juat mom
Merun po ba dto na kapareha ko na low lying placenta ... At ano po ung gngwa nio para tumaas ung inunan ng baby niyo po ...
Ako nung 13weeks ako low lying halos 1inch lang ang layo sa internal is ng cervix... bawal muna ang sex, magbuhat at magpagod, tapos pag gabi naglalagay ako ng pillow sa ilalim ng pwet ko or tuwad for 2mins lang tapos kinakausap ko si baby lagi. Now I'm 30 weeks pregnant and I have high lying grade 2 na. Basta wag ka lang mastress sis ang uterus aaman nageexpand pwede pa yan tumaas talaga.. and prayer din 🙂
Đọc thêmako kc nkitang low laying placenta ko nung 12weeks sa transv ko tinanong ko sa ob Kung ano dapat gwn and delikado ba Yun wag daw mgalala kc tataas p nmn un hbng lumalaki ung matres ko. observe nlng daw tuwing check up Kung umaakyat ba to o hnd kpg hnd dun n daw ggwa ng action. now nsa 17weeks n aq and hnd p na ultrasound next week p kc check up ko Sana mag improve .tumaas Sana 🙏🙏🙏🙏🙏
Đọc thêmhi momshie.. kakainstalled ko lang ng apps na to ngayon..nanood kase ako ng youtube about din sa low lying placenta..kase ganun din yung case ko ngayon.. magtatanong din sana ako kung ano ba ang dapat gawin or mas magandang gawin para umikot c baby pati yung placenta ko.. thank you.!🙂
Low lying placenta po ako. 35 weeks now. Sabi ng doc sa 3rd trimester sya mag mamature, na possible tumaas pa. Doon po talaga sya tumanim. Ang magagawa lang natin iprevent magbleeding tayo. Bawal mapagod, magbuhat ng mabibigat, makipagsex sa partner. More frequent rest.
Đọc thêmsame here momsh.. ganyan din ako nun first Trimester ko but sabi ng OB tataas panaman daw yan.. bed rest and pag matutulog left side lagi.. or lagay ka unan sa pagitan ng balakang at pwetan make sure naka flat ka at wala unan sa ulo mo. wag magbubuhat or kahit magpagod
nung 1st trimester ko din ganyan.. inadvise lang saken ng midwife na magbed rest tas maglagay ng unan sa balakang para daw umangat.. bawal magbuhat ng mabibigat at bumyahe ng malalayo baka daw po kasi magbleed.. going 35 weeks na po ako and ok na po lahat ☺️
Ako din mababa si baby sabi ni ob..binigyan ako pampakapit..tapos sabi lagay lng ng unan sa banda pwet para tumaas..4months na si baby..dasal lng yan sis..saka kausapin mo din na umaangat na siya kasi yun ginagawa ko ei..kinakausap ko siya..
bed rest. mbaba din inunan ko since 9 weeks ako. pero til now mei unan prin ako nillgay sa balakang ko and prone ako dti sa bleeding ngaun ok na. nkakakilos nrin ko kht konti. tyka pampakapit po til now umiinum ako. 21 weeks here.
anterior with posterior low lying placenta grade 1 naman yung akin. bawal daw matagtag sabi ni ob. need daw may pillow sa balakang pag hihiga. pag hindi daw nagbago baka daw ma CS. haaay, wag naman sana ma CS.
grade II din placenta ko nabasa po lang tong post mo mami kaya nalaman ko na di pala normal pag grade II di ko pa kasi ipapasa sa OB ko ung result ng bago kong ultrasound what to do kaya?