga about 35 weeks ganon. Pero sa pimples since nabuntis ako di ako nagkaroon
Momsy of 3 energetic little heart throb