Sama ng loob. ?

Meron talagang mga taong walang pakielam sa mararamdaman ng iba. Ang pangit ko daw magbuntis. Sa totoo lang, wala naman akong pakielam. E ano kung pangit? Pero nasaktan ako kasi wala naman siyang alam sa pinagdadaanan ko habang nagbubuntis. Hindi nakakaganda ang stress. Hindi siguro siya nakakaranas na mabaliw baliw sa kakaisip kung pano pagkakasyahin yung sinasahod ng asawa. Yung araw araw di mo alam kung pano makukumpleto yung gamit ni baby. May regular na trabaho ang asawa ko pero aminado kaming hindi nakapagipon bago magkababy. Gusto na namin, pero ang hirap pag nagkakasabay sabay ang gastusin. Tapos may makakasalamuha ka pang mga taong ganito.

28 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Sis ung nagsabi ba sau maganda o pogi?sipain ko yan eh..charr..hehe..yaan mo n sis..ako nung first trimester ko hnd nmn directly sinabi sakin na pangit ako.ang sabi lng "siguro lalaki anak mo"..ako n nagsabi ng "bkt ang pangit ko ba?".tamad na tamad kasi ako mag-ayos nun..pro nung 2nd trimester gang 3rd ayun sinipag na ko mag-ayos.haha!.kaya lage na ko sinasabhan nun n babae daw anak ko kasi blooming ako at ang ganda ko daw.hahaha!.ang sexy ko daw na buntis!.hahaha..naiintindhan kta sis kasi madali tlg tau tamaan ng stress pag buntis.pnta k sa kwarto niu sis tpos inhale exhale ka lang.pray then ayos konti..lage mo sabhin sa sarili mo n maganda ka.minsan kelangan dn tlg ntn i-cheer up ang sarili..😊God bless po

Đọc thêm

Nangyari sakin kahapon yan. Bumibili ako sa tindahan tapos may kumpulan ng tsismosa. Lumapit pa sakin yung isa sabay tingin mula ulo hangang paa. Sabi nya sa kasama nyang tsismosa "Bakit yung anak mo naman ang sexy magbuntis tsaka maganda?" sabay tawanan sila. Di nalang ako umimik kase matatanda na e. Tsaka di ako pala labas ng bahay kaya diko alam paano mag react sa mga ganung klaseng species. haha

Đọc thêm

Ignore them. You shouldn't be bothered by their words kasi wala naman silang naiaambag sa life mo especially sa pregnancy mo. Yung mga taong nagsasalita ng mga ganyan eh yung mga klase ng tao na kulang talaga at hindi biniyayaan ng critical thinking and kinulang talaga sa sensitivity. Stand proud po mommy kasi for sure mas madami kang nagagawa na hindi nila kayang gawin.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Ako mga bumili lng sa tindahan, sinabihan ako na lalaki daw anak ko. Hndi ko pa alam gender that time. Sabi ko bakit po? Sagot niya, "Ang pangit mo kasi" hahaha kaloka walang preno. Pero wala akong pake. Eh sa tinatamad ako mag ayos ngayong buntis pakelam ba nila 😂

Hayaan mo na mommy. Isipin mo nalang na nakadikit yung dila nila sa tumbong nila kaya mabaho lumalabas sa bibig nilang mga salita. Dun palang makikita mo na anong klaseng tao sila, wag nalang bumaba sa level nila..cheer up! 😊

ok lang yaan sis..wag mo cla intndhin..panget dn aq mgbuntis..haha..pero ung snsbi nila..babae dw anak ko..kc wala mn lng pangitain n lalaki anak ko..wala nangingitim kng anek anek..nung ngpaultrasound aq...baby boy..hahahaha

Sis wag mo nalang pansinin dadagdag lang yan sa mga iisipin mo. Ako nga in laws ko sa araw araw na dinadalaw ako samin sinasabihan akong panget at lumulobo. Okay lang sakin, madali naman magpaganda ulit after manganak 😁

Wag mo na pansinin mommy nung buntis ako halos mangitim ako, magmukhang losyang kahit nagaayos naman tapos daming isipin . Di ko sila pinapansin mas importante ang baby ko kesa sa akinla..dont mind them

Don’t waste your time allowing their words affect you deeply. Who cares about what they think and say. Just let those negativities remain theirs, it doesn’t have to be yours.

Mga ganyang tao dapat binabale wala di nila worth ang time mo focus lang sa family mas importante sila kesa sa useless na katulad nilang mapang husga