Is this normal behavior ng 1mnth old baby? As in ayaw nya na magpalapag, kapag ilalapag nagigising siya. 3nights na akong natutulog ng medyo nakaupo kasi nakapatong lang siya sakin at ayaw magpalapag nighttime man or daytime. Kahit basics na gawain di ko na magawa, kahit nagwowork ako eh buhat ko siya. Kapag gising lang siya at maganda ang mood saka ko lang siya nailalapag. Ano po kaya magandang gawin para kahit papano eh makakilos pa din ako ng maayos na buhat siya? Pls pa advice naman po salamat. #FTM #clingybaby #plsadvice
Đọc thêmMga mhie help naman po, hindi ko kasi mapaburp si baby. Lahat na po ng technics at position na naresearch ko ginawa ko na pero di ko pa din siya mapaburp, 7days old pa lang si baby. Sobrang napapraning na ako kasi everytime na ilalapag ko siya at di siya nagburp, palagi siyang sinisinok. Madalas ako lang naiiwan mag isa wala rin akong mga kamag anak or sino man na malalapitan ko kapag may kailangan akong malaman kaya internet talaga ang takbuhan ko. Wala rin naman alam partner ko kasi parehas kaming first time parents. Pls po pahelp di ko na alam gagawin ko sa baby ko madalas napapaiyak na lang ako kasi feeling ko hindi ko magawa ng maayos pagiging mommy ko sa kanya. Wala naman ako makausap sa pinagdadaanan ko kahit partner ko di ko makausap at natatakot ako baka umabot pa to sa postpartum depression, ayoko masaktan baby ko. #FTM #plshelpmgamommies
Đọc thêmHi po, mag 3days pa lang si baby and since paglabas eh bf na siya sakin pero yung nips ko parehas na may sugat. Ano pong ginawa nyo para hindi magsugat ang nips nyo? Sobrang sakit na kasi ng akin feel ko di ko na kaya magpa bf pero ayoko din naman siyang i-formula. Safe din po kaya na nadedede ni baby sugat ko sa nips? Salamat po sa sasagot. #FTM #breasfeeding #breasfeedbaby
Đọc thêmKapag po ba may discharge na na medyo brown pupunta na agad kung saan manganganak? Sorry to ask po kahit pinaliwanag na sakin to ng ob ko kanina, sobrang lutang po kasi ako wala ako maintindihan kanina. Also 1cm na din ako and ano po yung signs ng labor na dapat na dalhin kung san ka manganganak? Ty po #FTM #37w
Đọc thêm36weeks di pa din alam san manganak
36weeks na po ako di ko pa alam san ako manganganak. Sa mga napagtanungan naman namin na public hospital eh dapat daw may record sa kanila wala na tumatanggap samin dito, dasma cavite po kami. Ayaw kasi namin sa private kasi naglalaro sa 50k-60k ang magiging bill namin, syempre sa panahon ngayon mas pipiliin nating maging praktikal lalo sa mahal ng mga bilihin. Wala po akong philhealth, di din kasal sa partner. Kahit po lying in wala kaming mahanap na tatanggap samin #plshelp #1sttime_mom #TeamFeb2023
Đọc thêmHi mommies, baka may alam kayong bilihan or kahit online shop na trusted na pwedeng bilhan ng damit ni baby. 3hrs pa kasi byahe ko papunta sa divisoria para makabili ng damit ni baby eh hindi ko na kaya bumyahe ng malayo lalo't motor lang ang service namin. Nakabili na kasi ako ng baru baruan 2x na online kaso nadisappoint lang ako kasi hindi naman cotton at sobrang nipis ng tela. Nagtry na din ako maghanap sa tiktok at shopee kaso nakita ko sa mga review may manipis na tela, hindi cotton or may sira naman. Syempre kahit naman sino satin gusto ng makakatipid at quality lalo na kapag si baby ang pinag uusapan. Plss respect my post po ty! #TeamFeb2023 #firstTime_mom #33weeks
Đọc thêm